Tuesday, April 10, 2012

flashbacks: Lourdes Snack

90% ng inorder ko sa Lourdes Snack sa tanang ng buhay ko ay laging.. Adobosisilog. hehe Adobo na napakasarap, extra half rice at rice, at siyempre itlog. =) Lahat ng lourdesian, ah este, di ka lourdesian pag di ka kahit napadaan dito. Ito'y institusyon na sa LSQC, kasi panahon pa ni Kuya Alpro, eh nandiyan na yan. Kilala pa nga siya nina Aling Lourdes. hehe Si Mang John burger, di kinaya sila kaya ayun.. Lahat ng gutom mo, hamburger at mga pritong panalo, nandito sa Lourdes Snack.

Kala ko nga dati, kaya Lourdes Snack pangalan eh dahil nakakabit sa LSQC.. Di pala, ang may ari na si Aling Lourdes ang pangalan. hehe Sa daming sikat na pagkain nun HS pa ko, like yun Siomai ni EA na may 4 na extra rice eh legendary na.. O kahit si Mang John na double cheeseburger na 14 pesos na. Wala talagang tatalo dito kasi, sa daming pagpipilian na pagkain. Kahit adobosilog lang lagi order ko.. Eh may mga second choices naman ako. From porkchopsilog, burgersilog, tapasilog na kahit kaunti sulit sa sarap.. Russiansilog, fave ko din kaso matagal iluto. Pero mabilis na ngayon, kaso pag sobrang gutom na ko, talagang sa pinaka mabilis na order sa buhay ko. Adobosisilog, mga 3 minutes, ok na!!! hehe Lalo na pag kahit di mainit yun adobo tapos yun kanin medyo mainit pa.. Naku po.. 2 rice na ko.. Sira ang diet. haha

Kakatuwa kasi di lang naman pagkain ang pinupuntahan dun ng lourdesians, kundi ang home atmosphere kung baga. Kinakausap ka nina Aling Lourdes, tapos pag suki, mabilis ang service.. Tapos yun lang, basta di yun usual na may masungit na tindera o nakalimutan yun order, basta focus sila to serve great food. Although may ulam din sila, eh dito na yun sa subok na. Mga prito and burgers.

Kaya ganun sila, siyempre sila yun pinakamalapit at yun pinakaconvenient din. Maasikaso lalo't kung taga LSQC ka.. =) Natatawa nga ko, yun iba, may asawa na or even may gf/bf, eh talagang dinadala pa dun.. Pinapakilala kina Aling Lourdes, pero ayun, nagbreak ang gf/bf. hahaha Joke, pero ayon.. Sila pa din naman. =)

I hope, I pray na sana magtagal pa sila. Pero siyempre matanda na sina Aling Lourdes, kaya sana kahit magretire na sila sa pagluto na masasarap na pagkain eh may magmana ng kanilang galing sa pagluto. =) Kahit siguro may anak na ko, kung sakali..

Pagkasimba or visit sa LSQC, eh dadalin ko pa din sila dito sa pinakamamahal naming mga lourdesian.. Lourdes Snack tayo kakain!

Ah yun mga anak ko sa LSQC magstudy? Ah.... Nah. Hahahahha

No comments: