Showing posts with label president. Show all posts
Showing posts with label president. Show all posts

Thursday, April 14, 2016

What If..

(Duterte is our president)

Lintek, minamalas si Miriam. hehe Kung mataas lang survey niya, sure na siya iboboto ko. Kaso ganun talaga. Mabuti na lang, may alternative na pwede iboto! Siyempre, hindi si Binay, Grace at Mar. Duterte na to pre! hahaha Natatawa ako dun sa isang news na may isang FB user na puro hate ang nakuha nung sinabi niya dapat wag si Rody ang iboto. Ayun, para siyang tupa na pinakain sa mga leon. Nilalapa siya ng buhay ng users. Mas marami ang gusto kay Duterte. hehe

Hmmmm I used to have, somewhat a couple of friends living near Davao. Totoo naman ang sinasabi nila, mas safe pa daw ang Davao kaysa sa NCR. Secured ka maglakad at night. Saka sa mga vids and pictures, kita mo naman parang mas maayos dun ha. Makapunta nga minsan. hehe Pero as data shows kahit medyo mataas pa din crime rate, eh para naman yun mga major crimes dun, halos nasolve agad, yun ibang criminal, malas, todas!

Well, isa lang naman ang problema niya sa kin. It's more of his hot temper. Ok yun pag nacocontrol niya, not in public display. Mabuti na lang, nun napamura niya nung pumunta si Pope Francis dito eh napatawad siya. Saka yun, improve PR sana, dapat may nagsasabi sa kanya na be civil you know.. Lalo na sa speeches, unless kung ang setting eh barrio lang or small venue, informal kung baga ok lang. Kaso pag may formal setting or may international press, dapat hinay hinay siya sa pananalita. hehe

Tatlong bagay lang naman ang nagustuhan ko sa kanya.. Una, eh transparent siya. Straight to the point, gaya na lang na inamin niya babaero siya.. Mahina siya sa ibang bagay. Nagkamali siya or kahit yun history niya na abused pala siya.. Aba daig pa niya ko sa blog. Siniwalat niya halos lahat. hahaha Simply honest and transparent. Pangalawa, matapang talaga.. Parang siya lang yun presidente kung papalarin, di niya uurungan lahat ng banta sa kanya. Di gaya na usual na president na isisi niya yun mali sa iba pero pag tama or may maganda siya nagawa, nasa kanya yun credit! Matindi! Kapal ng mukha. hahaha Pero siya, at least di niya swapang yun credit. Saka kahit ayoko yun ginawa niya urong sulong, eh at least, di siya umatras di ba? Hinamon siya, so matapang niya hinaharap!

Ang huli, gaya ni Miriam, may leadership! Aba, natawa ako sa isang nag comment na kalaban niya, nakalimutan ko sino pero kung bakit daw 20 years bago nya napababa yun crime rate ng Davao. Yun daw eh nakakabahala at di mangyayari sa atin. Gusto ko sanang sabihin dun sa ungas na yan, at least, nagawa niya. Saka di naman siguro it took like 20 years na ganun. Kahit sabihin na natin lahat na kasama niya eh kamag anak or barkada ni Duterte kaya niya nagawa yun, aba ibig sabihin, sinusunod siya na gusto niya mangyari. Ang hirap kasi sa mga pulitiko, marami nga tao, di naman siya sinusunod, di pa nagtatanggal! Ano mangyayari sa atin. Kaya leadership yun kailangan natin. At kaya pasunurin ni Duterte ang mga taong nasa paligid niya. I don't know paano niya nagawa yun dati, siguro tinatakot niya.. Pero anong paraan yan, basta importante sumunod at makita resulta agad. Di naman niya babaguhin kung nagwork di ba? 

Kaya yun honesty at tapang niya, good combination yan. Well, kung ako tatanungin, mahirap yun gagawin niya pero di ako magugulat na drastic measures ang gagawin nya. Martial Law, closing the government for true reforms, he will be damn creative to transform the government for the people. Not a government for other people or selected people. Yes, I can see a lot of blood or it will be messy.. But what other options we have? Tandaan niyo, halos lahat naman ng problema ng bansa, naguugat sa corruption. Maayos lang yan or kahit papano mabawasan ng malaki, uunlad na bansa natin na madali. Saka kung pwede charter change na din. hehe Malamang pag siya presidente, yun walang ka kwentang kwenta CHR eh magtratrabaho na para tignan siya lagi! hehe 

Sana si Lacson yun VP para yun 3-6 months time, talagang ubos ang mga criminal, nakasemento pa!!!! 

Dito sa D.Tuazon pero posters ni Digong nandito. Sabi ko baka may chance talaga, lalo na sa mga surveys na lumalabas. Although si Grace ang consistent, pero si Duterte, may mga alas pa yan. Lalo na may ugong na... Hahaha abangan sa eleksyon. Sana ituloy niya nga. 

Kaya sa presidente, Atin to Pre! Duterte! Naks... Libreng endorsement pa from a dork like me. Tunay na pagbabago! 

Ano kaya tawag sa squad niya pag presidente na? =)

Wednesday, March 23, 2016

What if..

(Miriam is our beloved President)


Bakit beloved? Baka siya ang iboto ko.. For now at di ko pa sure. hehe Matagal pa naman yan. Pero first choice ko siya sa mga naunang nag declare na tumakbo.. Kaso malabo naman manalo. One digit lang siya sa survey, tapos, eto may sakit pa siya.. Paano siya mananalo niyan? hehe

Anyway, malay mo may milagro. hahaha Una sa lahat, pag siya presidente, malamang laging may impeachment court sa Senado. hehe Gusto niya na prosecute o kasuhan yun mga kurakot. Malamang pag siya presidente, dahil international lawyer naman siya or Judge, aba yun issue natin sa China, sigurado na panalo natin. 

Isa pa, maiinspire yun mga kabataan dahil sa ngayon, mas nagiging malapit siya sa youth. I don't know how she was able to transform pero naging effective sa image niya. Di lang yun mga hugot lines niya, kung hindi yun mga views niya sa politics at laws na dapat para sa tin lahat. Dahil sa tapang niya, malamang matatakot di lang yun mga criminal, lalo na yun tiwaling opisyal. Siyempre, ala naman ayaw mo masabon ng galit na presidente. hahaha

Isa pa na malaking matutulong niya, eh kung payag siya sa chacha eh alam niya yun mga dapat ayusin saka baguhin di ba? At siyempre susunod yun congress natin to implement. Dahil sa tapang at knowledge, talagang maexecute yun mga orders ng president na walang delay. Di kagaya ng iba na kaibigan na nga yun mga cabinet members, wala pa din nangyayari. Palpak pa din. 

Kaya sana manalo siya. Sana nga, nagsama sila ni Duterte na lang para panalo. hahaha Kaso malabo.. Eto na, sana may pagasa.

Kampante ako sa bansa natin pag ang Presidente natin..

Eating death threats for breakfast.