Family Mart- Pag may pera, sulit din at masarap!
711 - Pag no choice, pwede na, masarap minsan!
Alam na sino panalo? hehe Di ko alam kung may kanyang kanya sila fans dito, pero pagbigyan niyo na ako. Wala lang ako maisulat. hahaha Akalain mo, in fact sa Japan, ang number one eh 711, tapos Lawson (which is meron na at may branch na sila sa Quiapo), Family Mart at ang huli Mini Stop then other competitors. Nakita ko naman sa youtube videos na talagang panalo ang 711, lahat ng services at kailangan mo kasi nandun. All in one kung baga.. Parang 711 ata maglaunch sila ng bangko sa sariling convenient store ha. Akalain mo yun, bangko? hehe
Ang style naman ng kombini (japanese word for convenient store) dito.. Eh parang mamahalin sari sari store lang. Pero si 711 eh may bayad center naman, kaso may limit nung sinubukan ko dahil sa meralco or tubig, so ala din kwenta. hehe Unlike naman sa classic sari sari store, eh wala naman ibang item na meron gaya ng mga ulam or soft serve ice cream.
Hmmmm Mini Stop? Ang sarap ng bbq glazed chicken! Walang sinabi ang bonchon na 200 pesos eh ilan segundo lang! hehe 130 lang, 2 malalaking pcs tapos 2 kanin, busog buong araw! hehe Dati kasi yun fried chicken nila minsan umay lalo na pag lamig na yun chicken. Unlike itong glazed, tanggal umay yun sauce saka di na kailangan gravy. Saka sulit kahit 1 pc! hehe Isa lang yan sa panalo dito na makakain! Siyempre, wag kalimutan ang budget starbucks nila, Chillz. hehe Naku kung kailan bawal na ko or well, minimize of kape and chocolate, lalong masarap yun chillz chocolate coffee nila. Bad trip.. hehe Pero dati, hershey's chillz talaga order ko. Kaso talo lang yun halo halo saka yun bwiset na rasberry chillz. Parang ice candy lang na mahal! Masarap din yun mga ulam nila, pero halos lahat prito. Kahit yun siomai nila fried saka shanghai sulit naman. Saka yun hotdog sandwich na may mayo.. Sa tagal ko kumakain sa kanila, di ko pa natikman yun siopao nila. hehe Ano pa pala, di makakalimutan ang budget friendly, high blood kariman! Lalo na yun tuna kariman (nilalabas lang pag holy week), saka yun choco/caramel kariman. Ay, pag budget, kariman plus chillz or kung sobrang budget, juice na lang. Pwede na! Ganyan kasulit ang Mini Stop. Panget sa kanila... Hirap ha.. hehe Ah pag sobrang bagong luto yun manok, ang hirap kainin, di pwede rush. hehe Saka minsan kung buenas eh may dugo. Pero napapalitan naman.. Di lahat ng stores may salad! Sarap pa naman nun. Saka di lahat ng stores may sundae cone.. Ano pa, ah! Well, kasi best seller yun chillz, 50% of the time, pagdumaan ako, "still freezing" sign nandun. hehe
Pwede pa sila magimprove, isa lang naman dapat gawin nila, edi magbayad center na din sila. hehe Yun lang naman. Saka ano pala, dapat paiba iba yun dating nung chicken nila. Kung hindi glazed, hmmm parang ang hirap pala. hehe Basta ganun. Saka ano pala, yun ulam nila sa toppers, di lang puro fried or less saucy ulam. Ok na yun dati...
Family Mart! Launched this year ata, ah sorry end of last year.. Hmmmm Parang sa tatlo, eto lang yun talagang ginaya nila yun style sa Japan. Well lighted at sarap tambayan at yes, japanese food on the go! Naku, unahin na yun swirl na sobrang, sulit sa 35 pesos, except yun huli natikman ko na salted caramel flavor na di ko alam kung bakit siya salted caramel. hehe Pero yun green tea, blueberry ba yun or yun mixed, naku sulit!!! Saka yun mga bread at desserts, pero di ko natikman lahat, sulit din! I forgot yun name natikman ko, basta parang cream sandwich siya na hay.. Masarap, di masyado matamis, tamang tama lang. Ah lalo na yun mga drinks, yun mga ice tea na masarap nandito. Kahit masarap yun lipton sa mini stop, eh dito mas sulit, red tea yun panalo. Well ang pinaka favorite ko naman eh yun Milo Shake! Noong bata kasi ako, ovaltine ako lalo na sa pagpapak. Ang hirap kasi sa milo, hirap ng timpla.. Dito sa Family Stop, eto yun tamang timpla na Milo tapos shake pa. Kaya kahit 50 pesos yun large nila, kahit delikado sa lagnat sa dami ng ice, ok lang.. Ganyan siya kasarap. hehe Yun nga lang minsan panget ng timpla nila, parang bumili ka lang na malamig na milo. hehe Ok yun hotdog meal nila.. Ok lang din yun ramen nila, kahit medyo mahal.. Saka yun salad, masarap at sulit kasi marami! Ah yun gourmet sandwich nila, healthy and masarap din.
Hmmmmm kailangan nila maraming branch, kasi gaya dito, pag may pera, ang layo ng Family Mart sa amin.. Ang malapit Mini Stop at 711.. Sana dumami pa sila. Saka yun manok nila, medyo di tapat sa Mini Stop, mas maliit ng kaunti saka di naman gaano kasarap. Dapat yun Milo shake machine nila maayos lagi. hahaha Ah lastly, sana medyo babaan nila ng presyo yun mga foods nila. I mean yun meals at other food items. Di naman price drop but a bit lower, para mabusog ako 200 dapat gastusin ko. Sobra sobra sa mini stop ang 200, saka para nag jollibee na lang ako kung ganun. Pag tipid kasi ang funds, di naman mabusog pero masarap. hehe Good thing na may mga japanese food items sila benta like the green tea Kit Kat!
One time, nagwork ako some place sa chino roces ext, grabe... 711 country pala yun. Nandun kasi main office so ayun, parang 7 or 10 711 na stores sa isang street! Kung puro mini stop or family mart or puro jolly jeep yun mas sulit pa eh, kaso 711 lahat! Bad trip! hahaha Ah teka may maganda at masarap sa kanila. Yun salted caramel cone na 15 pesos lang! Hmmmm Sa kanila ata yun pesto mayo na dressing which nagpapasarap sa hotdog sandwich. Siyempre yun slurpee na masarap lang tikman once in a year. hehe Yun big gulp na talagang malaki. Ah yun 29 pesos sisig meal at giniling meal! 60 pesos dalawang ulam na, dalawang rice pa! Yun mga sandwich nila na sulit din like yun chicken pizza or parang grilled chicken burito. Ah siyempre, mister donut concessionaire sila. Ah... Lastly, dahil sila pinaka una, sila din yun pinaka marami. Minsan talaga, pag nasa place lang na sila may store, no choice di ba? Ah masarap yun hotta rice nila, yun menudo..
Well, yun chicken nila, mas masarap pa yun supermanok 2! (CRAP lang may alam noon. hehe) Or mas masarap kung ako na lang magprito. Kahit malaki, eh I don't know kung ano breading yun, ang alat. Kahit may free extra rice, di busog at sulit. Halos lahat ng hottarice nila, parang may araw na masarap, mostly di masarap. hehe Saka di convenient ha, unlike sa mini stop na ibang branch na may taga kuha ng drinks, lahat sa 711 effort, hanggang food kaw kukuha. Bwisit. hehe May salad sila kaso mahal masyado. At yun pala, kung may bill payment, sana lahat na di ba, di lang ibang company. Asar eh. hehe Eto pala, ang sikip lagi ng lugar nila. Ilan lang yun upuan, kaya ang hirap kumain. Ilan 711 lang yun malaking space. Geez..
Laking tuwa siguro nun main office ng Mini Stop sa Japan, kasi number 4 lang sila saka parang kaunti lang nila sa Japan. Dito malakas sila, dahil sa mga ibang menu saka masarap kasi. Kahit number 2 lang sila dito, eh matatalo din ang kalaban nila. Si Family Mart, eh lalakas din pero sana yun lang babaan nila ng kaunti yun price nila. Ok yun setting nila, light and fresh. 711 eh alam na dapat ang gagawin. Kung hindi, aba di na sila magnumber one pag tagal! hehe
Parehas naman sila lahat na convenient, I mean di lang yun nandiyan sila sa mga prime spaces but more what can offer. Talagang may mga mabibili ka gaya ng snacks o minsan magazine, dyaryo, o ako naman ballpen, mabuti nandiyan sila. At minsan pagsarado na tindahan, eh mayrun naman sila kahit canned goods at siyempre ang importante sa kanila, pang inom! hehe Kaya yun, ok naman sila pagdating sa pagiging store nila. Di ko pa nagawi si Lawson pero masubukan nga minsan. hehe May isa pang panalo ng convenient store kaso talagang kaunti lang ito, Mercury Drug! Grabe, di hamak mas mura sa lahat! Yun lang walang extra menu. Mayroon sila gamot! hahaha Gaya nun sa eastwood, pagsnacks at grocery, laking tipid sa mercury drug, kaysa sa Mini Stop. hehe
Kaw, kung may pang franchise ka, sino sa tatlo pipiliin mo? =)
No comments:
Post a Comment