Thursday, February 13, 2014

Kung Ako'y Isang..

(engineer)

Habang naglalakad ako papuntang work eh ang daming ginagawa sa kalsada. Road work, nilalagyan ng aspalto yun daan para kuminis. Sa isip isip ko, nagtitipid lang ang gobyerno. Short term solution but it won't last. hehe Thanks to Dad na hindi lang Architect, kung hindi Engineer pa, tapos mechanic, carpentero and lahat na, alam na. Kaw na po Dad! hehe

Kahit mga buildings sa Makati or any high rise lalo na condos, the reason maganda ang building eh di dahil sa design or materials or even nice tiles or flooring, eh dahil na din sa engineering. Strength kung baga ng building using such design, lalo na wag naman po, earthquakes. 

Or kahit sa kotse, kahit anong ganda ng kotse eh kung sirain o ka karag agad sa kaunting mileage eh panget di ba. It lasts long kasi sa engineering ng car. 
Engineering also apply halos sa lahat ng bagay, furnitures, supplies, kahit appliances ata or even management!  

According sa Wiki, Engineering is defined as "The creative application of scientific principles to design or develop structures, machines, apparatus, or manufacturing processes, or works utilizing them singly or in combination; or to construct or operate the same with full cognizance of their design; or to forecast their behavior under specific operating conditions; all as respects an intended function, economics of operation or safety to life and property"
Ibig sabihin it is an engineer's job to make sure that the design works under all conditions in a most safe and efficient way. Mahirap din pala work nila.

Naisip ko kung Engineer ako, anong field kaya?

Chemical pwede kaso may allergic reactions ako, sayang halo halo ng mga chemicals and check if it's safe, ok na! hehe

Mechanical, hmmm palpak ako sa physics eh. hehe Saka di ako nasanay magkalikot ng mga gamit, so ibig sabihin pati Electrical, malabo din. 
Geo/Gas is good! Wala naman masyado ata iisipin dun, kaso buhay mo naman ang alanganin lalo kung Mining? Geez, one step to death, all the time. Saka ayoko maassign sa Middle East or sa dagat pag Gas, grabe, kung hindi sa sobrang init at desolate places, mapipirata ka pa sa dagat! Kapapanood lang kasi ng Captain Phillips. hehe

Dalawa lang ang nakikita ko pwede ako. One is Civil Engineering which involves public works and roads, o kahit building. Malaking kita este matutulong sa lahat pag ok siyempre yun mga project kahit simpleng road project or drainage eh ok na yun ha. Lalo kung makakabawas baha o makakaayos ng trapik. Gusto ko kasi dito eh di ka naman gagawa ng malaking building, puro daan, flyover or even foot bridge. hehe Madali lang kung baga.

Lastly computer engineering, which for me suits me. I think it won't only deal sa software, kung hindi sa hardware din, yun strength ng every part of CPU or mobile computing. Lalo na sa mga panahon to, napakabilis magupdate ng software at lalo na ng hardware so it's an endless innovation and engineering to achieve the fastest, effective and smartest computing which we may end up making robots with AI in the future. It may come soon than what we think of.

Well, yun lang naiisip ko na bagay sa kin. Actually akala ko nung bata ako, pag engineer..

Siya yun may suot ng Yellow Hard Hat. hahaha

No comments: