As you get old, the more you'll be stubborn. Ah like my parents. hehe Kidding.. But anyhow, being professional eh di lang maganda sa pangalan.. Gaya ng professional basketball player, professional bowler, teacher, banker, director, actress/actor, writer and etc. How about professional garbage collector or cleaner, or conman, and better yet, politician. Any job indeed needs to be living like a pro. Maganda nga siyang pakinggan pero how to become like one? Nah, it's really not good to one's ear.
Follow your boss, most of the time.. Laking bagay niya para maging professional ka, kasi meaning may respeto ka sa ibang tao. Kahit ang boss eh medyo incapable. I met some of them in my career, yun iba, lagi.. Or masama, buong career nila eh terror ang boss. Well ang way naman diyan it's either makisama ka sa boss mo or earn your boss attention sayo through performance. I mean honest working performance. hehe
Respect to others, especially your co-workers.. Naku lalo na sa industriyang ito, kailangan mo talagang makisama sa mga team mate kasi kung hindi, di ka tatagal. O kahit di na dito, kahit anong trabaho.. Maski iba trip nila or ayaw mo yun ugali, makisama ka na lang kasi para naman sa ikakabuti ng lahat. At least di ba may nakikilala kang bago o kung maganda, eh magiging kaibigan mo pa. Kung ayaw niya or nila, eh di leave them alone, not the job.. Just move on and do your thing. Don't feel nagiisa ka lang sa work. At never, make an event na ikakagulo ng work, kasi baka ikaw ang mawalan ng work at mahirap maghanap ng work ha.
Follow companies policies/rules/steps basta whatever procedures they have. Importante ito lalo na if the company has a zero tolerance policy.. Meaning walang awa awa pag dun ka nahuli. It's either di ka magpahuli or mabuti eh sumunod na lang. Gaya na lang example, wag ma-late sa work. Yun iba grabe, maraming palusot or style, hanggang sa makadaya sa login. hehe Pero in the end, walang epek, love letter lang naman ang katapat or worse, medyo maghanap ka na ng work. Kahit anong trabaho naman may ganito. Kahit ako dati sa shop, pag late lagi, ah magpahinga ka muna sabi ko sa saleslady or worse, may kukuha ako bago kaya next week ka na lang. Sad but well, somewhat true.
Be, at all times, accept consequences in a honorable way. Do whatever you can to contribute to others at your most capacity. Hirap pero ibig sabihin kahit medyo di ka na masaya o nagkataon di maganda pakiramdam mo magtrabaho, isipin mo yun mga ibang nagtratrabaho na mas malalala ang situasyon pero pasok pa din. Siyempre kasama na dun ang pareresign ng tama. hahaha Nah other examples na gaya pag bagsak stats, wag na kasi magdahilan, accept na lang na may pagkukulang ka unless eh.. Ehem yun TL or boss mo may malaking pagkukulang eh dapat umayos din siya. Accept mo yun shortcomings at be a sponge from feedback. Kung ano sinabi sayo baguhin mo, gawin mo para sa ikakabuti din. No matter how it was said,kahit masakit o minsan kakabad trip.. Tanggapin mo na lang at harapin ng tama. Wag na din umiyak, or magalit sa iba, o kahit sisihin mo yun boss.. Walang mangyayari kung ganun lang. Mabuti na magmove on, improve at enjoy. hehe Mahirap pero sa tagal ko sa trabaho, it works at magiging less stress ang work load mo araw araw. Kahit anong mangyari na panahon, o kahit may iniinda ka or may sakit, kahit may dinadamdam ka like nagaaway kayo ng GF/BF, tapos ang saya mo sa phone, pero after that, iiyak ka... So normal sa work. hehe Gaya ko minsan may lagnat basta may boses pa, pasok pa din ako! hahahaha
Give always your best, kahit di mo kaya minsan. Ibigay mo yun lahat kasi dun ka kinuha or binabayaran dahil alam mo yun trabaho. Yun iba, petiks petiks matagal bago magtrabaho samantala yun iba nagpapakahirap. Excellence in work gives a long way towards success, kasi todo bigay in a smart/efficient way. Siyempre di lang yun todo sa trabaho,minsan isip din ng paraan paano mo mapapagaan yun trabaho mo.
Higit sa lahat, sa dami pang traits na kailangan para maging professional.. Eto yun nakita kong kailangan sa lahat, lalo na sa mga nasa poder..Ehem.. Humble. Hindi feeling humble o low profile.. Iba yun! hehe Humble meaning di nagmamayabang. Kung ano ginagawa ng isa, gagawin din niya para sa pakikisama. Pag bagsak ang team, hihingi ng tawad ang TL dahil mali siya kahit di naman. Di pinagyayabang ang pwesto niya, kung hindi, lalo siya level sa mga mababang rank. Nakikisama sa hirap at tagumpay. Pag nacompliment, ang thank you di sa kanya, nagpapasalamat siya sa ibang tao agad na tumulong o tinuran siya. Or better yet para sa team or sa pangkat na katrabaho niya. Madaling lapitan hindi yun iwas ng iwas at nakasimangot pag kausap or ituturo ka sa iba para sa tulong, ayaw sa mga di kauri kung baga. Saka di nagmamarunong o mataas maski alam niya o talagang mataas ang posisyon niya.
Eto lang yun mga usual traits para maging professional. Ako, well nagagawa ko lahat at kahit ilang work na ko or napasukan ko, tumatagal naman ako kasi eto yun ginagawa ko. Walang kaaway o heavy heart everyday siguro stress sa work load but not relationship to others..
I value having good relationship with other people because in the end.. Confident na sila to deal with you and have a lasting relationship with you. Being professional creates great relationships..
What's your profession?
No comments:
Post a Comment