Saturday, August 31, 2013

ReView

Masasabi ko lang itong agosto eh napakalungkot, sa mga unang linggo maayos na eh, kaso nung dumating ang kalahating buwan eh kulang na lang mamatay sa pagod. hehe Pero ganun talaga ang buhay, di naman laging masaya o matiwasay. 

Salamat naman sa Diyos kahit papano, makahinga naman ako sa lahat ng pagod at pagod talaga nangyari sa kin. Di ko na lang isiwalat at gusto ko makausad na lang kaysa pagdiinan o masamain pa kasi wala naman mangyayari. =( Tuloy na lang kung ano pa magandang gawin sa buhay.

Congrats kay Doc Tin, at mukhang kampana na lang hinihintay ng CRAP! hehe At ano pa, pagkatapos ng tagumpay ng Gilas Pilipinas eh balik basketball lahat ng liga! Siyempre talunan na ang USTe, milagro na lang kung papasok ng final four! bwahahaha Doon na lang ako sa team B ng USTe, CSJL!! Arriba Letran! hehe Hindi naman, USTe pa din pero mukhang magkakatotoo ang hula ko, di na aabot ng final four.. Pero USTe eto, may milagro pa kahit mainjure na lahat ng player! hehe

Simula sa susunod na linggo, napakaraming pagbabago sa opisina.. At ako'y di naman nangamba, siguro sa queue na gagawin ko pero gusto ko lang bumawi sa Setyembre. Napakaalat ng Agosto pati yun trabaho ko medyo inaalat. hehe Pero bawi na lang talaga, mabuti na lang.. Di ako babalik sa dati na walang aasahan tao, at alam niyo kung sino yun! 

Hay, di naman masama o kahit malapit sa otsenta porsiyentong kapalpakan eh lahat masamang balita. May mga maganda din naman nangyari. Gaya na ano ba? Nakalimutan ko na. hehe Pero siguro una eh kaya ko magbawas na kinakain karne at mukhang matutuloy na yun pag ehersisyo ko, hehe Sa wakas!! Kailangan na kasi pumayat. Pero di agad agad, kasi iplaplano ko pa yun oras kung kailan pwede. 

Isama pa pala sa mga problema ko tong kompyuter ko. Aba eh mabuti di na maingay pero yun HDD naman, nagloloko.. Ika nga ng isang katrabaho ko, sabi pang server na ginamit na memory dito. Mukha nga! Kaya kailangan paayos muna.

Napakabilis ng panahon, walong buwan na nakalipas..

Sobrang pinagpala pa din ako kasi sa daming nangyari sa amin, sa akin eh marami pa ring bagay na ako'y pinagbigyan. Sana'y siya nawa eh di tumigil di lang sa pagbigay ng biyaya kung di sa pagmamahal sa min.. At tulungan mabago ng aming mga pagkakamali. 

Ako'y umaasa na di lang makalimutan yun mga nangyari pagkaraan ng walong buwan, mabuti eh magsikap ako na mapabuti di lang sarili ko, kung hindi, at maging bigay todo ang dapat kong gawin at mahalin ang ibang taong malapit sa kin. At siyempre, Siya din na nasa itaas. =)

Bad trip, napakahirap mag vernacular!!! Bwahahaha 

Buwan ng wika nga talaga Alfredo.. Hay....

No comments: