Well not all hope lost naman, nagsuggest si lawyer na pagnakapasa na student sa Todai (parang UP sa japan) malamang di daw mapapasara ang skul! Dun na nagsimula ang story.. At paano niya sisimulan kung walang gusto na estudyante sumali sa special remidial class niya. hehe
Siyempre, di naman ako mahilig sa jdrama high school shows. Eh, ang alam ko lang GTO and Gokusen. Other shows eh para naman puro pacute and like the other formats ng korean or chinese.. Kakaumay pero nagiba yun nung napanood ko to.
Una nagustuhan ko dito, eh unlike other high school shows, na puro cute or love story... Eto may love story pero hanggang date lang. hehe I mean mas focus sila sa life lesson and goal setting. Kaya yun GTO and Gakusen maganda kasi iba focus eh. More about enjoying skul with sensei.. Eto naman, kahit pariwara ang buhay mo, basta may goal ka, aayos din yun ang buhay high school. Galing na motivation ginamit dito ni Kenji sensei, kahit harsh at sarcastic eh tumino yun mga nasa review class niya!
Second, maganda yun mga episodes, lahat ng episodes may saysay. Bihira lang yun series na lahat ng episodes maayos. Usually, in a series, may 1 or 2 episodes parang sayang lang. Iba na siyempre pag lahat ng episodes sa series walang kwenta. Wag mo na lang panoorin di ba? hehe Dito, from one to 11, ok yun episodes, walang dull moment or episode at balanced yun drama at masaya. Kahit imposible yun goal, aba pinakita kung paano pwede mangyari. Nakakatawa yun development nung storya saka paano yung methods para gumaling yun mga estudyante. Hanggang sa last episode, may suspense saka galing nung ending! Well, kahit di masyado masaya, tama lang at panalo!
Saka yun huling favorite ko part.. Grabe ang cast! Parang all star cast.. hehe Well, kahit di star yun mga guests, pero grabe naman yun main cast.. Abe Hiroshi, tapos Gakky, at siyempre ang pinaka favorite ko, Nagasawa Masami! Hay, minsan, basta may scene si Masami san, focused ako. haha Edi lalo na this series.. Panay rewind ko basta scene ni Masami san! Ah, don't forget si Yamashita Tomohisa, Saeko (ex ni Darvish Yu) at Hasegawa Kyoko, another, ehem.. Beauty!
Abe Hiroshi, grabe galing niya dito, nakakabwisit siyang lead character pero sa huli, mapapabilib ka niya. Sakto talaga sa kanya yun character. Yun dating niya perfect para kay Kenji.
Sa sobrang panalo ng cast, pag pinanood mo sila today, parang kaya pa din nila yun role na yun. Paano ba naman, eh mukhang di naman sila tumanda eh! After what, 9 years? hahaha Kahit si Gakky ata, kaya para rin yun role niya dito. Saka special mention yun filipina bar part. hahaha Nagtatagalog talaga di ba. Well, di naman nakakaoffend pero at least, sikat tayo. hehe
Ah, the only flaw lang, sana naisingit nila yun love story ni Yusuke at Naomi, (Tomohisa at Masami).. Kahit ayoko, pero parang mas gaganda yun series kung napasok yun kaunti love story. Kaso wala eh, bitin.. Ganda sana yun love team na yun. Kahit may mga hints na gusto nila isa't isa, sana naman tinuloy na sa series. Kaso ganun talaga, kulang ang 11 episodes. haha
Ah bakit Dragonzakura? Astig ng title noh?
Pangalan ng sakura tree tinanim nila sa labas ng campus. Yun lang. Pero malaking bagay yun sa kanila, symbol kung baga. haha
Better watch it na lang!
Di ko pinapansin si Masami dati, pero dito na ata nagstart... Parang siya yun
Dragonzakura!
No comments:
Post a Comment