Tuesday, April 10, 2012

Palm Corned Beef

Matagal na ko di nakakain ng corned beef na to. hehe Hay.. Simply the best corned beef around. Lalo na pag kaya mo siyang bilin.. Why not? hehe Pano ba nagsimula.. Hmmmm Ah, parang nagluto si Mommy ng isang ganito one night tapos I asked what brand was it. Malamang di hereford, or libby's.. Pero ito iba. Purefoods? Ang layo!! hehe Hibla pa lang iba na.. Tapos yun sabaw although it's damn oil, beef oil na deadly.. Eh pwede na sa kanin! Tapos yun laman marami.. Siksik pa, yun pwedeng pang maraming kanin. hehe

Pero yun luto well, yun pinaka di ko favorite.. Yun ginisa sa bawang at sibuyas. Naalala ko pa nung bata ako, pag may sibuyas yun corned beef, tinatanggal ko pa talaga yun bago ako kumain ng corned beef. hehe Minsan nagagalit yun nagluto kasi ang hirap mag luto, tatanggalin pa yun ginisa. Pero siyempre, tumanda na ko at halos lahat kinakain ko, eh ok na ko. =) Although I preferred the most..

Simple lang naman ang luto gusto ko eh... Parang iinit lang yun Palm tapos pag mainit na at may mga natostang corned beef, at nabawasan yun oil.. Ok na ko! The best na kain na to. Yun kanin na sinaing namin, malamang kayang ko ubusin yun dahil dito. hehe

Ang sarap!!! Grabe, yun tipong kaunti lang yun iulam mo na Palm tapos isang platong kanin.. Ang sarap.. Heaven. =) Kaya yun maliit na kaldero na kanin for one can ng Palm, yun ang limit ko dun. Bwahahaha

I prefer siyempre yun red. Walang halo and sort of. Next yun Garlic lang.. Sunod, ah with onion, kasi yun chili.. Grabe naman sa anghang.. Parang nagluto ako one time. 1/4 lang kinain ko, di sulit. 160 pesos isa tapos kaunti lang kakainin mo.. Lugi! hehe

Ang problema lang naman diyan is yes, the price itself. Di lahat nagbebenta niyan kasi kita niyo naman, ang mahal.. Tapos kakainin ko lang ng isang upuan, kaya di lagi ako kumakain nito. Although pwede mo naman ishare, kaso sobrang bitin eh.. =)

I'm looking forward kung di this month, this year sana, makasolo ako ng isang lata ulit. At malamig na kanin, sulit na to!

Right at the palm of my hand.. Sumptous corned beef.. Hay..

No comments: