oo nga pala, ito'y simula ng bagong linggo dito.. hehe nakita niyo naman sa http://iggie6.multiply.com/photos/album/83/Ang_Mas_Makasalanang_Pagtambay_Ians_Bday?replies_read=2 kung ano ang pinag gagawa namin nung linggo.. kain ng kain..hehe hanggang sa 2am ng Lunes ng umaga.. so, nakauwi ako ng 3am at pagkatapos eh nakatulog naman ako ng tama at gumising ng 9am.. hehe siyempre, ang plano eh pumunta sa reunion ng isang section nung college na nagturo sa kin na magbulakbol.. haha ang magaling na 2cpm.. first year eh 1cpm tapos second year 2cpm.. ang sked namin dati? 3pm to 7pm ng gabi.. mga 7 lang pumunta sa reunion kanina sa MOA.. pero kahit papano masaya naman.. sayang un iba, di nakapunta..
noong linggo ng gabi, siyempre puro kain kami.. nakita mo naman sa picture di ba? hehe sugapa na naman kaming 4 sa pagkain.. pero siyempre ang kwentuhan at wasakan na walang katapusan.. hehe si Reggie may pinakilala naman sa kin.. at si Iggie, mukhang kailangan na talaga mag bago buhay.. si Ian, sana handa na siya para sa sa susunod na taon.. hehe sobrang saya namin noong araw na yun.. at kahit may mga sandali na seryoso, may mga sandaling naman kalokohan na todo.. haha mga ungas kong kapatid.. walang kapantay.. at nakita niyo naman, puro picture ang mga ungas.. hehe
sabi ko na 2am na kami natapos at nakauwi ako ng 3am.. nakatulog na naman ako ng mabuti tapos siyempre medyo nasabik ako sa reunion ng 2cpm.. sinundo ko si Lauren, ang aming tanging cum laude na galing 2cpm.. hehe tapos mga 10:30am, nakasakay na kami ng jeep.. tapos medyo mabilis lang naman kasi wala naman pasok ang mga "normal" na trabaho.. hehe nakarating naman kami ng mabilis sa MOA.. tapos un na, nagkita kita kaming mga barkada.. siyempre, nagkwentuhan, kamustahan at laglagan.. hehe kawawa si Lauren, nagkwento ng kanyang buhay.. hehe pero siyempre, wala din kawala, Niña, Joanne, si Orrin at ang kanyang bagong GF, JP, 2pel.. ako? siyempre.. walang naman silang tinanong eh.. hehe so lusot ako..haha masaya talaga.. kumain kami sa Fish and Co. medyo mahal, pero grabe naman ako sa busog.. letche.. sarap, at walang problema sa cholesterol kasi fish lahat ng kinain namin.. hehe tapos, nag coffee bean at di naman ako umorder kasi medyo gipit.. hehe pero nakapagbowling naman.. nung una nangangapa pa ko, pero nung second round, siyempre umariba.. kaso nahirapan kami kasi si Niña, gumaling sa final set kaya medyo kinabahan kami na baka nahabol un score namin.. pero sorry, iba ang magaling.. short ang mga babae ng pitong pins.. ahaha magaling magaling magaling JP at Topel.. ayokong sumayaw noh!! hehe
pero ang laban ay isang trip lang pero ung ayaw magpatalo na ugali, nandoon.. haha pero masaya lahat, na napakaimportante sa reunion na ito.. si Orrin, umalis na agad kasi ihahatid un GF niya sa cubao tapos, pupunta pa siya Northgate Alabang para sa shift niya.. magaling.. hehe pero pare, TL ka na pala ha.. good luck!! hehe
nanalo ang USA Team sa wakas ng Gold Medal.. pero maganda un laban.. grabe un Spain, ung magkapatid na Gasol ang bumubuhay sa kanila tapos si Rudy Fernandez (na maglalaro sa Portland) magaling.. grabe naman.. pero ang wala ng Spain eh si Kobe Bryant at Dwayne Wade.. hehe sorry na lang sila.. masasabi ko na karapat dapat talaga sila manalo dahil sa mga ginawa nila at sakripisyo.. kahit mahina sila sa ilalim, eh bumawi naman sila sa uno, dos, tres na posisyon.. congrats sa kanila!!
bakit nga pala tagalog ngayon linggo? naalala ko nung HS, at nung GS, na pag buwan ng Agosto, may isang linggo na nakalaan para sa paggamit ng ating maganda salita, Tagalog.. ito'y linggo ng wika.. kaya sa buong linggo, kahit alam ko tapos na ang linggong to, eh ang blog ko ay tagalog.. kahit mahirap, pero pilitin.. saka lagi na lang ako Ingles sa lahat ng oras ng trabaho.. kahit nga sa bahay minsan, Ingles pa rin.. grabe.. kakasawa din ha!! anu nga pala, hmmmm mahirap magtype ng Tagalog.. hehe pero ang totoo, ang Tagalog ay napakagandang wika, napakabighani lalo na pag ginagamit mo ito sa pagtapat ng pag-ibig!! hehe yihee.. maganda din ang Tagalog sa pagsulat ng iyong naisip o diwa.. kaya mahal ko ang wikang to.. ipinagmamalaki ko siya.. salamat sa ating mga bayani na nagtaguyod nitong wika na ito.. hehe natatawa ako kanina noong GF ni Orrin eh isang guro ng Filipino at pina bibigkas niya kay Orrin un tamang pagsabi ng bilang, kagaya ng labimlima? akala ko labinglima, pero may M pala sa labin.. o kaya un ibang numero eh may g or wala.. nagulat ako na may ganun pala.. talagang totoo ang kasabihan, "ang di magmahal sa sariling wika, sa call center lang napupunta" hahaha
sa lunch (ano nga ba Tagalog nun.. hehe) ako'y malamang matutulog na lang kasi sobrang kulang pa ko sa tulog.. pero ok lang, naging masaya naman kami kahit papano.. sana maulit muli un mga ganitong pagtitipon.. hehe ano nga pala ang huling grade ko sa Filipino? naalala ko lang, 1.75 sa USTe, pero siyempre, maganda un fiesta presentasyon namin, at pinakain lang namin ang prof namin, kaya un, mataas ang grade.. Si Dinglasan ang huling prof sa Filipino na laging pinagmamalaki ang librong sinulat niya, na ala naman, kakwenta kwenta.. hehehe totoo naman eh, wala naman kaming pagpipilian na libro kundi bilin ung pesteng libro niya.. hehe
ano pala.. hmmmm ano pa.. wala naman bago.. bagamat ako'y medyo napapagod na sa ganito, pero ano naman magagawa ko di ba? kailangan magsumikap para sa mga taong kailangan ko tulungan.. hehe at mga kailangan bayaran.. sana nga matapos na to.. hehe oo nga pala, sana mataas ang baitang ng team namin!! hehe para naman di na kami masabon masyado.. grabe..
buti pa un mga normal na iskedyul na trabaho walang pasok kanina.. mas masarap naman magpahinga, kaysa sa pumasok na doble beses ang bayad.. kakapagod naman.. hehe pero ganito na talaga buhay ko.. pero sana, mabago naman oh.. hay.. buhay.. napakagulo, napakasaya.. napakatamis.. napakalungkot.. napakamisteryo.. lahat na.. lalo na pag pumasok ang isang bagay na nagpapaiba sa buhay, ang pag-ibig.. naks..
patapos na ang kalahating araw ng trabaho.. makatulog nga pagnakahiga na ko sa kwarto ko mamaya.. mananaginip ng gising..
No comments:
Post a Comment