Showing posts with label forever. Show all posts
Showing posts with label forever. Show all posts

Monday, February 29, 2016

flashbacks: #EDSAmayforever

Nauuso na walang forever phrase these days.. Kahit love daw walang forever! hehe Kayo naman, may forever pa din! Example na lang, siyempre gaya ng trapik! hahaha Anak ng tinapa, nasubukan ko na ang morning rush sa EDSA! Paano ba ko napadaan ng EDSA?

Hmmmm may pinuntahan kasi ako sa Boni, which alam niyo na. Hehe Just want to check it out kasi nag email eh. Well, dahil nasubukan ko na yun Pasig FX puntang Manda tapos trike, eh naisipan ko gamitin naman yun BEEP card ng MRT na maayos naman. Reloadable kasi.. Pero pag punta ko ng 8:00 am sa MRT EDSA, anak ng tokwang pila, hanggang sa labas!!! Sabi ko, mas matagal pa yun pila na to kaysa sumakay ako MRT! Edi, try another route.. Naisip ko magFX kaso wala naman aabot dun.. Naisip ko bigla magbus! 

Wala ako masakyan na air-con na bus at cubao Ilalim na sign. Naisip ko sumakay na lang na bus basta may boni ibabaw. hehe At ayun naman, nakasakay ako, siyempre sa una tayo muna at tiyaga sa Air-cool na bus. hehe Tapos, eto na, nakaupon na ko at ang journey to trapik begins.. Kamuning pa lang, grabe ang pila ng mga sasakyan. Parang wala ka na malulusutan! Parang mali ata diskarte ko. hehe Tapos siyempre Nepa Q Mart na at napakabagal.. At ayun na, siyempre dahil Cubao Ibabaw, di ko na alam kung aabot ako 9am dun sa boni. Di na ko umaasa. Tingin tingin na lang sa paligid at maka sight seeing nga. hehe Well, grabe, mabuti na lang di ako nagwowork sa mga ganun route, like Ortigas or Manda o kahit Makati na EDSA ang daan? 

MRT grabe pila, tapos EDSA, kailangan maaga ka or daan ka ng maraming shortcut. Kaso pag nag C5 ka, boni serrano pa lang, kala mo prosisyon. Di ka naman pwede mag Nagtahan kasi sa pesteng road works at skyway project.. Wala na, ubos ang oras mo, unproductive time na di naman bayad dahil sa trapik. Kung maaga ka naman aalis, ano naman gagawin mo sa sobrang extra hours na nakapasok ka ng maaga? Nganga na lang? hehe Well, mga 20 mins nasa Aurora ave. Edsa na ko at di pa nakatawid. Good job ang bus. Tapos another 15-20 mins gumagapang yun bus from Aurora, tapos sa Sogo/MRT station hanggang P.Tuazon. From P. Tuazon puntang Boni Serrano mga 15 mins na mabuti na lang ang bus nag flyover dun kasi baka 30 mins na naman kami abutin dun. 

Nakakatawa, after mga time na yun, pag daan sa GH, aba sa right side, I mean Ortigas Ilalim, maluwag na!!! Tama yun estimate ko. hehe Tapos kala ko yun Shaw ibabaw, eh grabe trapik, maraming tao pero mabilis na yun bus puntang Boni. Ayun, 9:30 am na ko nakarating. Kala ko nag LP ako or tagaytay. hahaha Unfortunately, ayun na. Wala din nangyari sa pinuntahan ko pero ok lang. Hahaha I don't want to waste more effort. Anyway, mas mahaba yun abang ko sa Cubao than the meeting itself. 

Anyway, umuwi ako thru MRT at siyempre, mas madali. Ayos di ba.. 

So, ano dapat gawin para di naman Forever ang trapik? Marami dapat gawin ang gobyerno natin pero nasa kanila na lang yan. Grabe, parang wala na silbi ang traffic enforcer, MMDA, kahit maraming tren ang MRT at lalo na yun special lane ng Bus puntang Makati. It's hopeless, at sana nga ginawa ko na lang yun dating route ko kaysa nag EDSA ako. Yun subway naman, sana sa EDSa na lang din ginawa di pa north. hehe Or well, another shortcuts avaialble. Tama nga naman sabi nun mga analysts eh, may great economic growth nga tayo kaso di naman kaya lahat sa NCR at kita naman yun sa EDSA di ba? Kung lahat ng cities may CBD, di naman ganyan ang trapik sa EDSA. Ala naman BGC na napakahirap puntahan, paglabas mo trapik pa. Good job! hahaha 

Well, all not lost sa problem na to at sana yun susunod na presidente natin may concrete solution dito. Sana lang, long term ha.

Ok naman EDSA pag walang trapik, gaya pag Sunday. hehe Kung ganun ba araw araw, aba kahit saan pa work ko at pupunta ako sa south na walang problema, why not di ba?

Kaso for now, parang forever ang trapik dito EDSA. Forever and ever... =(

Monday, November 30, 2015

Crushes: Hirosue Ryoko

Noong nagguest siya sa isang sikat na talk show in Japan, unang tanong ng host.. Talaga bang 30 years old ka na? Malamang ganun din itatanong ko pag nakita ko siya in personal. hahaha Di halata.. Hay.. Hmmm when did I see her first? It's weird pero I saw her sa departures. It is one of the great japanese films ever, at one thing ako nadistract, siya mismo. hehe

Then ayun na, I needed to watch jdrama or eiga with her on it. I understand the qualms of the fans na sometimes, she can't really act or sometimes, the role parang di fit sa kanya. Kahit di ko napanood lahat pero some of the snippets or scenes in some of her shots, yun nga parang nilagay lang siya para gumanda yun show. hehe Great example, ouroboros! Ok lang yun ginawa niya pero marami pang mas bagay na role for a teacher. Yun lang kulang pero eye candy pa din. hahaha

It doesn't mean palpak lahat. hehe Watch siyempre departures, saka Bubble Fiction, tapos parang fave ko yun Key of Life. She looks good at ok yun acting niya sa Zero Focus. Of course, I'll watch more about her sa eiga. Sa jdrama, mahilig siya mag guest ng one episode or cameo pero halos ok naman lahat na jdrama na kasama siya sa main cast except for one jdrama, Seijo. Avoid that jdrama, kahit sobrang ganda niya dun... Wala din. hahaha Sakit lang sa ulo. But seijo is a great example kung gaano siya kaganda, I mean may mga scenes dun na kailangan bata siya, habaan lang yun buhok niya. Pag matanda, iksi lang yun buhok niya, ayun na. Pero di pa din halata na matanda siya. hahaha

Saka yun look na nakangiti siya, at short hair, ay heaven. Hahaha Saka kahit di naman siya mataba, tama lang sa kanya yun figure. Love those eyes and yun dating niya.. Grabe.. What a darling. Anyway, kahit matanda na eh pwede pa din pantapat yun ganda niya sa mga bata.. Pero may mga papalit na sa kanya, such as Goriki, Hirose, Nounen. Sila yun may mga dating na nadadaya ang edad. hahaha 

I hope she'll improve her acting lalo na tumatanda siya at ano pa ba, sana mag mukhang matanda na siya kahit kaunti. hehe Yun lang. Such as lovely face.. Hmmm yun dating niya parang may kilala ako na ganun din in person. Kaso di ko pa siya nakikita in years.. hehe For now..

I still can't believe she's 35, divorced and with 3 kids ata. Wow.. haha 

One of the legendary faces in Japan.. Yes, one of the many who can look so..

Young. Utsukushī....