hay, biyernes na pala.. hehe ang bilis ng araw.. day off ko na mamaya.. nakakatamad na nga pumasok ngayon.. hehe sa Lunes pala, US labor day, sobrang petiks na ba ito sa araw na iyon? hehe September pala sila noh.. ano pa pala.. hmmm wala naman bago.. nanalo pala un Mapua.. kawawang Letran.. hehe grabe un Baste, sila naman ngayon ang walong sunod na panalo..
di naman ako nahirapan matulog kanina.. kasi di naman mainit.. hmmm nabati ko pala si Walter, confirm na manganganak na si Jack!! naks, parang maramin na nanganganak sa section namin ha.. hehe kudos to the couple, mabuti at sila din nagkatuluyan, habang buhay!! hehe ang sweet..
ano nga pala.. hmmm matatapos na ang linggo, ibig sabihin, baka matapos na rin ang pagsusulat ng tagalog ng isang buong linggo.. medyo mahirap din pala ha.. pero masaya.. hehe malay mo sa mga susunod na araw o buwan, mabalik ito, lalo na pag nasawa ako sa Ingles version.. hehe hay.. malapit na pala ang huling VL ko ng taon.. kasi naman, 5 VL lang ang binigay sa min kasi bago lang kami dito sa Dell.. ang huling VL ko ay sa susunod na linggo.. biyernes.. Sept. 5.. hehe malamang pupunta ako loyola tapos, matutulog, tapos buhay wasak o bahala na.. date? hehe
hmmm.. ano pa pala.. hay, wala na talagang pagasa ang USTe.. parang ang tanging paraan para makabawi eh palitan si Pido.. hehe narealize ko na dahil sa blog sa ubelt.com.. may point siya talaga.. kung tutuusin.. kayang kaya ang UST ang lahat ng teams.. kahit mainjure pa un iba, basta nandyan si Jervy at Dylan.. napapansin ko na ha.. parang may mali sa mga ginawa niya, lalo na un mga rookie ang binababad mo sa crunch time tapos mali naman gagawin.. wala na.. hehehe di mo naman masisi un player kasi wala ka rin naman magagawa.. naprepressure ka eh, malamang magkakamali ka.. injury pwedeng factor yun, pero sa lahat na laban napanood ko sa UST, may mali talaga sa style ni Pido, lalo ngayon year.. kung tutuusin, mas malakas un team ngayon kaysa last year.. tapos next year mawawala naman sila Dylan and Jervy.. pano na ang UST? kangkungan na ba ito? hehe pero yung nga.. sino coach naman papalit kay Pido? si Aric na naman na puro mura aabutin ng mga player? si Bal David kaya.. hehe basta.. mukhang wala na silang pagasa.. grabe..
ano plano ko ngayong sabado at linggo.. magbabad sa computer.. malilinis ng kwarto at gamit.. at sa Linggo.. pupunta sa birthday ni Kathyrn.. pamangkin ko kay Ate Aila.. happy birthday nga pala!! 4 years old na ata siya.. hehe ingat ka lagi!! kainan na naman ito.. hehe
medyo, nareresearch na din ako sa V for Vendetta.. marami palang naiba mula sa graphic novel at un pelikula.. kaya pala ayaw ilagay ni Alan Moore un pangalan niya sa credits kasi na bad trip.. kahit sa Watchmen, ayaw din niya ilagay un pangalan niya.. natutukso tuloy ako bumili ng mga graphic novel niya.. mukhang interesting kaso mahal malamang yun.. hehe
medyo inggit ako sa mga manonood mamaya ng reunion ng Eheads.. hehe pero ok lang, sana lang, ipalabas siya sa DVD at ako'y magpapahinga na lang sa bahay at magbabad sa computer.. hehe pero astig un reunion na yun lalo na pag puro hits nila ang kinanta nila, walang b sides..
hmmm.. ano ba.. wala na akong malagay.. sige eto na lang muna
No comments:
Post a Comment