Saturday, October 10, 2015

Eye of the Beholder

Hay sarap ng Purefoods corned beef with rice na pang lunch! Tapos may libreng DQ. Kala ko blizzard kaso, dilly bar lang! hehe Sarap humiga sa lazy boy in this sleeping quarters. Sana may wifi naman.. Naka angat pala yun blinds, sarap titigan yun labas. EDSA, walang trapik ng lunch time. Sabagay pag trapik pa yun, iba na to!

Mabuti na lang iba na yun sked ko. Tama na yun 4:45am, ang hirap gumising ng umaga. Iba pala pag 7am na pasok tapos malapit sa bahay, at pag lunch, eto, maluwag ang sleeping quarters. Yun MRT, wala na pag asa, mabagal at maraming tao sa tren.

Pag tinignan ko yun ibaba, daming kotse nakapark, yun tao wala masyado. Pero naisip ko sa likod na building, maraming tao sa yosihan. Lunch time pa. Gusto ko matulog kahit 15 mins lang.. Kahit gusto ko lang magisip at makahiga lang, talagang nakakatulog ako sa lazy boy chair na to. Sarap kasi. Tanggal stress at pampalakas para sa mga nalalabing oras na shift. Sarap siguro pag may ganito ka silya tapos may projector ka sa kwarto at nanood ng film sa pader!!! Hay!!! Wala nang labasan ng kwarto yun, popcorn na lang! hahaha Nood na lang ng Realm in the Senses in big screen! hehe Sorry, 2001 pala dapat.

Habang nakatitig ako sa gilid ko sa kaliwa, parang napapapikit na ko. Lalo kung malamig at nakakaantok na.. Yun mga ibang iniisip ko, nawawala unti unti. Biglang tulog!

Nagulat na lang ako nagvibrate yun alarm ko. Angat ng kaunti, pagtingin ko sa bintana, aba, umuulan na. Angat muna ng kaunti para iwas hilo..

Tayo na ko, isip na lang ako kung kailangan yun payong ko mamaya paguwi!

Hay, habang nagsusulat ako nito, ganda tignan ni Kurashina Kana sa Welkame! Magandang pampatulog mamaya.

No comments: