Wednesday, August 27, 2008

miyerkules

ngayon araw, ay miyerkules.. naks, hirap pala ispelling nito.. hehe pero mamaya ay huwebes na.. wala naman bago, pero siyempre nagbertday si Kuya Allan at nagpakain ng pizza!! ibig sabihin, hindi ako gutom ng pumasok ako ngayon araw!! hehe buti na lang.. pero ano pala bago.. oo nga pala Villa, wag kang magalala, lagi kitang pinapalangin sa iyong mga pangarap.. hehe galingan mo na lang ha.. hay, wala naman bago ngayon.. mukhang nakakabawi na ang San Beda ha.. dapat lang no, nakakahiya pag nasibak sila.. hehe Baste din umaariba..

bukas nga pala, UST vs. DLSU, tignan natin kung sembreak ang habol ng Tigers o Final Four talaga.. sa DLSU, tignan natin kung may nagbebenta na talaga na player bukas.. hehe may nakakapansin na parang may bumebenta ng laro.. hay, mukhang nasa kultura na ata nila ang ganun.. grabe naman.. napanood na daw ni Reggie ang for the first time ni KC at Richard.. olats daw, pang date lang talaga or may GF.. kaso ang kasama niya ermat niya, so malamang di niya feel!! hehe pero kahit ako, parang masyado lang nahype un pelikula.. kasi big time children ang starring dito.. so parang di ko talaga feel manood.. depende kung gusto ng date ko noh!! kaso hindi rin.. hehe ayoko magsayang ng 150php..

medyo masakit pa rin balikat ko.. peste.. hehe mamaya nga paguwi ko, lalagyan ko nga to ng paw.. nakita ko na un bagong website ng magic the gathering.. astig ha.. pero tignan natin kung tatakbo un sa PC ko sa bahay.. hehe nakakapanibago pero magandang tignan talaga, magaling un web designer and developer nila ha.. di madali yun.. ano pa pala..

ewan ko.. hehe pero may nabasa ako sa internet, kasi alam mo naman, na bihira lang ako manood ng TV.. gumagawa ng batas ang mga congressman tungkol sa mga professionals na magsilbi muna sa bansa ng 2 taon bago sila tumanggap ng trabaho abroad.. hehe mga licensed professional ata target nito.. kahit di sang ayon ang mga OFW kasi pinipigilan ng batas ang freedom to travel na nakalagay sa constitution, eh sa tingin ko yung batas eh makakatulong kahit papano sa bansa para sa supply ng mga professional na ito.. tandaan na ang sukatan ng magaling na bansa eh sa GDP.. o Gross Domestic Product.. kung tatandaan, tayo eh mababa ang GDP.. para tumaas ang GDP natin, kailangan maraming nagtratrabaho sa isang bansa o may negosyo sa tin.. kung maraming ganun, maraming pundo ang gobyerno para sa serbisyo.. o kurakot.. haha kung ganun mangyari edi uunlad ang bansa natin!! kaso di na ata mangyayari yun.. depende na lang kung magbago ugali ng gobyerno natin.. so naiintindihan ko din ang mga OFW.. lalo na un laging nababasa dito.. hehe ang unang magandang hakbang para kaunti lang lumabas na OFW mula sa bansa natin eh kailangan itaas ang sahod na mga manggawa, sa lahat ng rehiyon.. tapos, mula sa gobyerno, wala nang magnanakaw o kurakot at magsilbi sa bayan ng tama.. dapat sa lahat ng opisina ng gobyerno ganito, kahit barangay lang yan or LTO or kahit anong ahensiya.. tapat na serbisyo publiko kung baga..

pabor ako dun sa batas para lang sa short term solusyon kaso siyempre, mas pabor ako kung itataas muna sahod ng sahod para walang umalis na professional dito.. kung lahat aalis, tayo din ang kawawa sa ating kinabukasan.. hehe

hay, eto, dalawang oras na naman bago maglunch.. hehe pero eto galing lang ko sa isang parangal na dati kala ko di ko na makukuha ulit.. dell elite na naman!! part 2.. hehe bukas na lang ulit.. bahala na.. salamat sa parangal, pero siyempre mas masarap kung ang team ko eh number 1.. hehe

No comments: