Friday, February 14, 2014

flashbacks: Projects

Mabuti na lang, tapos na ang mga ganito when you get old. I mean, pag gumagawa ka pa din ng projects for school, aba magisip ka na. hehe You need to finish school!

Tapos na ang mga project na pampagastos lang! Like yun drafting project ko na ewan ko paano ako nakapasa, gumastos ng malaki kasi siyempre di naman mura yun mga gamit. Even in college, yun mga punta sa subic or other province na more of site seeing than doing real project! hehe 

Tapos na yun mga project na wala ginawa kung hindi pumetiks sa una tapos magmamadali sa huli!!! hahaha Nung HS marami yan, naku lalo na pag involve something sa drawing or reporting projects. May isang kaklase ko, imbes ang group lang niya gumagawa sa bahay niya, buong classroom nandun para tumambay at makikain! hehe College, ay eto ang grabe, kung hindi cramming, counterstrike muna, or worse inom muna ng ilan araw tapos pag malapit na pasahan, pre gawin na tin! hahaha That's team work. Or kung malas malas pa, nagsisimula pa ng ayaw  lalo na sa delegation of task! Grabe.  hehe

Tapos na yun mga project na talagang pinaghihirapan pero pagawa lang pala! hahaha Lalo na yun parol and advent wreath, geez, materials lang akin tapos sila Kuya na bahala. hahaha Basta yun ibang project ko, lalo na when it involves with art, eh kung hindi si Kuya, si Ate ang taga gawa! Kahit ngayon nga pagbalot, pinababalot ko pa sa iba. hehe Kahit ata nung college pero di naman ganun karami yun pinagawa ko.

Tapos na yun mga project na dun mo malalaman kung sino magiging kaibigan mo o maasahan mo sa buhay o mas maganda makikilala mo yun mga kaklase mo. Totoo ito. HS, hmmmm may mga projects na kasama ko yun CRAP kahit di kaming apat eh iba dun magkakasama kami. Tapos yun ibang kaklase ko sa HS nakilala ko mabuti nung gumagawa ng project at naging kaclose ko pa yun iba. College ang masaya! hehe from 1CPM to 4BA1, nakilala ko isa't isa ang mga kaklase ko at most of them friends! =) From Flytrap play, tapos tulungan sa pagpasa na lintik na accounting, saan kami pumupunta na lugar for projects, tapos Feasib, then marami pang projects na dahil dun, nakilala ko yun mga friends ko. hehe May magulo, awayan, at kasiyahan.

Kahit tapos na siyempre ang mga pagkakataon na yun, masarap balikan yun mga moments na lahat naghihirap para lang tapusin ang pesteng project na yun. hehe At bonding time, saka yun paano magflourish ang teamwork despite well, maraming odds, expenses at higit sa lahat deadline ng submission!

Kung tutuusin naisip ko, parang most of the projects we've done, wala naman silbi nung tumanda ako. Such as gumawa ng ham, eh bili na lang ako ng ham. Or gumawa ng parol which hirap naman magsabit dito sa bahay or even that honey making project, no way I'm going to do that! hahaha

Senseless but quite meaningful projects.

Most critical project of all, to finish good at this hard project.

Life!

No comments: