Kailan mapupuno ang salop?
Yan ang aking nararamdaman. Ngayon..
Mas nakakapanghina ang sitwasyon sa bahay, kaysa sa trabaho
na padating pa lang ang hirap o istress.. Baligtad no? Kahit ako ay medyo nagagalit
o gusto ko kahit papano umalis at gusto magisa pero mukhang kailangan isang
tabi ang aking nararamdaman. Lalo sa panahon na ito..
Samantala, ako'y nagagalak na ang ating pangkat para sa FIBA-ASIA
na Gilas Pilipinas ay nakausad na!!! Dalawang panalo na lang at sigurado na an
pwesto natin sa Espanya world championships sa susunod na taon! Alam natin mahirap
ang mga makakalaban natin, kaya kailangan nila at ang ating supporta!! Kaya,
isigaw ang Gilas!!! Gilas!!! Gilas!!! hehe
Sapagkat iba na ang aming assignatura sa trabaho, kailangan ko
maging maingat at mapanuri kasi sa hirap at medyo mapalinlang ang trabaho
sapagkat akala mo ay madali, yun pala, eto ang ikakabagsak mo!! hehe Kaya
kaunti ingat lang at, supporta sa buong pangkat mo. Kasama siyempre ang iyong
masayang lider.
Marami pala akong nabasa na mga kakaintrigang balita. Mula
sa pulitika at tsika. hehe Sa showbiz ano pa ba.. Ako'y naging mapagmatyag, at
nag hihintay ng susunod na kabanata. Ang hinihintay ko eh, kung totoo na nanganak
na ang isang aktres na kuno umalis para magaral, pero hindi pala!! Istayl niya
bulok. eh gumawa niya nung HS ko, hindi sa US ang bagsak, angelicum pala!! hehe
Eto naman eh nagabroad pero mukhang may tinatago.
naku naman bakit dun tayo napunta. hehe Ok naman dapat ako,
kaso may mga bagay na kahit di mo problema or karga, sama ka. Pwedeng pahinga pahinga
muna.. Kaso iniisip ko na lang, pag natapos ito, pwedeng na makahinga ng
maluwag.. oh makapahinga at makalayo sa mga problema. Kahit ilang sandali
lang.. Kung sabagay mayroon naman ako karapatan. Sana naman.. Hay Diyos ko.
Pagod at gutom ako sa mga sandaling ito.
Ay sayang, ni hindi naman ako nakapanood ng cinemalaya!
Kakaasar, at sa tingin ko, kailangan nila na mas mahabang panahon para sa
pistang ito at maraming lugar na pwede ipalabas nito. Yun ang naging problema
kaya ayun, ang hirap manood, lalo na sa CCP.
Marami pa talaga ako iniisip, sobrang naguguluhan, di ko
alam king ano uunahin.. Sila ba o ako?
Sarap ng libreng ticket sa eastwood, sana maulit ulit.
Kakatawa, ang huling panood ko pa dun, parang The Dark Knight at sa Dell pa yun,
matagal na kung baga. Ako po ay nabigyan ng ibreng ticket at nagamit ko naman
sa tama, Red 2.. Sarap ng libre. hehe
Ngayon, ako ay masaya dahil natapos ang linggo yun na
matino. Kaso, panandalian
lang yun kasi marami pa dapat gawin. Una eh naisipan ni
Gerro na tumira sandali dito, pangalawa eh sa trabaho, kinakabahan pa ko kasi
sa bagong trabaho inatasan sa min. Medyo di ko pa gamay ang trabahong ito, pero
awa ng Diyos, wala pang bagsak sa QA. hehe
At ang huli ay pagsubok na darating sa amin na hanggang
ngayon, hindi ko pa alam ang solusyon. Wala na ko maisip at wala nang paraan.
Sana ay mayroong solusyon sa problemang iyon.
Umaasa naman ako na makapagpahinga kahit sandali.. Umalis sa
mga araw araw na pagsubok, at pangyayari. Makahinga mula sa tensyon sa buhay..
Makapagisa kahit papano para may oras sa kin at di lagi sa iba.
Mabuti naman, nanalo ang Gilas!!! Kahit papano, napagaan
nila ang problema ng ating bansa!!! Puso!! hahaha Saludo sa kanilang pinakitang
Gilas. Kahit di malayo marating natin sa Spain World Cup, pinakita natin na isa
tayo magagaling sa mundo at sana maging ganito sa matagal na panahon. =) Mabuti
ang basketball, nakakaworld cup tayo. Di kaya ng ibang sport diyan, mukhang
matagal ang usad papunta sa world cup. hehe
Sa bagyong darating, sana kami ay handa.. Ibang hangin at
kulog ang dala nito..
Nawa'y magkaisa kami. Kahit isang beses lang. Kahit anong
mangyari..
No comments:
Post a Comment