Well, getting married changes priorities, and even sacrifices need to be made. Even the closest of friends.. You can't stop that.. Although I'll be left behind, eh in someway ok lang din. Nasanay na ko after a year but kahit malungkot eh masaya naman ako kasi di ba, they are happy on what they chose. I hope that will not change as years come by. Lalo na yun isa diyan, mahilig umiyak pag may di maganda nangyayari. hahaha Yun isa diyan at least, wala na crack ang pader. hehe Yun isa diyan, cool lang lagi. Oh ha..
Masarap pala pag tahimik na buhay lalo na wala na masyado nangbwibwisit sayo. hehe Pero malungkot dahil wala na yun mga asaran na walang katapusan.. Siyempre yun food trip na kala mo huling hapunan lagi.. Yun mga tulungan na maasahan mula sa kagipitan.. Saka yun kalokohan na di malilimutan.
Yun na lang yun maiiwan sa min at dala namin kung san kami mapunta or maparoon. Ang alam ko, kahit matagal kami di magkikita or kahit mahirap magkita or magusap.. Alam naman namin bawat isa na nandiyan lang kami, lalo na pagkailangan. Wag lang sa pera. Hahaha Kidding aside, well.. In spirit, we are still CRAP whenever.. Wherever. CRAP on Top!
Hmmmm sayang wala pa kami get together, eh medyo mahirap magset. Unless si Sir Rheg, ilibre kami papuntahin sa Middle Earth. hahaha Or si Igz, magyaya kumain, ehem, resto sa Mckinley. Naks. Si Doc, naku, masarap pagkain sa Norte!! Kahit puro high blood. hehe Sa min, well pwede naman sa inyo, tatlong salad na lang di ba? hahaha Mukhang kailangan magDOTA 2 training na kasi pag nababad trip si Igz at Doc, DOTA 2 eh panglabas ng stress!! Kahit wala si Rheg sa DOTA 2 ok lang. Walang pampakain sa kalaban. Ok na kaming tatlo. hahaha Kidding, ok magtraxex si Rheg. Pwede na.
Nawala na ang Chic-boy.. Tinanggal na sa menu yun Gourmet Garden sa YC.. Nawala na ang wasakan days or inuman days.. Nawala na yun kain sa labas or Starbucks kahit isa lang naman ang order namin pero tambay kami.. Nawala na yun road trip namin.. Nawala na yun kainan at tulugan kina Igz.. Nawala na yun DOTA nights with LAN party, lalo na pag mainit at nastress si Doc.. hahaha Nawala na yun malaking party kina Rheg na laging buong barangay ang bisita.. At nakakasira ako ng upuan. hehe
Natapos na yun mga secret moves namin for the love of their lives, with the help of all of us.. Naks ang sweet pala namin! Natapos na yun mga araw na kala namin, wala na mangyayari o di namin alam ang gagawin.. Natapos na yun mga panahon na di akalain nangyari na.. Natapos na yun mga oras kahit sobrang lungkot namin, nadaan namin sa tawa at biruan at siyempre tulungan!
Natapos na ang mga bagay na kala namin di matatapos na maganda pero napaganda pa.
Lahat ng iyon ay nangyari at ang CRAP ay di nagpatinag.
Alam ko sa dami namin pinagdaanan eh di pa tapos ang lahat, bagamat may mga darating pa na mas matindi o sabihin natin marami pang pagsubok sa hinaharap.. Pero wag magaalala.. Part of our lives, is CRAP. =) I love CRAP.
Don't worry about me.. Soon, I'll make amends. Yun lang mga bro. Thanks! Ingat lagi!!!! Rheg, ehem, magpapayat, hindi dahil puro baka diyan o tupa, kain ka lalo ha! hahaha Doc, easy lang ha.. Ok yan Doc ang gagawin mo. hehe Igz, mukhang tayo maguusap lagi online.. Kamustahan na lang. Sige practice na ko ng DOTA 2, para pag online, madali magset up. hahaha Enjoy diyan sa new work and place...
Wala lang ako masulat. =)
No comments:
Post a Comment