Sunday, October 4, 2015

What If..

(Binay ang Presidente natin!)

Ah sorry sa mga sumusuporta sa kanya. hehe Kung ganito mangyayari, aba.. Umalis na tayo sa bansa na to! Ngayon na! Wag nyo siya papanaluhin! hahaha

For the record, di siya binoto ko nung tumakbo siya.. Si Mar Roxas ang binoto ko for VP na kala ko kasi sure na. Kaso anak ng tinapa, biglang nanalo ang pesteng ito. Una, wala naman ako paki sa kanya, nasabi ko kasi may dating siya pang mahirap talaga at masasabi mo naman malapit siya. 
Pero nung nagsimula siya magdeclare na tatakbo siyang presidente. Dun na nagsimula lumabas ang tunay niya kulay na mas maitim pa pala! Simula pa pala siya sa pagiging Mayor ng Makati tapos lumalabas pa ang mga style niya! Nag aral ng masters of Money Laundering. hehe Biggest proof? Ano pa ba? Yun building pinatayo niya, eh kaunti na lang pala idagdag mo, parang new Zuelig building na! Matindi talaga!!! 

At isa pa yun kinagalit ko eh asal nung mga anak eh. Pumasok lang sa Village, umasta na, wala na daw security check.. Kawawang mga guard na umawat sa kanila, sibak! Eh pano pa pag naging first family pa to? 

Tapos ngayon, kapal ng mukha maglaunch ng kanyang tunay na SONA daw. At isama pa ang mga anak niyang kurakot na nasa isip. Kakahiya! 

Pagnanalo Presidente si Binay, lalo hihirap tayo kasi malamang uunahin niya mga bata niya. Gagawa ng executive order na yun BGC na imbes hati na lang sila ng Taguig, mukhang ibibigay pa sa Makati! Matindi! Tapos mapapawalang sala na yun anak niya. Lalo pa kakapal ng mukha ang kanyang Senador na anak. Sabihin na natin, sige napalago niya yun Makati, pero sa huli..

Maraming mga business centers or companies na lumilipat from Makati to other places.. Bakit kamo? Ano ano sinisingil ng city hall sa kanila... From high taxes at maraming fees at lalo na yun required health cert daw for every employee.. Grabe, san napupunta yun pera ng Makati. Sabi pa, medyo bankrupt level na ang Makati?! San napunta yun malaking pera nakolekta nila? 

Eh marami pa din mahirap sa Makati, worse, pinapaalis pa.. Paano pa sa buong bansa, kung anong gagawin niya sa mahirap? Ang mga makikinabang pag nanalo siya, siyempre mga kapartido muna, barkada, bago ang bayan! hehe Isa pa, ni ayaw humarap sa Senate hearing, yun anak niya ang ginagawang paing. Abogado naman, ayaw pa humarap kasi moro moro lang daw. Hay naku, madaming palusot..  Nung hinamon ng debate, naduwag naman sa last minute! 

Yan ba ang magiging presidente natin? Grabe, wala naman siya ginawa nung VP siya (parang lagi naman ata ganun), ginawa lang niya, sumiple ng kampanya na hanggang ngayon! Ano ba naman, ginagamit yun kaban natin pangkampanya niya! 

Pero grabe pa din ang dating niya, sa mga survey ngayon, number 2 na lang siya sa survey pero di kalayo kay Grace. Wala eh pagnakikita at nagpapakita sa lahat ng media at maayos na buildup kahit harapan na ang garapalan, iboboto pa din siya ng tao. Nakakalungkot isipin di ba? At lagi di tayo natututo pag may tumatakbo. Mabuti na lang may ibang tatakbo na handang magsakripisyo para di lang siya manalo! hahaha

Ang gusto ko lang sa kanya? Hmmmmmm isa lang natutunan ko sa kanya..
Yun presensiya niya, may akit o kung baga, influencial nga siya.. Lalo pag nagsalita na siya.. Susunod ang mga tao sa kanya, kahit di fluent sa message. 

Please, marami pwede tumakbo pang next year.. Siyempre secret yun trip ko iboto.. hahaha Iboto na yun iba, wag lang si Binay!

Pero para sa ikakaligtas ng ating bansa, wag iboto ang Binay! 
Walang ginhawa sa buhay pag si Binay!! 


No comments: