Tuesday, August 26, 2008

masakit na balikat

grabe, pag gising ko ng hapon.. sumakit ang balikat ko sa kanan.. malamang ang dahilan eh sa bowling na nilaro namin nung Lunes.. hehe pero un sakit naman hanggang braso lang naman.. buti na lang di masyado masakit un sa daliri ko, di kagaya dati nung una ako naglaro ng bowling.. hehe kaya pa naman ng balikat kong ito.. hehe wala naman bago, natulog lang ako ng natulog.. gumising sandali kasi sa balikat ko, pero wala naman akong ginawa na kakaiba.. hehe oo nga pala, happy birthday kay Kuya Allan.. naku, maraming salamat sa kanya, kasi maraming beses na rin ako natulungan lalo na pag gipit ako.. kahit may pamilya na, eh ganun pa rin siya sa kin.. sana lang, un init ng ulo eh mabago niya.. haha sana maraming bertday pa ang daanan niya at maabot ang mga pangarap niya sa buhay.. salamat Bro Allan at happy bertday ulit.. wag mo na ispell check, ganyan ang spelling ng bertday sa atin.. hehe akalain mo, 38 na siya.. hehe

di ko naman nakuha un DVD ko galing kay Ivan kasi, masarap ang tulog ko at ngayon ko lang nabasa un text niya.. pasensya na Ivan.. hehe madali naman ako nakapasok kanina.. masarap talaga pag ganitong sked, walang trapik at di nagmamadali.. hehe hay buhay.. wala naman bago.. tagal nun hinihintay ko.. di pa nagpaparamdam.. hehe hoy, di sa chicks yun.. wala naman akong chicks.. hehe basta, ibang bagay un.. sana naman, magparamdam na.. oo nga pala, hmmmmm nagbasa ako ng blog ni Villa, maganda ha.. ang sampung tanong.. hehe masarap sagutin ang sampung tanong na yun, hihintayin ko lang na payagan akong sagutin din yun, dito sa pahina ko.. hehe maganda siya talaga, pang showbiz ang dating ha.. pero iyon.. ganun talaga.. mahirap ang buhay kung wala kang pangarap, or goal man lang.. ako? siguro naisip ko lang ito nung nagkaroon ako ng trabaho.. naisip ko na mukhang di ako tatagal, gusto ko maging negosyante, pero dahil sa sitwasyon ko, medyo matatagalan matupad yun.. pero nang dumating ang espesyal na babae sa buhay ko, nadagdag pa ang plano ko.. pero nung nawala siya.. naiba naman ang plano ko, pero halos parehas lang din.. labo no? sa kin na lang yun.. ilalagay ko na lang dito pag narating ko na yun.. hehe

basta sasagutin ko yun mga tanong na yun, sana sa linggo na ito.. wala naman bago.. masarap ang tulog ko kanina kasi di mainit at umulan pa.. dumeretcho ang tulog ko kahit di ako masyado kumain.. hehe mamaya na lang siguro ako kakain sa lunch.. ano pa nga ba.. ang pakiramdam ko, kahit maingay sa paligid ko, eh parang ako lang nasa istasyon ko.. di naman ako malungkot or bad trip, kahit masaya.. siguro iba lang ang pakiramdam ko, di naman ako tinatamad.. hehe masarap tignan ang mga nilagay ko dito sa blog ko.. marami na talaga ha.. nagiba na pala ang aking iskedyul sa trabaho, parehong break pero un pagitan ng pagkuha ng tawag eh medyo mahahaba pero ok naman.. kaya ko to.. hehe

ginagawa ko un facebook account ko, kaso medyo parang mas mahirap ata kaysa mag maintain ng multiply.. medyo iba ang interface ng facebook eh, pero maganda nga siya tignan.. kaso mukhang matatagalan ko ayusin ito.. sa day off ko na lang ayusin.. hehe

tuwing titignan ko ang friendster account ng isang tao.. lahat ng mga nangyari sa min, eh nakikita ko na naman.. dapat wag ko na lang puntahan noh? hehe pero di ko lubos maisip, na mabilis ang panahon.. kamusta na kaya siya.. hmmmmm

malamang, wala naman mangyayari ka hindik-hindik itong linggong to, subalit kung mayrun man.. wala naman maitutulong..hehe para naman may malalagay pa ko dito.. parang wala na eh.. ano pa ba.. sana pala, mataas ang makuha namin baitang ng team ko ngayon linggo.. Diyos ko.. sana po!!! hehe ano nga pala.. nasubukan ko ang fit n right, salamat kay Iggie, at epektib nga pala noh.. pag mayrun akong sobrang pera.. siguro, kailangan ko uminom nun, araw araw para mawala ang taba.. haha anak ng tokwa, ang peso eh 45.995- $1.00 na!! hehe, parang wala lang.. sige, magtrabaho naman ako sa susunod na dalawang oras..

No comments: