Tuesday, November 24, 2015

Jdrama: No Con Kid

Akala ko No convict kid. hehe Pero habang nagresearch ako, ang ganda ng plot. Very simple story, yun story starts sa 80's, Reiji eh isang simpleng HS kid na ayaw sa video games, kahit yun tatay niya, aba papetiks lang sa sariling video game center nila.. 

One day, habang nagbabantay si Reiji sa video game shop nila, aba may magandang babae pumasok na pangalan eh si Fumi.. Love at first sight siya at nalaman niya mahilig sa arcade/video games si Fumi. Nagkataon na yun game na gusto niya eh parang gradius, pero hindi yun ang name. Di sikat eh pero nakakaadik daw. hehe Parang gusto niya matuto nun para makalapit kay Fumi.

Nagkataon, nandun yun magaling na gamer na si Akinobu or ang nickname eh KID.. KID kasi yun ang initials nilalagay niya lagi sa game, sa mga kaedad ko at mahilig sa arcade, yun initials nilalagay pag na game over ka sa arcade. Eh nakita ni Reiji yun, nagkunwari siya si KID para makadiskarte kay Fumi. Kaso nalaman ni Kid yun strategy ni Reiji, naglaban sila sa arcade! Hahaha Tapos yun na, friends for life na silang tatlo hanggang 2013..

2 things lang naman ang medyo sana nagimprove sila. Una, kahit walang choice, sana nalagay nila sa storya yun ibang sikat na laro! Kasi naman, lahat ng malalaking game companies na feature naman sa Jdrama na to, bakit yun pili lang. Sabagay, hirap gawan ng istorya pero sana nalagay yun ibang sikat na laro like Street Fighter, Tekken, o yun console games pero walang square enix eh. hehe Basta yun, may console game pala kaso di sikat yun nilagay. 

Saka may isa pa, sana mahaba yun storya, may season 2! hehe Kaso wala eh, pinagkasya na lang sa isang season for a 30 year span plot. Kasi pwede siya mahaba saka galing naman ng cast and story, sana mahaba siya talaga para maraming games ang naisingit!

Ang galing nung plot! I mean simple pero may magandang development, kahit malungkot sa una pero as it goes along, relevant siya. For example yun kwento ni Reiji, after noong di naging sila ni Fumi, eh nagasawa tapos bum ng matagal, pero in the end, nakabawi naman siya. Kahit galit siya sa dalawang friends niya, naintindihan niya na mali din yun mga pinaggagawa niya. Yun ganun story ayos, saka si Kid, story niya applicable sa current rich guys na yumaman due to tech na bumagsak kasi sa fraud or whatever wrong decision they made. Si Fumi, simple lang siya pero ang maganda sa kanya, made sense yun pagiging addict niya sa games!

Isa pa nagustuhan ko, yun mismong pagkagawa ng jdrama, low budget pero grabe, nakuha niya ang rights at sponsor ng mga japanese game developers! Naku, for old video game fans like me, you'll love this series!! Sarap ulitin at reminiscing yun mga arcade games na pinapakita dito. Ang galing nun naisip nila paano napasok yun game sa story. Great example, grabe yun Dragonquest sa NES, naisingit nila yun at kakatuwa yun episode na yun. Grabe yun adik nila sa game na yun! hahaha  Saka yun bakbakan sa Virtua fighter 2, yun mario world na fashion show saka yun twin bee! Grabe, basta panoorin ito, a must for the old game arcade fans, well some new gamers din. hehe 

Saka yun huli, ang cast! Dan Jiro, magaling as tatay dito, kakaawa pero katuwa din. Tapos yun main 3 characters, Tanaka Kei na naisip ko parang ang tanda niya for the young part of Reiji, pero nadeliver niya.. Tuwing nakikita ko siya sa ibang jdrama, parang di siya stand out. Dito may chance siya at nadeliver niya. Kita yun pagiging adik gamer.. hehe Yun KID actor, ang galing, kita mo yun otaku niya saka yun adik at real coin gamer! Galing nung acting niya.. Saka siyempre, kaya ko din pinanood, may Haru eh. hehehe Kaya siya nakikita sa commercials in japan in a clothing line, eh one of the reasons, watch this. Iba dating niya, kahit di talaga suited for her yun HS girl despite her age, yun looks niya kasi.. Pero after that role sa jdrama, ayun na, ok na siya at maganda siya.. I know she has stiff acting here pero, it was a great role for her. Lalo na yun episode na maghiwalay na ng landas sila ni Reiji, aba kakatuwa siya dun. Saka cute niya pagnaglalaro ng games! hahaha

Hay, hirap nga lang maghanap nito ng series, gusto ko kolektahin. Parang yun collection namin ng console games, pwede na nga kami magkamuseum kasi may atari, sega, nes, PS one at PS 2, computer, game boy, psp, ayun inaalikabok lang.. Di na aalagaan. But thanks to this series...

May memories of nostalgia talaga. Hahaha

Di ko kaya yun, no continue? Sa fighting games oo, pero shooting?

Continue? 5. 4. 3. 2. 1....

Game over!!!! Bwisit! Token na naman? 

No comments: