Thursday, April 12, 2012

CB6

Damn Chef Igz, suggested one of the cursed foods I ate in my life. It's addictive, it's so addictive, kahit alam ko lahat ng pagkain sa chicboy, eto ang pinakaayaw ko orderin. Kasi sigurado ako, kahit anong mangyari except pag sobrang over busog na ko. Limang kanin ito.. Hay, kung nasa diet ako, isang ganito lang, sira na ang mga susunod na diet. You'll be cheating your diet forever!!! hehe

Of course, sa CRAP, we should be grateful kay Chef Igz kasi siya nagintro ng chic boy sa min. I can't forget those days na pupunta lang kami ng jupiter branch para lang kumain at umorder ng CB6. Bwisit. Worth the effort. =)

Although pag marami beses mo na siya nakain eh masasawa ka. Kaso may panahon na binabalikan ko to. Kahit ayoko, pero kailangan. Labo no? hehe

I just miss how siya na grilled, tapos yun taba, di mo iisipin taba kasi sa sobrang galing na luto. At yun balat, naku, since di naman makafford ng lechon lagi, lasang lechon na yun taba. In some branches, medyo di ganun ang luto. hehe Pero yun sarap at lasa.. Nandun nga. Sabi ni Chef She eh tanglad daw ang secret.. Hmmmmmm

Of course, di mawawala ang unli rice.. At ang unli Ice tea. Siyempre, para sulitin dapat mga dalawang extra rice pa tapos mga limang inom ng ice tea. Sulit na ang 124 mo. Yehey.. hehe Di pa kasama yun sukang atchara at yun lechon sauce na sa huli ko lang kinukuha. At ang bawang na di ko naman masyado nilalagyan sa kanin lalo na if I'm going for 5 or more. 8? Forget it. hehe

Paglipas ng panahon ay talagang iba na inoorder ko sa Chic-boy, pag budget, pwede na yun sinigang tapos lumpiang sariwa. Pag merienda, yun pancit at halo halo or kung gipit, turones. hehe At kung may kaya, hmmmm sisig or yun isa pang naku.. Bangus belly at ginisang kangkong.. Tapos yun dessert pa. Pag kasama CRAP, sa no choice na ko. Lahat ay sasabihin 3 sylables..

CB6. Wasak!!!! =)

No comments: