Thursday, December 24, 2015

A Second Chance

Tama na pangungulit sa kin, no choice na. Give this film a chance! hahaha Honestly, no idea about the first movie pero dahil sa mga reviews, at napagiwanan ng friends din, aba pati sa opisina.. Matignan nga kung bakit tumabo ng 400 mil itong pelkulang ito? hahaha

Masasabi ko na talagang nasa pelikula lahat ng rason bakit siya kumita ng ganun at I can say its a good film. Sulit siya, kahit yun plano ko panoorin sa 250 pesos. hehehe Siyempre, di naman siya perfect or a great film, pero a big chance na maging great film. 

Pagkatapos ko panoorin, naisip ko, kaya pala pwede pang a third chance, style Before Sunset ang peg ha. hahaha Before Sunrise at Before Midnight. Mautak sila, pero parang di maganda kung may part three pa. 

First na sana naimprove nila, eh yun story line na 7 years period. I mean, kung ganun pala naging siste, eh sana kahit 3 years lang yun gap, ok lang. Kasi marami nangyari sa kanila in 7 years pero parang kaunti lang yun pinakita. Pangalawa, they could just removed some characters there. Well, wala naman magagawa kasi channel 2 at marami silang artista kailangan isali. hahaha Or simply, maliit yun cast sana. Or kung marami, dapat mga kaunti or cameo scenes lang. Isa pa, dahil sa 7 year gap, eh editing was not good, sana di na lang dinagdag yun interview part. Sana they could just start yun bad years nila agad then pakita yun good years then going to the ending. Isa pang sana naimprove nila, the music used, it's very pop for a very serious film at sana di light yun dating, I mean the things they wore or lighthing very light. Ibig ko sabihin, it has a potential na great if they made this film, more indie or dark tone, kung baga realistic. 

Kahit sa mga flaws na yun, I like the film. Una eh the balanced tone ng film, may mga indeed romantic/kilig moments, pambenta sa lahat ng ages. Saka may serious moments, na tamang tama. Saka yun parts na drama eh engaging at realistic.. Ika nga nila, eh bagay sa tin. Another one eh, yun script na nakakagulat ang dami nagsulat kahit alam ko kaya ng isang tao.. Eh ok naman yun pagkagawa nila ng storya, realistic approach naman, like yun nagtayo pala sila ng company eh di pala kaya na di sila magkasama. Saka yun mga away nila, realistic.. Lalo yun scene na kakabili lang ng gamit sa Gourdo's basag agad! haha Yun ang drama. Saka yun mga moments na very distant sila at pinakita yun mga failures ng isa't isa... And yes, how they work it out together. Mahirap yun ha, pero love made them together. Naks!

At yun pinakanagustuhan ko, yun acting ni John Lloyd at Bea ha.. Sana ginawa na agad yun sequel dati pa. hahaha Talagang pinakita ni Bea yun pagkamartir and loving wife. Very matured yun dating niya at yes, maganda. I wonder why she always staying sa mainstream flicks, she can do other roles. Sayang naman.. John Lloyd, well, very romantic pero pathetic husband na talagang pinakita niya. Ganun siya kagaling saka yun mga the moves ha. hahaha Saka yun mga last scenes niya panalo. Yun chemistry nila, talagang bagay.. Kahit parang tatlong films yun ginawa nila, eh fit silang dalawa. Mapaaway sila o mapasweet sila, perfect couple sa film.. 

Kaya yun, sana nga may third chance at naisip ko na pwede yun, kung natuloy sa London si Poy... Sayang, di nila naisip, pera din yun saka marami pwedeng mangyari, lalo na may Arci pang nasama! hahaha Kaso wala, baka mahirapan sila, tapos na dito. 

Natatawa ako sa mga lines nila ha, pero may mga lines na nakakaantig naman. Not sounded forced or whatever. Normal lang..

I have one more rant, Basha is a nice name, Popoy, it's just.. Pag naiisip ko kasi yun HS days, pag may tumatawag na Popoy eh... hahahahahaha Sana ibang name or palayaw naman.

They indeed deserved a Second Chance. Oh lalo na yun One More Chance, mapanood na nga. hehe

No comments: