Friday, February 14, 2014

Eye of the Beholder

Mula sa kwarto ko, ayun etong building na halos magdadalawang taon na ginagawa, hanggang ngayon, di ko alam kung ano ba talaga. 

Sabi nila templo, but with electric wires? Saka parang di ko pa nakikita yun nagfeng shui nito. Pwede ba talaga dito? Sabagay may isa pa sa tapat ng hospital at ang taas pa ng bakod.

Medyo tumatanda na din ang bahay, I think it needs renovation especially yun roof. Nagkakadila na. hehe Pero very thankful ako dito kasi sa daming bagyong dumaan at iba pa, eh matibay pa din kahit kahoy/plywood lang exterior nito. 

Paglabas mo, ayun may ginagawa na naman building, this time a college building ha! For a chinese school tapos nagextend pa ito college. I don't know kung magclick pero kung ako sa panahon ko college na yun lugar, aba kahit 5 mins ang gising ko before the bell, di ako malalate! hahaha Weird structures na talaga dito sa min.

Although may mga nawala na, like yun isang bentahan ng kotse, eh wala na malapit sa RCBC. Bakanteng lote na. Si Flying V lumipat na ng HQ, ngayon malamang buidling o whatever condo itayo dun. Yun isang lote, 50% na tapos yun pundasyon ng townhouse. Tapos etong kalsada sa Quezon Ave puro espalto at tanggal ng mga dahon sa isle. Di ko lang alam kung pagbumaha ba lumulubog pa din dun.. 

At pag gabi, alam na, may mga abangers na mga badet! At ang matindi, lumalapit sa kanto namin. hehe Pero dahil sa kanila ha, parang wala na nanghoholdup dito. Di naman lagi, pero dati may nagaabang kasi. eh ngayon, pwede pa din sila, yun mga badet ang unahin nila. hehe 

Ang bilis ng panahon, after more than a decade.. D. Tuazon hasn't really changed so much. What I see and feel, still the same. Thy place is a good location just to be myself. Or let's say, great times and bad days happened, this place stood still and me included of course.

Kaya, when I leave this place, I'm might be sad for sometime. Marami kasing mamiss ko dito. 
Sa ngayon, eto, abangan natin yun mga nangyayari sa kalsada dito, sana may shooting ulit, yun may Marian ulit. hahaha

No comments: