Sunday, November 29, 2015

flashbacks: Chaperone

Kala ko Chaperon pero may E pala. hehe Hmmmmm looking back in my childhood years, di ko naman alam na may tawag sa mga taong sinasamahan ka kahit saan. Di naman siyempre tawag eh alalay. Iba naman yun. Yun tipong sasamahan ka lang at babantayan kahit di ka kausap o kung baga tutulungan ka. Nandiyan lang siya at taga dala ng pera at taga bayad. hehe Naisip ko lang kasi, siyempre yun mga chaperone mo eh kamag anak. Tito o tita ang lagi yun mga sumasama sa'yo. 

Ginagawa ito noon kasi nung bata ako, eh medyo palabas ako lagi, eh di naman lagi sumasama sina Dad or Mum, so inutos nila sa mga kapatid nila. Lalo na si Mommy na puro yun mga Tito ko sumasama sa kin lalo na sa mga pasyal. Or minsan si Tita din, naisip ko nga, parang sa side ni Dad eh doon sa US, noong pumunta ako dun, ayun kasama ko sila. Pero di na chaperone, kasi iba na yun. hehe Napansin ko lang kasi noon panahon na yun, basta paglabas ng bahay at punta sa mall, eh turo ko lang gaya lang SM north. Kausapin ni Mommy si Tito tapos ayun, samahan na ko punta ng SM at mamasyal. Yun lang. Kain, laro at minsan may binibili lang para sa kin. 

Ngayon, naisip ko na parang di lang pala utos na samahan ako lumabas, kung hindi siyempre enjoy na kasama sila. I mean natuto ako paano gumala at a young age! hahaha Saka paano mamasahe saka directions din kailangan memorize.. Saka paano magtanong o umorder lalo na kakain ka sa fast food or sa food court. Saka siyempre importante eh focus dun sa sinasamahan mo, lalo na bata! Naku, kung saan saan pumupunta...

Pag naiisip ko yun, laki pala ng tulong nila. Pero nakakalungkot din kasi yun dalawang Tito ko na lagi sumasama sa kin nung bata sa pasyal o bantayan ako, eh pumanaw na. Tito Jofre na siya lagi ko kasama pag sa SM ang punta. hehe Lalo na dati, dahil gusto ko makita live yun Kwarta o Kahon, ayun, siya yun pinasasama ni Mommy. Saka di lang sa SM, sa mga ibang lugar pa. Tahimik lang siya kasama pero maasahan, batak pa naman siya dati eh! Parang bodyguard ang dating niya. hehe 

Tito Dan naman, ayun, isa pa siya na nung bata hanggang mag HS na ko, pag may pupuntahan at kailangan nandun din siya kasama yun blue niya owner na jeep! Kahit minsan napabagal magdrive pero nakakaabot naman kami. Matutuwa naman ako sa kanya dahil masarap naman siya kasama kumain sa kwentuhan sa basketball! Nakakalungkot lang, sa huli kahit gawin na namin lahat para gumaling siya, eh di din nakaya.

Ah di pa naman lahat sila napayapa na, nandiyan pa din si Tidad na di lang the best tutor kung di siya ang una nagdala sa kin sa DV! hehe Tapos yun mga katulong dati pag no choice na. hahaha Kahit sa palengke o punta sa bahay ng barkada o minsan kakain sa mga ganito, sila kasama. Lahat sila, siyempre malaki natulong at kahit well, matanda na, eh nakakatuwang isipin na kahit di ko naramdaman yun importansya nila dati nung bata ako.. Ngayon ramdam ko na at pasasalamat din kasi dahil lahat sila naging mabait sa kin. 

Lalo na ngayon, may lagi ako sinasamahan at kailangan samahan paglabas. Grabe nga tong kasama ko, mas mabilis maglakad kaysa sa kin! hehe Tuwing nauuna siya, naiisip ko nun bata ako.. 

Titingin sa likod kung nasa nandyan pa ang Chaperone mo. 

No comments: