Dahil season 3, malamang nakaload na yun first and second season. Nagaayos ako ng pay ko one friday night at naisip ko, habang hinihintay ko yun email to confirm kung ok ang pay ko, aba, pinanood ko na ito.. Nahook na ko from the first episode until, 5am! tinapos ko bigla yun dalawang season na straight! hehe Grabe, I love this series.. Galing naman ni Doctor X! I can say parang black jack siya na babae, pero focus lang sa surgery. Habang pinapanood ko ito, nakalimutan ko na galing pala ako sa opera.
There were some flaws siyempre or something na sana naimprove nila. First, well Michiko sensei doesn't look like a poor doctor. You'll know pag pinanood nyo siya, kasi she charge high fees pambayad utang niya dati dahil sa erpat niya. Long story, pero I recommend, just watch it. Grabe naman kasi ang mga suot niya, not only somewhat revealing or very sexy but also, high end! She doesn't look like a doctor desperate to pay debts. hehe Sana simple na lang yun dating niya. Pero with Yonekura Ryoko, parang yun ata requirement niya if she does a series.. You can look at her previous TV series. She always dress great.
Another flaw was the ending at season 3! Ok na sana yun build up and kahit may cliche, sige na ok lang pero yun ending talaga, grabe very weird and it did not help me. Pero yun ang highest rated episode in Japan for 2014! Just weird. hehe I won't spoil it pero it's just annoying. For me, yun lang ang flaws niya. I know marami pa, pero forgivable na.
First, I love the pace of each episode, kahit predictable pero di naman mapapansin in every episode. Lalo na how the operation is going on, or yun bangayan ng mga doctor, kakatuwa lang. Labanan ng pride at grabe, when it comes to surgery, Michiko doesn't not only want to lose but also, doesn't want to fail! Yun pace niya fast and very intense. Well, lalo naman yun first season na 8 episodes lang pala.
Second, the surgery cases napresent dun, kahit di naman ako med professional or a doctor, naisip ko, parang complicated cases lagi yun kaso ng patient. Parang no hope, na biglang ayun gagaling sa huli kasi mad surgeon si Michiko. hehe I'm not sure kung totoo na pwede yun mga style or remedy na ginawa ni Michiko, let my doctor friends to decide pag napanood nila. Example na weird case, yun episode na may witness na kailangan isurgery, pero kailangan gising siya para makita yun tumor. Another yun bata, kala nagsisingunaling kasi lagi may masakit pero walang makita sa mga scans pero meron pala naiwan na object! At yun pinakafavorite at naresearch ko, one case of ex vivo resection. Totoo pala yun, tanggal lahat ng organ to remove yun mga tumor tapos balik sa tao sa operation. Grabe ang galing noon! Well, lahat ng season ayos yun mga cases pero mas mahihirap sa season 2 at lalo na yun season 3.
Third factor, the cast! Yonekura Ryoko for her career role, despite TV actress na siya for a long time, primetime pero wala yun tatak na role. Eto na yun, very aggrivated yet very hot surgeon! hahaha Hot actress as well, I mean, top to bottom, di lang payat, talagang, I'm speechless. hahaha Doesn't show in her ehem, quite old age... Galing ng cast na binuo dito. Kahit low budget yun season 1, aba, galing pa din yun nabuo nila cast such as Tanaka Kei and the old doctors, Ito Shiro for example. Tapos, dahil ayos ang season 1, eh more budget for season 2! Grabe yun cast, from Fujiki Naohito, Endo Kenichi, at may Nishida Toshiyuki pa! Season 3, well matindi.. Hanggang guest may mga star din, kaya bigger budget. Pero siyempre, fave characters ko si Kishibe Ittoku, yun manager ni Michiko. Yun anesthesiologist best friend niya si Uchida Yuki, I mean Jonouchi Hiromi yun name ng doctor. Isama mo pa yun dalawang bwiset na doctor na laging kontra sa kanya. Hmmmm best season sa kin yun season 2 kasi not only yun cases involve, pero yun cast perfect dun sa season na yun. Galing nung story at yun actors involved, fit na fit! Siyempre, may favorite episode, episode 4 season 2! Si Mamasan! hahahaha Hayop yun, di ko mahanap yun pangalan niya pero wala makakalampas sa kin. hehe Nahanap din. Simply hot! Tapos season 3 yun sunod na maganda kasi ang hirap ng cases saka si Michiko sensei kaawaya niya lahat lagi. haha Tapos yun least favorite, season one.
Last! Superfly! Unang kanta pa lang niya sa season one, hinanap ko na agad kung sino kumanta eh.. Iba yun boses, pang rock talaga.. Maganda pa yun singer. hehe Kidding, but yeah, bagay yun end rock song sa attitude ni Michiko sensei. Yun lang...
Of course, marami na din ako nasilip na jdrama about doctors or medical practice, pero eto yun paulit ulit ko panoorin. Iba kasi yun dating ni Ryoko.. Kahit arrogante eh basta patient is first, magaling siyang doktor! Ewan ko lang kung may ganun in real life... Yun adik sa surgery. hehe Nakakatuwa sa kanya, tuwing may surgery scene, lumalaki yun mata niya! Scary surgeon pero she never fails. hehe
Besides, dahil sa series na to, dito na nagstart ang aking trail to other jdramas.
"I never fail.."
Simple powerful line for a surgeon who is always face against all odds.
No comments:
Post a Comment