Unlike before, sikat ang mga cellphone na may keypad at kahit ano pa software, basta may sounds, call and text ok na!
Well, di na ngayon. Ang isang phone ngayon sa normal user, eh di lang call and text or even kahit may radio pa yan or mp3 or TV.. Ngayon kailangan may internet, multimedia lalo na nakakapanood ng pelikula, Android or IOS ang software and worst, games and apps! At dagdag mo pa ang paramihan na core, na ngayon eight core na!! hehe
Smartphones are like small computers, kasi kulang na lang maglaro ng DOTA sa phone mo. hehe Smartphones talaga ang in at out na mga barphones, so yun mga naka 3310 na dati sobrang sikat na, baka ngayon, pagtatawanan ka pa..
Ang advantage na lang ng analog or barphone eh size. Lalo kung di mo trip ang mga smartphone, ganito na lang telepono mo at ayos na! Di naman mga 6inches ang mga telephone na to. hehe Or may 2gb na RAM! Simple lang at iwas holdup pa. hehe Naalala ko, yun naholdup ako dati, mabuti na lang sobrang liit ng 6510 ko, di nakapkap ng holdaper. Nakuha yun walet ko at pera, pero yun phone, nasa ilalim ng bulsa ko eh ayun, di nakuha. hehe
I think that these phones won't be out sa market. Kasi naman, it's for the oldies naman. Si Daddy nga yun X2 pa din gamit niya kahit pwede naman siya magsmartphone. Si Mommy, kahit nakatouchscreen parang gusto na lang ng luma kasi hirap sa touch. hehe O kahit ibang matanda na may smartphone pang display lang pero ginagamit eh yun analog para sa araw araw.
Magulat na lang ako pag yun apple naglabas pa ng ganitong phone na may IOS. hehe Geez, kaka miss din yun ganitong phone, lalo na yun mga camera na ganito. Saka kahit ako, mas nasanay ako lalo sa text pag ganitong phone. Bihira magkamali kasi sa text, kahit nakapikit o san nakatining makakatext ako ng tama. Sa smartphone ko yun daliri ko minsan nagkakamali, kaya dapat pala 4.8 hanggang 5.2 inches yun phone ko dapat. Sa lumang barphone, zero mali sa txt. hehe
Kaya ako hmmm tago ko pa din yun X101 ko. Yun X2 ko sana kaso bumigay na. hahaha Sad..
Pero totoo, kakatuwa lang na may ganito ka padin phone.
Matibay at maasahan. Kasi at least pag nabagsak buhay pa at kung may sira, parepair lang sa technician.
Eh pag G2 nabagsak, good buy 20K! hahaha
No comments:
Post a Comment