Sunday, November 29, 2015

Ring! Ring!

part six

Maliit pa lang ako noon at napasyal na ko sa lugar na to. Tawag nila Cubao na parang naguluhan ako kung bakit pero pagtitignan mo ngayon, napakaayos na lugar! Napagsama niya ang luma at bago, ang nakalipas at ang kinabukasan.. Naks, pagkatapos ng ilan taon, akalain mo magiging ganito na siya! Magandang business hub.. Iksihan natin to ha? 

EGS - Tama, may EGS dito at ang account ata nila eh parang newspaper. Di ko lang alam kung nandyan pa o naiba na. APAC siya dati at nung nagmerge, iba na. Medyo malayo siya sa cubao, parang P.Tuazon entrance na siya at malapit sa SM Cubao. Hmmmm basta kung puro US account, wag na. hehe

Telus - Isa sa pinakauna at lumang site na Telus. Parang surviving sites sila, pero masasabi ko matatag pa din sila. Telus ang account nila, so yun main canadian telco account ang hawak. Mabait ang  mga Canadian, pero well, geographically, mahirap sa Canada. Saka yun timezone, same sa US. Ang sikat sa Telus eh, libreng phone plan ata sa globe na di ko alam kung hanggang ngayon ok pa din sila. Ang sure ko lang, sobrang baba ng sweldo. hehe

VXI - Nakakagulat na may branch pala sila dito sa Cubao! hehe Ang alam ko lang eh may outbound sales account sila sa Makati at may ibang CS accounts. Alam ko Xoom eh nasa kanila. Baka mali din ako ng rinig. hehe Isa pa, wala ako alam kung paano sila magpasweldo or benefits.. Pero ang sure ko, ang rinig ko sa kanila, madali makapasok, at madali din makaalis. Alam na. hehe

AIG - Kahit natapos ang isa sa mga pinakamatinding financial meltdown sa kasaysayan, isa sila sa mga rason kung bakit nagkakaganito na ang US ngayon.. Buhay pa din sila. Nakakagulat pa, kala ko isa lang office nila sa Alabang, nadagdagan pa. Di ko lang sigurado kung sa Makati site nila eh tumatakbo pa. Para sa kin, ayoko ko lang pumunta diyan. Di dahil malaki sweldo o parang may pride ka pagnandiyan ka, iba lang yun image nila sa kin. Lalo nagiba tingin ko sa kanila nung mapanood ko yun documentary na yun.. Kalimutan na nga yan.

Accenture - Masasabi ko, ang laki ng site nila dito. Grabe, dalawang building at minsan magugulat ka na ACN pala halos lahat kasabay mo sa elevator. Well, sabihin na natin.. Ok sila. Yun lang masasabi ko sa ngayon. hahaha Isa sa mga sites na masasabi ko, madali pumasok, di gaya ng ibang sites nila. 
Ano pa ba ibang sites na alam ko nandito. Sutherland lang ata. Wala na ko maisip na ibang call center nandito. May mga ilang bagay na sana ayusin o pagandahin nila. Una eh delikado itong lugar na ito. Sobrang buenas ako na wala nangyari sa kin, kasi may mga oras gaya ng gabi na nagcommute ako tapos nakakatakot! Lalo na sa mga foot bridge saka yun madilim na parte na Aurora blvd, di ko pa nasasasama yun patay sindi na parte ng Cubao. hehe Sana improve nila yun security dito nakapalibot sa Cubao. Ah wag na asahan yun mga pulis dito. hehe

Isa pa, eh sana sa laki ng space na mayrun sila eh ayusin nila yun hub. Pero siyempre wag naman gibain yun mga lumang building gaya ng Farmer's o Cubao X, yun ibang lugar naman dun. Ang dami pa lugar na pwede improve, gaya na lang nung bus terminal. Mailaw na nga dun, di naman magandang tignan. Sana ayusin at pagandahin nila yun lugar at sana mas malawak para sa mga nagdrive.. Grabe pag may concert o ibang ginagawa sa big dome, lintek na trapik!

Maganda kasi sa Cubao eh malapit lang sa lahat. Lalo ako na isang jeep lang mula sa bahay kaso matrapik sa mga dadaan. hehe Pag labas mo sa trabaho, nasa harap na ang commute, gimik, kain at iba pa. Maganda yun ginawa nila sa Gateway Tower, Gateway Mall, tapos yun paligid ng big dome, laki improvement di lang yun isetann. hehe Wag din kalimutan yun Manhattan malapit sa Yale! Sulit.. hehe Maayos at masaya naman dun, lalo na yun banchetto sa gabi. Grabe, sulit! Wag kalimutan pa ang cubao X! hahaha

Kaya masasabi ko eh, kahit papano, ang cubao eh di lang puntahan pang day off nila dong at day..

Kung hindi, para sa may mga class din na tao! Let's go to Cubao!

No comments: