Friday, October 23, 2015

3N Bakery

Kala ko 3M yun pangalang kaso makakasuhan sila nun. hahaha Grabe tong bakery na to, may time sa isang araw, maraming nakatayo sa shop nila. Paano, sulit ang siopao nila! hehe Makadalawang toasted siopao lang, ok na! hehe 

Akalain mo galing Bicol ang bakery na yun biglang nagisip maglagay dito sa Manila. Ayun, kahit di naman original, eh patok na patok! May mga ayaw din ako tinapay nila. Yun tuna bread, malaking tinapay di na naman masarap. haha Yun crinkles, kahit isa din siya sa mga favorite ko, umay na pag dalawa kainin mo. Di kasi sobrang chocolate saka ang laki masyado. Yun cheese bread nila, parang mas prefer ko sa Julie's. hehe Saka ang pinakadisulit sa lahat, yun peanut bread nila. Grabe kasi, di matamis yun peanut bread. Parang mas sulit pa yun palaman namin sa bahay tapos bili na lang ako pandesal. Kahit mas mahal sa limang piso, mas matutuwa pa ko. hehe

Siyempre, may mga favorite din. Una naman sa lahat, malamang ang toasted siopao na kahit walang sauce, malaman at masarap! Kahit isang box ata mabili ko, sa kin lang yun. hehe Grabe, lalo pag yun bagong luto lang, ay naku! Sulit!!! Tapos yun ensaymada na matamis, kalihim na lagi nauubos. hehe Saka yun choco german nila, spanish bread na sulit sa laman at laki! At may special bread sila, yun butterscotch na kahit 10 piso, aba, lasang mahal. Sulit na sulit sa 10 piso. hehe 

Pero, kung compare ko siya sa Julie's patas lang sila. Kasi may ibang bread dun na mas trip ko saka mas maraming branch sila. Saka na lang natin idiscuss si Julie's. In terms naman kung tatagal sila, one time ko lang nakita na nagsara ang branch pero lumipat lang pala ng lugar. Tatagal ito kasi una, yun mga bread na ginagawa nila patok, saka grabe yun toasted siopao, para walang katapat. hahaha Kaya sana tumagal sila at ayun same services. Mabilis. 

Kala ko 3M eh, masarap, mura at malaki! hehe Hirap isipin bakit 3N ang pangalan. Walang N na magandang panghalip. 

Nadale nila yun panglasa natin eh. hehe

No comments: