Siyempre, di din kahaba ang gagawin ko kagaya ng title na to. How many times na ba ako napunta dito lately? After 2004, mga wala pang sampu na ata. But last year, mga twice na ko nakapunta.. Like I said in my previous posts, buenas ang mga students ng UST ngayon. Kagaya yun pamangkin ni Kuya Dong, commerce at yes, di lang BSC major in Business Admin, may specific course na!! Himala. hehe Malamang yun accounting hiwalay na sa commerce. Mabuti naman.
Not only commerce, siyempre, lahat ng college and yes, the whole UST itself. Kakamiss una yun tinoko park.. Nandun nagsimula ang lahat ng masayang pangyayari sa pagstay ko sa UST. Kopyahan, kalokohan, bentahan sa Corpo, kahit tulugan din!!! hehe Kita kita nga sa Tinoko bago umalis or gumimik. Nandun pa din siya hanggang ngayon.. Mabuti naman. How about, well, yun isang park sa labas ng Law? Actually bihira kami pumunta dun, pero yun coop ang lagi kami pumupunta.. Kaso sa di malaman rason, wala na.. Ginawa na din park. hehe Sayang, kasi kaysa lumabas ng dapitan.. Dun ka na lang sa COOP, lalo na yun mga street foods.
Siyempre, di naman mawawala yun library na notorious tulugan din. Tambayan kasi malamig at parking din lalo na sa commerce. hehe Sarap sa library, lalo na yun free internet pa. I don't know until now.
Tapos yun mga buildings dun, of course yun walang kamatayan Commerce/AB building, ang Med building na nagpapalakas ng benta sa corpo namin.. Yun nga lang, nakakatakot. hahaha Pay High, yun research center na once ko lang napuntahan sa buong buhay ko sa UST. Ah, yun old building.. Sino ba di makakalimot o di mapadaan sa main building!!! Although pinakamasaya sa Commerce building. Second the best sa kin yun Main building.. Aba, di lang maganda pumunta at really nostalgic kasi yun structure itself is a history.. Yun scary stories din ha!!! I can't forget yun story talaga ni Joanne na galing yun isa nagvendo from 2nd floor tapos nasa 1st floor vendo na.. Tapos yun mga voices sa gabi, di yun student dude. hehe Katakot!!!!
Of course, punta na tayo sa Church, sabi ko lagi, masarap dun, aircon eh. hehe Other than that.. Wala na. Tapos yun hospital na once lang ako nakapunta pero yun ang isa sa pinakaimportante at masaya sa buhay ko. Alam na. hehe Health Services, just once.. HS well, pay low tapos yun parking, ayos na ha. Kala ko parking forever na siya, natransform siya na maging pagkakitaan este, another services pala ng UST. Kayo naman. hehe
Well, marami na parking at may tambayan pa ha. Ok yun KFC sa loob. Mabuti pa sila, kami di naabutan yun. Hehe Engineering building, well, pag no choice na kami, kailangan pumunta na ng Eng building kahit sakop na ni Ivan sa corpo yun. hehe Once lang naman kami pumunta dun.. Kaso nakakatawa lang, I see a lot of rotring and staedler... Geez.. Nice looking.
At sa Educ building, forget HRM, or Educ courses, how about music? Skip them.. Go directly sa Tourism rooms!!! Hehehe Ang saya at masaya talaga. hehe Alam na kung bakit..
Go farther to the right.. Ang grandstand, bad memories about ROTC especially what happened before. Also fun na din kasi bago mag ROTC, alam na kung nasan ang cadets. Hehe Counter na!!!
Yun swimming complex di naman namin nagamit, di kasi yung ang PE. hehe Yun publishing house, once a lifetime din. Gym, of course!!! PE at minsan parang nagbasketball din kami dun, parang Eng complex.. Tapos, yun isang court dun naglaro din kami.. Nakakalungkot lang, ayun yun gym gagawin na atang alumni complex. The other gym will get tight.. At siyempre, save the last venue.. The third best. Actually pwede sana the best kaso di naman kami taga dun. Bwahaha
Archi building. Ang building pwede gumamit ang student ng elevator. Oh yun palang panalo na! Tapos maluwag yun space, lahat nasa labas lang.. Tapos great design na din.. Sana lahat ng building ganun ang design.
At don't forget.. Quality ladies are here!!! Always! hehe Siyempre, CFAD ang nandun, model likes.. Yeah!! hehe Archi, well, kaunti lang eh. But yes, quality.. I mean Commerce/AB quantity, marami na, like sa section ko. Oh, kaso pag compare it to them? Damn.. Quality beats Quantity. Sorry. Pero dun lang sa factor na yun. Iba pa din ang section ko!
Yun arch of the centuries, lover's lane.. At yun new sports complex, na sobrang ganda, pwede na magconcert, or UAAP games dito.. Grabe!!
Parang kung ngayon ako papasok ng UST, mas masaya kasi sa new environment. Galing ng UST!!! Black gold black white!!! At least, di kagaya ng ibang University diyan, kalat kalat ang building, at natatalo pa namin sa UAAP. Alam na kung sino yun. hehe Joke, mas magaling pa din sila sa programs.
Speaking of programs, I hope UST will improve like branching yun UST. Ang tagal na haka haka yun UST sa down south, or even sa Laguna. Ano na? Parang di na ata matutuloy yun. Improve yun curriculum, although iba na yun sa min pero sana itodo na yun improvement ng college programs.. Yun ibang colleges or courses, di na kailangan, kasi nagtotop naman sa board, sana yun ibang courses maging excellence na din.
And yes, damn.. Those top brass, shouldn't be so much playing safe of spending great things for the school. Come on, they are just doing it now. They should do that every year.. Damn year. It should not be spend only through those fireworks..
Eto na lang, fix the flood system within UST. Wag naman bahain sa loob ng commerce building. hehe
Ah, siyempre, makakalimutan pa ba ang labas ng UST? Dapitan? Siyempre, nandun lahat ng kailangan.. Navarra, kung saan ako natuto ng bilyar. Yun ballroom wala na eh.. Dun ang pustahan. hehe Bwisit.. Tapos.. Yun mga kainan!! Almer's, yun Mang Tuts, Burger King na naging bookstore na. Cely's, BRB, Lovelite famous na footlongan at shake. Mga Xerox stores na kailangan namin lalo na sa kopyahan at feasib. Yun turo turo at ang nagbebenta na maanghang na mani..
Ang inuman sa may burger king ewan ko kung nandun pa. At ang legendary, walang kupas, walang kapantay! Tapsi!
Computer shop!!! Siyempre PC Quest, Arena, at yun computer shop na nasa jollibee who was owned by good looking Sisters. hehe Naalala ko, parang after class, lalo pag wala naman gagawin, 8pm na ko nakakauwi dahil sa kanila. Bwisit! hehe Cyberscan din pala.. Dito kami nagcounter, nba live at Battle Realms!! Kainitan din ng warcraft 3.
All of these places, made me wonder.. Ano pa hahanapin ko? Kahit di ako pumasa sa Katips..
UST is always a blessing for me, kahit anak ko sige dito ka magaral pag no choice na. =) Saka kita naman kina Ate at Dad na nagenjoy sila studied in UST. Nashock lang ako na mukhang nasa dugo namin ang pagiging tomasino..
Proud to be a Thomasian..
Ang problema ko pala, hanggang ngayon di ko trip yun UST hymn. Kahit sino naman ata.. Ang alam ko lang..
Unending Grace!!!!!
No comments:
Post a Comment