Di na makasabay sa mga uso ngayon..
Huli na sa mga musika pinatututog!
Nagugulat na lang na ganito na pala ang ginagawa..
Gaano na ba ako katanda?
Kaliwa't kanan ang mga nagpapakasal at nagkakapamilya,
samantala ako eh talagang buhay binata pa..
Mga nakakagulat na pagbabago sa mga taong di mo inakala.
Gaano na ba ako katanda?
Parang kailan lang, kaedad ko lang ang katrabaho ko..
Ngayon, may kuya na tawag sa kin, at malayo na agwat ng edad ko.
Talagang masasabi ko na tumanda na ko.
Gaano na ba ako katanda?
Dati lang iniisip ko ang kapakanan ko, at hinaharap..
Pero dahil sa mga pagkakataon na di ko akalain, nagiba na lahat.
Iniisip ko na di lang sarili ko, kung hindi ang mga aalagaan ko pa.
Gaano na ba ako katanda?
Dati nagaalala ako kung anong araw na.
Sa ngayon, gusto ko lang matapos ang bawat araw na maayos at masaya.
Natanto ko na importante ang buhay na ibinigay niya.
Gaano na ba ako katanda?
Pag may dekadang pinaguusapan na di nila alam, ako taga kwento..
Pag may mga pangyayari sadyang nilimot na, ako taga pagpaalala..
Sadyang maraming na ko pinagdaanan, kahit gusto ko limutin, biglang aalahanin!
Gaano na ba ako katanda?
Kung dati'y di lintana ang hirap na darating,
pero dahil sa pagtagal ng panahon..
Mas mabuti pagisipan mabuti ang mga desisyon na tatahakin.
Gaano na ba ako katanda?
Sa daming tama at mali nangyari sa kin, dati'y ako'y palaging nangangamba..
Samantala ngayon, sa mga darating na pagsubok o problema..
Dapat maging matatag ang aking pananampalataya sa Kanya.
Gaano na ba ako katanda?
Sa dami ko nasabing mga talata,
pakiramdam ko di naman ako matanda na.
Tumatanda pa lang.
Papunta pa lang ako!
Gaano na ba ko katanda?
Isang dekada ay parang kahapon lang..
Lahat ng hirap o sarap, sadyang..
Lumipas lang sabay sa aking pagtanda.
No comments:
Post a Comment