Sunday, November 29, 2015

Jdrama: Ramen Daisuki Koizumi-san

Sa haba ng title, maiksi lang ito at mabilis. hehe Paano ba naman kasi, 4 episodes and 19 mins each episode! Simply lang naman kasi ang story. New transferee na pangalan eh Koizumi-san, tapos eto si Yu na may girl crush, tinawag niya si Koizumi na nakapila sa isang ramen house. Yun lang, dun na nagsimula ang story nila. Si Koizumi eh kahit maganda, suplada at masungit. Nagiiba siya pag kumakain na ng Ramen. hehe

Well, kahit short and simple lang ang jdrama, nakakatuwa siya. Sana nga regular series siya or kahit papano, 30 mins ang bawat episode. It is surprising na this year, some jdramas are getting big budget cuts. Starting from Fuji TV. Starting of na short series and episodes like this. Ayun nakakatuwa siya kasi ang topic eh pinakafavorite ko na japanese food o kahit sino ata, Ramen! Grabe sa 4 na episodes, lahat ang sarap ng Ramen except yun episode two na maanghang. Bawal kasi ang maanghang sa akin. hahaha

Pinakafavorite ko na Ramen, yun first episode saka yun 3rd episode. Grabe, parang dapat di ako kakain ng ilang araw pagkatapos ko kumain ng mga Ramen na yun. Lalo na yun first episode na Ramen, di ko alam kung mauubos ko yun. hahaha Masyado ako nafocus sa Ramen. Yun lang kasi nagpaganda dito kahit ang bida eh si Hayari Akari. Grabe, di ko akalain na galing siya Momoiro Clover Z.. She doesn't look like one. I bet she sang yun kanta sa episodes. hahaha Basta ok siyang lead, saka may dating siya na itatagal sa industry after the idol group. 

Ok lang yun other stars dun, saka nakakatuwa yun fourth episode. Nagsama sama sila for the sake of Ramen. hahaha Kahit serious si Koizumi, may nakakatawa pa din na moments. Mas nakakatawa, yun ratings ng show, mataas for her timeslot. Mas mataas pa dun sa isang Fuji TV primetime jdrama na nagflop this year. 

Ramen Daisuki!

BTW, it answered my prayer, may SP na by Jan 2016! Yatta! hehe

No comments: