Noong pauwi kami galing south at dumaan kami sa Lacson sa may UST, napaisip tuloy ako na kung ano nangyari sa PVP liner? Sayang naman yun.. Sa mga di nakakaalam, eto yun bus na isa lang ang biyahe, from UST, deretchong Ayala Ave lang naman! hehe
Grabe, nakakamiss kasi. Nadiscover ko siya nung after college pa. Parang nagiisip ako nun kung ano pang way na madali puntang makati. Kasi kung FX, ok lang siya kaso bago ang rush hours. I mean, punta ka Makati ng 8am na FX? Naku, late ka na. hahaha LRT pwede, kaso pag galing sa amin, sasakay ka pa ng jeep tapos kung rush hour ka pupunta, wala na din. Siksikan ka sa sardinas na LRT.
Well, pwede naman bus from EDSA pero grabe naman ang trapik. Pwede naman FX from Suki kaso hanggang 9am lang sila ng umaga. Kaya napaisip ko ano pa pwede sakyan lalo na pag mga 7am pasok mo or kung gusto mo mga 8am nasa Makati ka na. Accidentally after college, nung nagaapply ako work, eto yun bus na naskyan ko at since then, pag pwede ako dito, sumasakay na agad ako.
PVP was the best alternate way. Pag mga unang biyahe nun, mga 7am, from P.Noval hanggang Makati, kaya pa ng before 8am. Ang daan kasi niya, deretchong Lacson, tapos Nagtahan, tapos kaliwa sa may Quirino/SLEX highway then Buendia na then ikot sa MSE/Paseo de Roxas. Bale tatahakin niya yun halos buong Buendia. Most of the time, it works. Tapos pag aalis ka mga 9am, wala na terminal sa may P.Noval, pupunta ka mismo sa Quiapo church at may terminal sila sa may BPI. Ayun, pag walang trapik sa Taft Ave., doon ang daan nila. Tapos kaliwa sa may St. Scho then Ocampo then Makati ulit. Pag trapik naman sa Taft, bale Quiapo ilalim, then nagtahan.
Ganun ko na kamemorize yun daan nila. hahaha Wag ka! Di lang papuntang Makati ang silbi nito. Eh yun galing Makati ganun din. Start naman ng kuha nila eh sa may MSE/Ayala Ave., tapos ikot sila sa Columns tapos derecho na gaya nun sinabi ko. Sa umaga, lalo na pag galing mga call center, ang daan ng bus, taft eh tapos ang dulo Central or UST.
Masarap sumakay dito pag pauwi na, yun nga lang, tatantsahan mo yun oras. Pag ang uwi mo, before 5pm, dito ang best bus puntang QC. Kasi shortcut na sila sa Nagtahan tapos UST na eh. Pero pag 5pm na, well, sa FX suki market na ko sasakay, yun terminal nila sa MRT Ayala.. Wag ka na umaasa makakasakay ka dito ng rush hour kasi puno. Grabe, gitgitan, shortcut route kasi. hehe Ganun lagi ginagawa ko lalo na yun mga panahon na nagwork pa ko sa Makati.
Oops! Meron pa, the best part, eh yun pamasahe. From UST to Makati or vice versa, parang 25 pesos ata or 22. Tapos pag chino roces lang, eh 15 lang ata. Sulit na sulit! hahaha Di ka na sasakay ng jeep sa makati, kasi lahat ng bus stops, nandun siya saka kaunti na lang lalakarin mo sa mga building na pupuntahan mo. Lalo na sa Makati, excercise pag naligaw ka or ang layo ng lalakarin mo. hehe
What met this great bus their demise? One simple thing. The bus ban sa Manila na kailangan may garahe yun bus company ka bago ka makabiyahe. Well, wala naman silang garahe, kaya nakakalat lang sila. Gaya sa Quiapo terminal nila, ayun nakagarahe sila lagi at kaya minsan sila patrapik. Sa UST na pasikip din sa may P.Noval hanggang Navarra. Simula noon, wala na sila. Wala mang lang comeback. hehe Kaya ngayon pag pupunta Makati, pahirapan, wala na shortcut bus.
Sayang, kasi ngayon, grabe trapik sa Makati lalo na daming ginagawa kalsada at yun Skyway. Kahit yun shortcuts eh wala na. Di kagaya pag PVP, madali mapuno kaya mabilis ang biyahe.
Mabuti na lang, di na ko Makati. hahaha Pero paminsan minsan, I need to go to Makati, kaya hinahanap ko pa din itong bus na to.
Yeah, the company itself parang di naman nawala. May isang fleet pa sila kaso ang biyahe eh from SM southmall to Lawton. Nalaman ko lang eh yun kulay ng Bus ng fleet na to, parehas sa PVP. Iba din pangalan sa mas bago yun bus.
Hay, sayang yun PVP, maganda alternative pa din in these days going to Makati.
What the hell PVP stands for? Parang tubo eh. hehe
Looking back those years, na simple lang ang gaming. You have nintendo, or sega, or Arcade gaming na limang piso ok na! hehe Pag napapadaan ako sa Worlds of Fun or Quantum, grabe, lahat naglalaro, pilahan sa fighting games. Challenge kung baga. Naalala ko pa, lalo na yun nagstart ako maglaro ng console, Atari pa nun.. Unahan ako kina Kuya lagi kasi pagsila naglalaro, no chance in hell pa ang turn mo! hahaha
Tapos nintendo, addict na ko, kahit si Ate Aila nakijoin pa! Lalo na sa Galaga, unahan yan! Dati, bago pumasok, nakauniform pa ng STC, naglalaro ng galaga! hehehe Mario Bros. 3 ako saka Contra at iba pa. May rentahan pa nga dati sa National bookstore nun kaya naaddict ako. SEGA became culprit of my gaming console addiction. I don't know kung bakit in the end ako na lang naglalaro magisa kahit yun gamit tinatago kay Kuya Allan.. Pero grabe, from Sonic, Shinobi, MK tapos nag SEGA CD kami para sa Star Wars! hehe
PS one was the pinnacle of gaming addiction, FF8, Street fighter, Tekken, Metal Gear, at RE. Grabe, never ending noon, addict na ko kasi ako na yun pinatiyatiyaga tapusin yun games tapos ako magkwento kung paano gawin! hahaha Arcade came into the picture noon nasa proj. 7 ako. Not satisfied with the games I have, at kasikatan ng fighting games noon, lalo na nung lumabas yun Marvel Superheroes at Air Combo, ayun na. Maghapon, nandun lang ako sa Muñoz Market para maglaro, kahit gusgusin mga kalaban ko, sa kanila ako natuto. Even KOF, Tekken at Mortal Kombat, isama mo pa yun Killer Instinct. hehe At yun greenhills dati, may eskinita dun na lahat ng latest games mayrun sila lalo na sa arcade.
Hay then PS2 came to cap off my gaming life, Devil May Cry and Metal Gear tapos other games pa. Natigil lang dahil sa PC games and well.. School and career.
Looking back until now, I miss playing those games. As much advance na these days, eh sad to say di na ganun ka hype na. Timezone is full only on weekends or summertime. Same as WOF or Quantum. At kalungkot, puro games na may ticket ang mayrun, less fighting games or other good games. They are now full of basketball, shooting games na wala naman naglalaro kung di si Gerro. hehe Racing games na napakamahal.. Dance games, music as well and picture taking crap. Wow at may fighting games pa din, pero Tekken na lang talaga yun pinipilahan, Street Fighter IV na pero wala naglalaro masyado kung di yun magagaling lang.
There are reasons for such downfall, kahit sa console gaming, napakababa na. I mean, sikat ka pag may xbox 360 or PS2 or 3.. These days. Nah. Reason one, is apps!!!! As the console gaming offer sophistication, other players just want to be playing a game that is simple. Like my Ate, na addict sa Galaga, now Farmville or Youville sa FB which is very simple but addicting. How about me, na wala ko TV but I played plants vs. zombies, temple run and other apps. Being mobile with great gaming apps gives people now pleasure unlike in console na you need to have HDTV, a gaming console, then play. Other people doesn't really stay at home that much anymore. And these or most of the gaming apps are free as long you have a smartphone, tablet or kahit PC lang. For IOS, the one thing I love, it has jailbreak!!! hahahahaha
Second reason is PC gaming! Dati, walang kwenta ang PC console kasi di pa naview na maglaro sa PC tapos ang gagamitin mong control eh ang keyboard at mouse. These days, yun lang ok na! hehe With the arrival of MMORPG, great strategy games such has Command and Conquer, Starcraft, Battle Realms, at ang favorite kong Warcraft! hehe Tapos, other games na nakikita ko sa PC lumalabas, grabe, parang nakakaaddict like Call of Duty, GTA or even DOTA tapos adventure games pa like Diablo. So parang lumalabas eh mas hype na yun PC games unlike sa console games or arcade.
Lastly siguro naisip kong reason eh stagnant growth of console. I mean like arcade games, nothing beyond that unless virtual reality is done which impossible pa in this stage. They've tried it, sa Atari yung may isusuot kang googles tapos parang ikaw yun gagalaw, I didn't work. Play counterstrike na lang. hahahaha As much sobrang maganda yun titles or games sa console can offer, hanggang ganun na lang siya. Wii made it kinda realistic gaming such as tennis at fit games pero more than that. I don't think it can push further. Besides, almost all the titles convert naman nila sa other consoles, XBOX 360 or PC may ganun din title iba lang ang experience. Unlike dati na pag Sonic lang, sa SEGA lang siya, di mo naman makikita sa PS yun. hehe Or Mario, did you ever see a Mario sa PS or SEGA? hehe Siguro ngayon oo, pero those days. Nah!
After watching Wreck it Ralph, kakatuwa yun concept, despite the dude is from old school game eh nagawa nilang bida besides with new skul games like yun Sugar Rush game or yun Hero's Duty.. Well, sana they stay alive. I hope, di siya mawala, thanks to the apps and emulators na nagplay play ng mga old games sa pc, I relive those time that I was a kid playing my hearts to finish a game, no matter what! hehehe Like streets of Rage, akalain mo kung kailan ako tumanda, natapos ko yun Hardest mode na walang daya. Posible pala! hahaha
Those kind of experience, is indeed timeless, whatever gaming console you play now and then. =)