Monday, November 30, 2015

I'm Coming Home

(Part one)

Masarap siyempre umuwi sa bahay kasi di lang dun ka nakatira, dahil din dun ka nakakakuha ng lakas at pagmamahal. Kung mag isa ka lang sa buhay, dun ka naman makakapahinga. Medyo nalate na ko nagregister for KCON for this year dahil sa tight funds. hehe Pero thank God for some help at di naman ako nahuli sa register. Yun nga lang, talagang di ko nakuha lahat ng gusto ko talks pero.. Sa huli, masasabi ko na it was better, way better than last year! Dahil late register, eh yun talks ko sa bandang third day eh medyo alat pero siguro napunta din ako dun para mablessed. Thursday edition really was bad choices for me, talagang way off and buti nga di ako nakapunta. 

Kung nagkataon pala, thanks to APEC eh medyo napadali yun pagpunta ko sa KCON. Namove kasi yun Thursday and Friday skeds to the weekend, kaya buenas talaga. hehe Ok, let's move forward sa mga napuntahan kong talks. 

First talk was Innovation Economics, Leading with lesser resources ang topic. Dapat yun business class kaso ayun ubos. hehe Pero sa first talk, dahil short time lang, eh medyo short lang yun sharing and talk. Sa talk kasi na to, tatlong speakers kaya ayun, medyo bitin pero sulit naman. 
It was started by Coach Joel Banal.. Noong nakikita ko siya sa first session dati sabi ko, magshashare kaya siya? Yun pala, sa KCON na siya lalabas. As expected, dahil one of the great basketball coaches siya, una topic niya eh about nung nagcoach siya sa Mapua. Di ko akalain na wala pala siyang star noon? Tama ba yun? Back to back champions pa! Kevin Ramas lang ang player niya narinig ko. hehe Grabe.. Kaso dahil short yun time, eh gist lang yun nasabi niya. Pero interesting fact, may IS school pala yun family niya at way more affordable ha.. Parang naisip ko, pag may anak ako, dun ko nga enroll. Yun lang, sa Pasig. hahaha He started yun discussion na I forgot yun 8 princples, galing from a google executive pero first 4 steps yun sinabi niya. Very deliberate yet effective steps ha. Nagulat ako sa radical na decision niya about sa coaching niya na imbes kumuha sa labas na player, sa intramurals within Mapua na lang. Ang hirap nun saka yun impact word niya eh innovation. Dahil maliit yun line up niya, sacrifice offensive rebounding, daanin na lang sa speed at pressure ha. Yun lang ang line up niya, no big man so yun. hehe No choice siya. Pero tignan mo naman ang effect back to back champs!

After the 4 steps he discussed, eh sumunod na si Bro. Monching. At first, it's the first time I saw him at tama siya, akalain mo builder siya. hehe Kidding.. Siya pala builder ng Marikina and Sta. Lucia sa may Rizal. Grabe, di lang siya masaya at makulit, very related yun ginawa niya sa topic. Grabe, eto kung baga, ililibing na lang, nabuhay pa! hehe No kidding, coming straight from him, muntikan na pala isara yun Marikina kasi well, yun sikat na builder dun eh napromote at bigla from security ministry, biglang si Bro. Monching ang naging builder. Kahit ang ginawa niyang sharing eh isa beses lang at inamin niya di pa maganda. Kung baga, kaw na bahala! hahaha From endangering to close ilang months, dahil lang sa mga strategy ginawa niya at innovate at a bit of sacrifice.. Ayun from 30 attendees, naging dalawang session na ata sa The Feast niya at nanganak pa sa Sta. Lucia. Iba talaga nagagawa pag dedicated kang servant ni God. In the leadership and strategy niya, nakakatawa kung ano ano ginawa nila para dumami yun attendees, kahit magmukhang perya daw sila pero it's worth lalo na, small budget. Galing niya. Saka yun mga banat ha.. Alam na ano past ni brother. hehe Kidding.

Last speaker sa topic si Bro. Arun, ayun as usual, masaya yun talk niya. Simple lang yun sharing niya pero nakakagulat na grabe nilaki yun The Feast sa Alabang. Matindi yun hardwork niya at yun tinuro naman niya, proper deligation of work. Nakakatawa which is true, yun pagsulat sa bulletin, talagang inamin niya iba nagsulat pero of course may credit din. Kahit pala sa libro ha, humingi ng tulong pala siya. Sometimes, tama talaga na hingi ka ng tulong sa iba, lalo na sa nakakaalam nung gagawin. Naisip ko yun dati, grabe, self taught and yes, matanong ako ng tulong sa iba. Hanggang ngayon ata. hehe Anyway, great first talk at ayun... Bitin talaga.. 

Second talk was a first for me. It's about education and it's home teaching. I don't know what I'm doing here but kasalanan ko naman kasi wala naman ako ibang choice. Ala naman pumunta ako sa single women topic. hahaha Anyway, sorry I forgot her name, pero isa lang naman siyang prof with Doctorate degree sa UP, in education and sociology ba. She discussed different ways of education at how home school benefits saka yes, effective teaching methods na sana ginagawa ng mga teachers! Well, may history pa ng school na kasama. Sa kalagitnaan ng talk, parang ang sarap pakinggan, tapos bigla na lang pagbukas ng mata ko.. Anak ng tinapa, matatapos na yun talk! OMG! First time nakatulog ako sa talk. Sorry po. hehehe Anyway, parang naisip ko din na mas effective yun ibang style of schooling like home school or i forgot the name of the that method, yun parang low ratio setting and more on application than memorization of ideas. Parang ok yun sa bata. Ah, yes, the Iceland case pala. Sana mayrun dito at dapat sundin yun kahit ilan schools. Way more effective and less pressure sa bata. 

Last talk, a quite interesting talk. It's about a simple guide to a healthy leadership. Bro. Bert Miranda discussed about it and it's a surprise na kahit self explanatory and easy steps yun sinabi, ang galing nun explanation niya about the topic. Sinabi niya yun in a very short time. Lalo na yun proper mindset ng leader, being healthy and most importantly, have faith sa leader or of course, prayerful. hehe A leader can do a lot but prayer can do a lot more. Di lang faith for being a leader, siyempre sa members din, lalo na in difficult times. 

See, how short those talks are at masasabi ko, tama din yun mga napili ko. Siguro sabi niya, tama na muna ang Business and Career talks, dito muna sa leadership and education. Pwede ko pa nga habulin yun Thursday talks kaso it way different at di ako makakarelate. Managing church events, nyek. hehe Bully ology, yes I moved on from that and I don't need it. hehe Coffee date, ok na yun dati nakuha ko about one on one discipleship. 


Maaga na ko nakauwi at kahit trapik ng kaunti, nakapahinga pa ko. The next day is indeed the homecoming of our faith. 

Going home. 

No comments: