Itong pelikula na to ang magbibigay ng ibang storya at mukha sa kanya. Magbabago ang pananaw mo sa kanya.
Grabe, bihira ako manood ng tagalog film na talagang pagkatapos eh pumapalakpak talaga ang tao.. Ganun pala siya kaganda! Napakagaling ng pagkagawa.. At eto yun masasabi kong, Pilipinong historical na pelikula.
Siyempre di naman perpekto ang pelikula, anu pa man, eh isang klasiko eto at sana standard na din sa mga susunod na historical film.
Mungkahi ko sana, kung may eksena sana na pinakita kung paano naging makabayan si Heneral Luna. Kahit pinakita yun pagkabata niya ng kaunti, kaso walang isa eksena na para nagmulat sa kanya para maging Heneral para sa bayan.. Kahit pala eh doctor na siya. At isa pang maliit na mungkahi, sana may mga eksena o pinahaba na eksena na labanan talaga (kaso gagawin ata nila yun kay Goyong). Kahit tama lang yun haba at maaksyon digmaan, aba mas maganda kung mahaba at bakbakan talaga! hehe
Maraming mga sangkap ang pelikulang ito kung bakit napakaganda at napakasulit panoorin.. At klasiko din. Una! Sa wakas, ngayon lang ako nakakita na madugong labanan ng 1898! Grabe, kahit di siya detalyado, eh kung ganun ba naman ang pinapakita, edi mas maganda! Alam ko na violente o madugo, kakadiri din, pero ganun talaga sa labanan.. Giyera to! Kaya nagtataka ako sa ibang nagawa na labanan ng mga ganun panahon na pelikula, di nila magawa ng tama. Siyempre, wag yun Rizal kasi tama lang yun. At tandaan, di ata 100milyones na ginastos, mas mababa pa at mukhang mas mahal di ba? Nakakatuwa yun habang naggiyera, nagkakagulo, nagtatawanan, nagaalisan at higit sa lahat, duguan talaga! Ang di ko makalimutan yun sumabog sa mukha ng character ni Archie. hahaha
Pangalawa, yung musika ginamit, akala ko nung una may maganda tapos may ibang part, ayun tama lang... Pero nung parte pumikit yun mata ni Luna, ayun na.. Ang galing nun musical score, at dapat bigyan puri yun director. Grabe, siya na ang direktor, siya pa gumawa ng music. Galing ng gamit niya ng moonlight sonata! Saka yun mga huling minuto, grabe, napaka epiko. Nagsimula din dun sa parte na nagusap sila ng nanay niya. Sana may pelikula yun pamilya nila.
Pangatlo, magaling yun mga taong likod sa camera. Sa screenplay writer, sa design, producer at siyempre ang direkor! Salamat at may isa pang historical film na pwede nating pakita sa mundo. Saka yun script talaga, tama yun balance na kung baga may mga dialogo na makaluma at yun simpleng dialogo din. At yun nagustuhan ko eh balanse yun sobrang saya at sobrang dramatiko na dialogo. Saka yun pagkaprangka ni Luna, napakalakas ng dating! Dapat may ganun tayong mga naglilingkod na tao. Sana. hehe Unang eksena agad, maganda yun palitan ng salita. Di masyado magulo at nakakaenganyo. At dun ka na makakasunod at matutuwa sa pelikula.
Pangapat! Siyempre, ang mga artista nakalagay dito. Tama yun ginawa nila, basta di kilala or magandang tignan, basta marunong umarte.. Dapat ilagay sa pelikula! Si John Arcilla na Heneral Luna parang Cesar Montano na Rizal. Yun ang tatak niyang role, eto na yun! Magaganda yun role ni John sa mga nakaraan na taon ha. Gaya ng Metro Manila, kahit sandali lang siya dun, may dating yun ginawa niya. Aba lalo eto, walang katapat sa taon na to o sa susunod pa! Lalo na sa kasaysayan.. Iba yun ginawa niya dito. Inangkin niya si Heneral Luna.. Magaling yun mga iba pang artista, gaya ni Nonong Buencamino, Mon Confiado, Joem Bascon, Mylene Dizon, Archie Alemania, Ketchup at marami pang iba. Akalain mo si Bing Pimentel eh nagkaedad na, at yun iba gaya ni Leo Martinez at Epy, lalo na si Epy, kuhang kuha bilang Mabini!
Aabangan mo yun Gregorio Del Pilar na gagampanan ni Paulo Avelino. Kung matutuloy. hehe
Panghuli, yun pagkapresenta ng tema ng pelikula! At eto ang pagkukulang ng ibang pelikula na ganito din ang tema. Dapat simple lang kasi ang pagpupuntahan ng storya. Gaya ng ginawa nila, walang masyadong pag balik tanaw. Kung mayrun man, sinasabi na lang. At deretso na lang sa mga nangyayari sa panahon na yun.. Tuloy tuloy lang ang story at binibigyan importansya ang dapat gawin para sa bayan.. Importante din yun pinapakita ugali ng mga lider noon na napakaparehas sa mga panahon natin.
Tama rin sinabi ng Heneral, masyado pa tayo bata o di pa handa para magpalakad habang may mahigpit na pamumuno. Walang kompromiso o dapat para lagi sa bayan ang ating gagawin kung sa iunlad ng bayan. Sa mga panahon ngayon, parehas na parehas lang pinakikita ng gobyerno natin. Dapat talaga panoorin nila ito kasi para matauhan sila. Wag sila gagaya kay Aguinaldo. hahaha Dalawang karakter ang akin kinaiinisan.. Una si Buencamino na grabe sa mga palusot. Dapat parangalan si Nonong dun di dahil sa ginawa niya, nakayanan niya gawin yun karakter kahit parang malayong kamag anak niya yun mismong role. Ang hirap nun.. Saka si Aguinaldo na talagang di mo alam kung nauto o talagang sinasalba yun sarili niya. Dapat talaga bawal ang batang presidente! hehe
Sana talaga ituloy yun iniisip nilang tatlong parte, pangalawa si Gregorio at yun huli, si Quezon na sundalo pala ng panahon na yun. Si Aguinaldo ang lalabas sa lahat na pelikula na yun. Marami na galit sa kanya dahil sa pelikulang ito. Grabe, di lang isang magaling na bayani pinapatay niya, dalawa pa! Gusto ko si Mabini gawan ng pelikula kasi interesado ako sa istorya niya at dapat si Epy yun. Kahit malamang puro daldalan, may paraan sila para gawin interesado yun pelikula. May mga kakayanan na kung baga.
Nakakaawa yun pagkamatay ni Luna, parehas sila ni Bonifacio. Eh parehas lang naman ang ginagawa nila.. Ang labanan ang mananakop sa dahas dahil yun lang ang tanging paraan..
Grabe, nakakaawa kung paano napatay si Heneral. At sabi nila, medyo binawasan nila yun pagkadetalye paano siya pinatay. PInakita lang nila yun tama, lumaban siya hanggang sa huli.
Maraming pa ring traidor, at mga duwag!
"Bayan o Sarili? Pumili ka!"
No comments:
Post a Comment