Thursday, August 28, 2008

ang mga tanong na may sagot

ok, ito na ang mga tanong!! sa totoo lang, masarap siyang sagutin.. hehe

1. "Musta ang iyong ex?"
sagot: sana alam ko, pero matagal na kami di naguusap.. wala talagang kaming contact at hanggang tingin na lang ako sa profile niya.. pero alam ko na masaya na siya at nasa mabuting kalagayan.. hehe

2. "Kamusta ka naman pagkatapos ng hiwalayan, naka move on ka na ba?"
sagot: siyempre, mga unang buwan di ko matanggap.. parang gusto ko na magisa lagi.. hehe pero salamat sa trabaho ko, pamilya, barkada, God, at iba kong espesyal na kaibagan na kahit papano nawala ang sakit.. hehe malaki ang tulong nila sa kin kung ano man ako ngayon.. maraming salamat.. mag wawalong buwan na nakaraan at ok na ko.. siguro kailangan lang lumabas labas at magdate.. pero baka saka na lang, medyo gipit kasi ako.. hehe

3. "Are you seeing anybody right now?"
sagot: meron, pero di ko na ineexpect na maging kami.. pero kagaya ng nilagay ko sa blog nakaraan na biglang bumalik ang feeling na kala ko hindi.. hehe ewan ko, pero nalaman ko na medyo maghihintay ko at depende sa kanya talaga.. hehe ang labo noh? pero ganun talaga ang pag ibig, kailangan pareho kayo na nararamdaman.. hehe pero dapat may iba akong gustong kilalanin, nasa opisina, hehe pero bad trip, nagresign bigla.. peste naman.. pero good luck na lang sa kanya.. hehe may nirefer naman sa kin si Reggie, pero matagal na "getting to know each other" ito kasi pareho kaming busy.. hehe di kagaya ng college, medyo mabilis..

4. "So bakit di pa maging kayo?"
sagot: hmmmmmm, magandang tanong yan.. siya ang tanungin niyo, wag ako.. hehe

5."May iba na ba siya?"
sagot: wala pa naman, pero siyempre iba gusto niya at hindi ako.. hehe yung a rason kaya bakit di pa maging kami.. pero di ko na ipipilit, depende na lang sa sitwasyon, at alam naman niya ang nararamdaman ko.. naks.. pero totoo.. seryoso.. akalain mo, nagbibigay ako ng advise sa kanya para dumiskarte sa lalaki.. hehe pero ano pa ba magagawa, magkaibigan naman kami at kailangan niya ng tulong.. nandito lang naman ako sa kanya..

6. "What are your plans?"
sagot: ang plano ko eh siyempre, matapos lang to mga problema ko sa pera eh maghahanap ako ng work na normal naman ang schedule.. pero siyempre, habang wala pa, eh dito muna ko sa Dell.. masaya naman ako, pero kung may pagkakataon na makuha ko ang ganun trabaho, na medyo mataas din ang pay.. hehe edi go tayo dun!! hinihintay ko lang, sana nga tumawag na eh, pero kung wala dito muna ako.. kaya ko pa naman dito eh, basta masaya pa ako dito.. sayang naman kasi kung may pagkakataon na maging normal naman ang buhay.. yun ang numerong uno kong pangarap, or short term goal.. hehe

7. "Anu ba yung in-apply-an mo?"
sagot: basta, day job na iba sa usual na ginagawa ko.. backoffice naman.. hehe but di ko pa masyado nag aaply kasi isa lang naman ang pinasahan ko.. hehe bahala ka na Merlyn!! pero next year, pag ok na ko sa sitwasyon ko sa pera at iba pang bagay, eh mag aaply na ko.. lalo na pag pang gabi pa rin ako ha..

8. "Do you have any alternative plans just in case?"
sagot: hmmm pag di natuloy, titingin pa ko ng ibang trabaho na talagang matuto ako or madevelop pa ang skills ko.. maraming pa ko room for improvement.. sa mga nababasa kong libro, di ko pa rin tapos ang Art of War.. hehe eh nainspire ako na gawin ang tama di lang para sa kin, kundi para sa taong nasa paligid ko..mga umaasa sa kin.. kahit mahirap, pero ano pa ba magagawa ko, nasa gitna naman ako lagi ng gulo.. kahit tahimik na nga ko eh.. hehe pero siyempre, pag kaya ko na, magtatayo na talaga ako ng negosyo ko, dun ko makikita ang hirap at ginhawa na hawak mo ang iyong kapalaran.. hehe kaysa magpakahirap ako sa trabaho noh.. saka para na rin sa kinabukasan ko, lalo na kung magkakapamilya ko ng sarili.. Abroad? napagisipan ko na yan, pero ayoko ng middle east, sobrang init dun saka, baka di kayanan ng family ko sa pag-aalala.. siguro sa Singapore lang masaya na ko.. lalo na pag UK.. hehe kahit mataas cost of living dun, pero sa UK, lahat ng music na trip ko nandun.. panalo!! saka mataas ang UK pounds.. hehe

oo nga pala, apply kaya ako dun? hehe bahala na si God dun.. pero yung lang ang plano ko for short and long term, pero kung may mabago, di ko pa rin babaguhin lahat..

9. "Balik tayo sa lovelife mo, Pano na nga ba ang set up?"
sagot: hahahahahaha wala akong set up.. at walang kaming set up.. basta kung libre siya lumabas, go!! pag niyaya niya go din!!! basta ang feeling ko, eh between love and friendship.. gulo noh? love ko siya pero best friend niya ko.. ika nga ni Reggie, spark spark spark erghhhhhh.. hehe pero ok lang.. di pa naman huli ang lahat.. pero kung di talaga.. marami naman diyan..

10. "Hmmm... Pero is there someone, one particular person lang na you want to be with sana?"
sagot: oo naman, dati un ex ko sana.. hehe kaso siyempre natapos na.. particular, un ibang nakakilala sa kin, mga best friends ko.. hehe kilala kung sino yun.. buti na lang, wala siya multiply account.. hehe

11. "Mahal mo ba siya?"
sagot: oo..

12. "Ok. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makausap siya, anu ang sasabihin mo?"
sagot: alam ko na mararating na position na gusto mo at mukhang masaya ka na sa trabaho mo, at least di ka na ngarag.. hehe malaking pagkakaiba sa trabaho mo last time.. pero I am proud of you.. you have grown to a person that I did not expect.. yes, english na to.. hehe but anyway, seriously.. I am happy that you're ok and doing good.. nothing is easy in this life.. like me.. but in the end, if you want to get it, you will get it.. about what I feel.. hmmmm you know it already, and like I said, I am always here for you.. basta kung kailangan mo lang ng tulong or something, except pera.. hehe I am always here.. by your side.. the lucky guy that you really like and love.. well, he is lucky.. hehehe but sometimes feeling the love needs time to blossom.. like I said, give the guy a break, maybe he's busy or what.. or nadedesyon para sa inyo.. naks.. pero kung kailangan mo ng advise about that, ok lang sa kin.. basta, like I said before, love works in both ways.. kaya mo yan.. kaw pa.. hehe basta ingat ka lagi.. God bless, good luck and tama na ang inom.. hehe

hay, ewan ko.. ewan ko kung bakit ganito ang pag-ibig, at buhay.. di mo alam kung ano mangyayari.. may mga nangyari na di maganda pero kahit papano, natuto naman ako.. kahit minsan, nakakapagod na.. kayod pa rin.. at hindi ako manonood ng April Boys reunion concert Ivan!! hayop ka!! gawa gawa lang yun, para tapatan lang yung hype ng Eheads reunion.. haha sayang nga di ako makakapanood, sana mayrun sa DVD.. hehe panalo, one night only Eheads reunion concert.. paborito kong kanta nila? marami eh.. pero un laging nasa playlist ko eh ang kantang "torpedo" hehe pero di ako torpe.. sorry.. dati lang yun.. haha

kahapon pala, na addict ako sa kakabasa tungkol sa graphic novel na the Watchmen.. mukhang maganda nga siya.. grabe, parang naisip ko talaga, na mas sulit magbasa ng graphic novel kaysa sa comics.. hehe sino kaya matiyaga magbasa ng dalawang mahabang blog sa isang araw? sino?! maiksi lang pala yung una.. hehe bukas na lang ulit..

No comments: