Sa buhay, may mga bagay na dapat mangyari, at isa na yun siyempre ang pagaasawa. Di ko akalain na si Doc eh di naman kagulat gulat na eto mangyayari pero yun agad agad, yun na. hehe Habang nag DoDota eh sinabi niya kung available kami ng ganitong date last January, ako naman since Sat Sun off ko walang problema. Igz din ok lang, si Sir eh may pasok ng Sat at may service pa pero ok din, so ok naman lahat. Nagpapatulong din kung papaano daw isurprise si Tin.
Well, kahit ako walang masagot, kantahan namin? hehe Baka matawa lang si Tin but anyway, nagawa naman ng paraan ni Doc.
A week later, eto na ang pinakahihintay ni Doc, at kaming tatlo eh gutom na! hahaha Kasama pala si Khaye then family members ni Doc at siyempre relatives ni Tin, para ang plano eh dapat date lang nun dalawa tapos surprise na lang na nandun kami lahat. Sa Guevarra's pala yun reception este yun place ng kainan.
Nung dumating kami dun, maganda yun lugar, parang reminiscing yun spanish times ha. Ganda ng set up, and ambiance, except well for the service which sabihin ko later. Yun Food, later na din. We arrived there around 6:30pm pero pwede na daw kami kumain. Pero siyempre ayusin muna yun set up and stuff at yun gameplan ni Doc such as tatago kami sa sulok tapos surprise namin si Tin, tapos may sasabihin si Doc na mahaba then bigay na ng engagement ring. Naks. Ang sweet ni Doc. =)
Kami naman eh well, abang na lang pero siyempre dahil gutom na, eh nauna na kami sa buffet. Grabe, pagkakita ko sa mga pipiliin eh kulang ata dalawang ikot, gustong tikman lahat ng putahe. hehe
Siyempre usap usap at chismax habang naghihintay at ninamnam yun sarap ng dishes, from inihaw, to kare kare tapos kanin at atbp. Biglang sabi ni Doc, malapit na si Tin so pwesto na kami according to plan.. Tapos may aberya pa pala sa service at yun plan kasi parang may mali itong ginawa yun waitress pagpasok namin kaya medyo mainit ang ulo ni Doc. hehe
Si Doc eh kahit sinasabing niya ok lang, pero sobrang nerbyoso at di mapakali, baka makalimutan pa niya yun sasabihin niya. hehe Pero wag ka, nakangiti naman siya, sobrang masaya at alam niya makukuha yun OO ni Tin.
Dumating na si Tin eh to her surprise, nashock na nagaabang kami lahat sa room and naiyak siya coz it's her birthday at nandun kami lahat ng close friends and relatives of sorts. Eto na, pagkatapos ng simpleng intro ni Doc, which we thought mahaba pa sasabihin niya, binigay na agad ni Doc yun box containing the question and a ring, with a picture ng pusa, Will you marry me? Biglang yakap agad si Tin malamang OO na yun. hahaha So there, we have first sa CRAP na getting married this year. Ewan ko from Dec naging Oct na sabi ng aming source. hahaha Napapaaga ha ata.
Anyway, Tin cried for joy of course at very grateful sa mga pumunta at nagwitness nito, ah don't forget the singing waiters na walang ginawa kung manggulat at panira ng momentum. hahaha Palpak! Mabuti na lang masarap yun food. hehe Tin look more lovely after siyempre nun engagement, speechless kasi talagang surprise ni Doc and important is very happy siya. Si Doc, after that, kahit sinugod niya yun manager because of some slip ups eh nakalma na at nagenjoy yun pagkain and the event at pagasikaso ng mga bisita. Pwede na atang tumakbo ito si Doc. hehe Pero talagang natuwa kami sa sweetness at preparedness ni Doc kahit nawala yun mahabang sasabihin niya. Sabagay, mahal mo naman yun tao, wag na patagalin pa. hahaha
If you're asking me kung talagang sila talaga forever, well a resounding yes! Tin and Doc already withstood na sa CRAP nung kaming apat ay may girlfriend then nung kaming tatlo naging single, sila eh together pa din! hehe We saw their ups and downs, at yun hirap ng pinagdaanan ng relationship nila lalo na sa part ni Doc na akala di siya matatanggap ng family ni Tin pero siyempre sa courage at sincerity ni Doc eh di lang tanggap ng family ni Tin kung hindi pati yun mga relatives niya. Grabe. hehe Mahirap yun ha, kaya eto ok na at wala nang kaba si Doc, kasal na lang talaga. hahaha
With Tin aaminin ko, at first medyo hirap kami magadjust. hahaha Peace Tin! Pero pagtagal di lang kami nakapagadjust sa kanya, siya rin naman for us at sweet niya lalo na pag birthday ni Doc, kami yun contact niya para isurprise si Doc. hehe At siyempre sobrang ok kasama si Tin minsan nanglalaglag pa. haha Pero masaya kami at nakita namin mahal niya din si Doc kahit ano pa man, kampante kami na magiging masaya sila sa hirap at ginhawa. Siyempre kung love ni Doc si Tin, kami din naman for Tin, love ng CRAP. haha
Di ko akalain na sa tagal ng panahon dati, pakain kain lang kina Igz, or tambay sa UST, or eto counterstrike pag linggo! hahaha Now, not only due to age or other factors, it's the path we choose to enjoy life to the fullest. One of them, getting married. Si Doc, di dahil siyempre best friend namin siya, pero makikita ko na he'll be a great husband but siyempre a great father din. A provider, protector and most of all, leader kung ano man gusto nila tahakin ni Tin na landas eh mangyayari yun basta si Doc eh let him lead the way. Basta may mag guide sa kanya at the best person eh si Tin.
I wish the best of all sa kanilang dalawa, may God bless your relationship and remember that if you let him the center of your marriage, whether in bad times or good times, your love for each other will not only be stronger but it will stand forever.
I accept that next coming years, I won't be surprised that CRAP meetings will be so much less na baka reunion na ang dating. hahaha Siyempre after Doc, eh may plano na din si Architect este si Igz at tuloy na. hehe Si Sir Rheg long delayed at dapat surprise pero alam na ni Khaye, hahaha tuloy na din. I'm relieved that those 3 found their love of their lives. Damn, mukhang aattend ako ng tatlong kasal in a year's time. Geez..
Am I sad that I'm the only left not getting married? No of course, masaya ako kasi since ikakasal na sila, wala na mangbubully sa kin lalo na yun isa diyan. hahahaha Kidding.. MIxed emotions of course, I'm sad kasi mababawasan na yun times of magkakasama kami kahit simpleng kain lang or DOTA lang or kulitan lang. Mamiss ko yun sobra. It helped me at least lessen my stress or any worries in my life. Masaya kasi at least, they found a greater joy which stands forever, living with someone you love most of course, second to Him. Alam ko na kung ano sinabi ko kay Doc eh will apply for the other two but it's such a refreshing feeling that through the years, CRAP evolve from being friends, close friends, brotherhood and now, future fathers of a family. I don't know what's next after that. Grandfathers? hahaha
Nobody can tell, but one thing is for sure, CRAP will always be CRAP. Brothers for life!
As for the food, well sulit siya for 700 something, grabe, ang sarap ng pinoy cuisine at it's finest. Di na nga ako kumain hanggang lunch ng umaga, sobrang busog. Medyo tumatanda na kami, 3 balik lang ako na dapat mga 5. hahaha Si Sir Rheg ako pa tagaubos yun pangalawang plato. Si Igz kakagulat, isang plato lang at dessert na. Si Doc, nakarami, paano ginutom sa stress!!! hahaha Interesting may mga artistang pumunta na dun, nakalagay kasi sa pader yun mga plato with sign ng mga artista. Guevarra's ok siya lalo kung date because of the set up and events like kung marami kayo kakain. Service, ask Doc for that.hehe Forgivable naman pwede na.
Isang feedback lang, yup di pwede commute, medyo maglalakad ka ng mahaba, ang layo from Wilson St. sa Greenhills. Effort to. hahaha Gusto ko ngang balikan para dun sa mga inihaw nila, kaso effort to.
As for me? Oh God, don't expect me to follow that trend right away. hahahaha At least, may tatlong kainan na ko pupuntahan na dapat masarap ang handa! hehe
For now, I'll just stay single and ready to mingle, I suppose. =)
No comments:
Post a Comment