Wednesday, October 7, 2015

Tomasino Noon, Tomasino Ngayon, Sino?

Noon..

Koboy lahat ng estudyante, walang paclass at nakikisama sa gulo, tawanan at lokohan. At siyempre sa hirap din lalo na sa mga assignments. hehe Magugulat ka na lang, big time na pala ng kaklase mo. haha

Ngayon..

Sa suot pa lang saka mga dating ng mga estudyante ngayon, parang may mga maarte na at choosy. Baka mali ako pero sa ilang beses na ko dumaan ng USTe, parang feeling conio na. Iba talaga.. Parang kanya kanya na. It's sad.. =(

Noon..

Mabubuhay ka na pag budget ang baon mo. 100 a day, may pang laro ka ng bilyar at computer! hehehe O minsan, baka umabot pa sa pang inom! haha Saka dahil sama sama kayo, minsan malayo naabot ng baon mo! 

Ngayon..

Kung malapit bahay mo, 100 na baon mo, malamang kulang! hahaha Inflation naman kasi saka grabe yun mga tambayan sa Dapitan, parang ang mura na lang ata yun tindahan ng mani, at yosi! hehe Nawala pa yun coop canteen! Bwisit!

Noon..
Inaabangan yun paskuhan! Saka siyempre after ng paskuhan, kanyang kanya gimik na! Sa min naman, nagbenta kasi kami para sa class corpo. hehe Pero naenjoy naman ang paskuhan sa 4 na taon.. 
Ngayon..
Parang wala na ingay yun Paskuhan, saka wala lang.. Huli punta ko na grand event eh 400 years celebration ng USTe. Yun lang. hahaha

Noon..

Sa BA pa lang, napakaraming subject ang di masaya, at dagdagan mo  pa ng mga prof na pahirap ang pinapagawa! Bwisit talaga. haha Sa other courses, parang siniksik nila yun ibang subject para sa isang course, gaya ng COA di ba? Parang mas mahirap ata mag aral nun, siyempre ang mahal ng internet. hehe
Ngayon..

Buenas ng mga BA students, may pagpipilian na sila ng specialization, at yun ibang courses marami na din sa ibang colleges. Saka siyempre, mas madali ngayon magresearch, mura net eh.. Di kagaya dati, pipila pa ko sa library para sa internet! 

Noon..

Tutuusin, simple lang ang dating ng USTe pero nostalgic.. Kung baga, kaunti buildings tapos lalabas ka ng campus para sa bisyo mo or ibang trip, ehem gaya ng Tapsi! hehe Pero marami ka mapupuntahan na open spaces at kaunti lang ang building. 

Ngayon..

Parang football field na lang ang open space ha. Yun tinoko park binago parang pinaliit pa. Yun coop tinanggal at well naging open space for sculptures. Ah, isama pa yun harap ng main building, dating europe! hahaha Pero matindi sa lahat, yun hospital! Grabe, parang di mo na kailangan lumabas ng USTe, except kung kailangan mo magyosi. hehe Pero infairness ang walkway, maganda na, saka nagmukhang class na ang USTe. Isama mo pa ang malaking sports center ng UST!
Maraming commercial spaces.. Where is the humility there? Don't tell me they need to earn a lot.. huh?

Kahit sa pagdaan ng panahon, noon at ngayon, kahit may nagbago sa pagugali ng mga tao nasa USTe, eh naniwala pa din ako na eto pa din ang UST na kinalakihan ko. Kahit marami nagbago, may mga bagay na di nagbago, gaya na lang yun post office sa Main building. O kahit yun Main Building mismo, ganun pa din. Oh paano naman yun commerce building, aba parang kahapon lang, sa 3rd floor ako pumapasok..

Kahit yun mga estudyante, kahit medyo conio ang dating, aba masaya pa din sila nagaaral sa USTe, gaya dati. Kahit kamote na kami sa subject, isang session lang yan, tapos na! hahaha
Kahit ano mangyari, basta nandiyan pa din yun pagiging magaling, mapagkumbaba at masayahin na Tomasino, mananatili pa din UST ang nandiyan. 
Noon at ngayon, Tomasino pa din ako! =)

Noon..
Ang baha eh matindi na, lalo na yun mga 3-7pm pasok ko, grabe, walang uwian at siyempre may inuman sa loob ng classroom with regular yum at coke galing sa student council! hahaha Paano ka uuwi eh kung ang entrance ng building may tubig na. Lubog na ang buong UST basta umulan.. Kahit lahat ata ng magaling namin engineer at alumni, di masolve yan! hahaha

Ngayon..

Copy paste. =) 

No comments: