Sunday, February 28, 2016

What if..

(Mar Roxas is our next president)

Anak ng tinapa, noong nakita ko yun pesteng advertisement niya... Nastress ako. Hahaha One time, parang nakita ko yun isang event niya, tapos may kasama pang drama na dahil daw sa CCT eh guminhawa ang buhay nila.. Tapos yakap naman ito.. Style bulok talaga! haha Isipin ko na lang, pag siya naging presidente, parang mas paurong ang growth ng bansa natin. Paano? Daang matuwid pa din. Diyos miyo. hehe

Inaamin ko, binoto ko siya noong for VP, kaso inalat kay Binay. Gusto ko siya dati kasi alam niya ginagawa niya as DTI at economic policies, kaso nung tumagal at nung natalo.. At nung nag asawa na, aba nag iba na siya.. Di na simple yun dating niya, yumabang na! Kaya sabi ko, lalo nung tumakbo siya, wala na, matatalo na siya. Pero malay mo, may magic mangyari at bigla siya manalo. Malamang ang magandang magagawa lang niya eh focus sa economic growth natin. Except sa income tax na di daw niya ibaba, feeling ko mapaparami pa yun foreign investments dito kasi isusulong niya easy to do business here strategy. Saka, isa pa naiisip ko, yun coordinating ng local government maayos niya. Yun lang naiisip na matutuloy niya, pero yun ibang problema natin..

Poverty will increase lalo pag wala siya nagawang solution sa mga mawawalang trabaho na OFW from middle east dahil sa tension and economic slowdown. Dagdag mo pa kung aasa lang siya sa CCT. Yun pork barrel, gagawin niya legal with some manuvering. Peace and order, wala siya magagawa eh yun gusot sa yolanda di niya maayos, paano pa with the other departments? Lalong magkakagulo dahil lalakas ang loob ng mga rebelde or terrorist. Di niya mahahandle yan kahit malakas pa AFP natin..

Ang huli pang problema niya, ang mga pabor sa partido niya. Grabe kung sino sino ilalagay niya sa cabinet, malamang barkada na naman.. Bwisit, mas lalong walang mangyayari sa buhay natin lahat. Hay, di ko alam kung paano tayo uunlad kung sila sila lang makikinabang! Kahit magaling siya sa talumpati, pero hanggang ganun lang yan.. Wala nang pagbabago diyan lalo malaki partido niya kasama pa si Pnoy.

Ewan ko, sa tatlong binigyan ko example, pagbibigyan ko pa si Binay o Grace, pero sa kanya, wala talaga. At nakakatawa, Wharton pala ha. He doesn't looks one especially with the decisions, dumb founded decisions he is making. Wala na tayong pag asa..

Daang matuwid na puro bahid. hehe

May forever pala sa kanya, 3rd place forever! hahaha

No comments: