Showing posts with label secret. Show all posts
Showing posts with label secret. Show all posts

Thursday, November 22, 2012

A Secret Affair


As much I want to write a review for SkyFall but well.. Lets waste sometime to a film that its such a waste of time. hehe 

The only thing I love in this film, yeah, bonding time with Dad. hehe Eh gusto daw niya makapanood ng sine, edi eto na. Yung the mistress pwede ko na pagbigyan due to acting.. Kung baga, hmmm kahit di naman sulit, di naman sayang ang time. Sige magreview naman ako ng film na pinoy, na medyo di masyado maganda. 

But for this one? Oh please.. 

If there is a refund policy in cinemas, eto, hihingi ako! hehe 

Anyway, ok as the story is simple. Rafa (Anne Curtis) got suprised na maeengage siya with Anton (Derek Ramsey) after 2 months in a relationship. Anton is well, kala mo is the ideal dude eh yun lang, may Sam (Andi Eigenmann) on the side. Side bet. hehe Well, Rafa due to the overwhelming response daw sa ginawa ng fiance eh nagbackout ng wedding. She went away, then siyempre nasaktan naman si pareng Anton, kaya ayun, veteran move si Sam at naging well that's the secret affair. 

Rafa got back and decided to give the relationship another chance with Anton. But may pagkaobsessed si Sam, wanting Anton to leave Rafa for her. Anton doesn't want to, then after some revelations at kaunting spy by Rafa eh nalaman na din ang affair ni Anton kay Sam. 

Then yeah, the bickering, fighting, slapping, cursing, tapunan ng shampoo at yun pangtanggal ng kati, I forgot ano pangalan ng lotion na yun.. hehe Realizing, blaming, basagan, balikan tapos sa huli.. There, wala din napala ang couple, Anton and Rafa gave up. Then Sam, realized she shouldn't "love" daw si Anton because bawal nga.. Ayun, they drove away into bliss. Nice cars by the way.

We went home ni Dad. hehe 

Ah geez, all those things I said were enough proof that the story was bad. By the way, give credit to the special participation of Nina, na after singing eh one liner lang. Tapos Tim Yap, well, talagang party master ha, at yeah, chismoso, good cameo este participation pala. hehe Ah how about Jaycee Parker! Mas ok pa yun ginawa niya sa Asiong kahit sandali lang siya, kaysa dito. Anak ng tinapa, yun famous line Jacklyn Jose dun pala.. I really laughed at that scene. hehe

Its really what can I say, a great marketing movie to sell.. Wow.. Ah there were a lot of holes, or even yes, acting flaws. Ika nga ni Dad, pangsosyal yun movie. Paano ba naman, parang walang mahirap sa buhay nila, sobrang yaman ng lahat ng characters. At yun nga, english halos ang dialogue, isama mo pa si Andi Jose este Andi Eigenmann. hehe Well, I hope she improves her english skills, sayang.. Face, angles and yeah, I like her than Anne in terms of physical prowess. hehe Pero sad to say, eto yun tipong kailangan may dala kang scotch tape pagkasama mo siya. Magtagalog na lang siya at mas mabuti pa sa kanya. I like her character though, but its just shallow.

Well, siyempre don't forget Anne na yeah, kahit mas gusto ko yun figure niya dati na medyo mataba, kaso sa pilates and yoga, sobra naman payat. Pero maganda pa din siya. No doubt about that. Ah yeah, kung nagenglish siya, sana Aussie slang na di ba. Parang nawala na ata yun accent niya. Her acting well, I don't know. It's more of a confused one, confused na character niya, lalo na si Anne. Derek well, like Anne, brit accent na lang sana din, maybe he lost that na din. Sayang yun character niya, but it's not fit for him. Geez, ah.. Give credit to them for being looked nice on screen. Yun lang siguro. Ah so I forgot, I read over some reports na hirap si Andi with this movie. I don't think so, she didn't even show some skin, so I don't know yun kinaiyak niya dito. hehe

Ok, other than giving them credit in some parts, I hope they fixed the..

Casting, since nandiyan naman si Jacklyn Jose, aba sana sila na lang ni Andi ang mag ina tapos yun role ni Andi yun kay Anne, I think medyo ok yun film nun. Anne yeah is the bad girl, kaso ayaw niya ata kahit ganun ata role niya sa No Other Women which I don't have plans to watch it. Derek, hmmmm well, since R13, no choice, more acting and timing sa sad scenes, for the love scenes, hanggang dun lang. hehe Sana naman di sa construction site ang well.. hehe Mayaman naman sila, di kaya sa hotel or well condo. 

The film, if they really want na maganda, aba eh todo na ang murahan or sampalan and yes, love scenes. Viva is known before na alam na! R18. hehe Childhood days.. Kung si Quark or Erik Matti to, malamang maraming action mangyayari sa tatlong to! hehe At yes, dapat aarte naman sila kahit sexy ang flick. But since well you cannot do that sa pampered and protected stars ng film, the rating and with that love triangle concept, they don't care for art or anything will change the view of a simple movie goer. Mabuti pa yun mga veteran supporting cast ng film, dun pa ko natuwa eh. Sinusulit ang screen time. hehe Indie na lang talaga ang hope when it comes to great pinoy flicks. Hay.. 

I'll give credit sa cinematography because of the good close up shots. Except for the slow motion scenes which I don't think needed. 

I can't imagine this flick earned enough that Anne, Derek, and Andi can buy their own cooper, mercedes, and better than mazda 6. Ganun talaga ang tao, madala sa star studded cast, hysterical scenes and don't forget, the lines that I can't forget because I laughed. hehe 

Damn, after makita ko yun trailer nung nandito si Igz, I cannot believe I'll watch this.. 

Sa sobrang bad trip ko ata, di ko akalain mahaba sinulat ko dito. It wasted my time. hahahaha

I thought Dad want also to watch suddenly it's magic ba yun.. Ah may taste si Dad, ayaw niya ng ganun. hehe 

Mabuti naman.

Tiktik kaya? 

Ah pinoy film of the year? Bias ako eh, Ang Nawawala. =)

Saturday, July 26, 2008

sikreto

hay, pagkatapos ng dalawang araw na pagalis sa bahay at maglasing ng kaunti at maglaro ng magic, nandito na ulit ako.. hehe ano bang bago.. hmmm marami!! pero di naman un nakakagulat.. nung biyernes, pumunta ako sa Loyola para kay Prong.. tapos nung, deretcho ako sa renewal ng Driver's license sa may LTO.. sa may MRT, Farmer's plaza un.. kala ko nga noong una, wala pero nahanap ko din.. ok naman kasi malamig na, mabilis pa!! kahit isa't kalahating oras ako naghintay, eh malamig naman saka nasa Mall naman.. kaysa naman sa east avenue or sa malapit sa min, magulo saka mainit.. nakuha ko agad un lisensya, at dapat pala itago na ang resibo ngayon.. mga 1pm nakauwi ako bahay at natulog ng sandali..

tapos noon.. may pinuntahan ako sandali.. mukhang ok naman nun binisita ko siya.. kaso di kami nakaalis.. hehe ang saya!! haha tapos, umuwi muna ako sa bahay para iwan un dalang dala kong malaking payong.. deretcho sa gateway para ma meet ko naman si Raims.. classmate and friend from college.. para manood ng gig!! bago pumunta sa club dredd, pumunta muna kami sa after hours show ng gateway.. ang unang nakita namin eh fast pitch ata.. ayun, nagkakalat.. hehe tapos ang inaabangan pala ni Raims, eh un urbandub.. na di ko trip eh.. hehe emo nga sila, pero un kanta lang.. puro english.. maarte.. pero may isang kanta ako na natripan ko.. ung evidence ata ang name.. ok naman..kaso mga sawi at un mga members nila.. puro sawi sa pag ibig ang topic ng kanta nila.. hehehe pero sorry, di na ko sa kalagayan na yan.. tapos na..

so pagkatapos ng urban dub, na dumami lalo ang tao, nag jeep kami papuntang eastwood.. at deretcho sa Club dredd.. nagulat nga ko na dun lang pala un, kala ko rin sarado na siya, pero bukas pala.. at napakaliit.. grabe.. hehe matagal na rin di pa ko nakakapanood ng gig.. pero eto iba, kasi tatlong banda un mapapanood namin nina Raims.. medyo bangag pa ko ng lagay na yun kasi napagod ako sa pinuntahan ko, pero ok naman.. hehe tapos nagset set na un bandang Sandwich.. di ko alam nung mga title ng kinanta nila.. pero ok din, sayang nga kung maganda lang un camera phone ko.. edi sana nakakuha ako ng picture nila.. mainit nga lang sa dredd, malakas ang air con ha.. malamig pero kubon naman, yosi ng yosi mga tao dun.. buti na lang hindi ako nagyoyosi..

Sandwich.. kahit di ko alam un title nung mga kinanta nila, magaling saka si Raymond, un lead singer nila.. hayop!! ang galing!! ang nabilib ako sa bandang yun, eh kumanta sila ng damaged goods ha.. kuhang kuha.. tapos noon, kumanta sila ng just like heaven ng the cure.. ang galing!!! ang tantsa ko nga, sulit na nga un binayad namin.. pero may dalawang banda pa.. hehe

Razorback.. kaya pala maraming tao, dahil sa bandang to.. naalala ko nga.. noong grade 6 kami sa LSQC, may gig sa min, di pa sikat ang parokya ni edgar.. at ang huling nag perform eh Razorback.. di ko pa alam kung ano kanta nila at sino sino sila.. 12 years later.. un na, nakita ko na ng malapitan.. at mga puti pala sila.. foreigner halos lahat.. tapos nagsisigawan na un mga tao kahit di pa sila kumakanta.. ganun na pala sila katindi.. hehe so ganun.. tapos nagpakilala na ang mga ungas.. nagwawala na lahat nun nagsimula na sila!!! whoa.. iba un dating ng Razorback.. sarap nga uminom habang kumakanta sila.. bale strong ice un kinuha ko sa consumable na binayad namin.. 3 bale un, kaso isa lang ininom ko.. hehe grabe un Razorback, kahit di ko alam un kanta nila.. magaling sila, sa dalawang gitara, un drummer, bassist at siyempre un vocalist.. kaya pala kaya nila maglaro ng led zep!! eh sobrang galing nila eh.. kahit di nila kinanta un payaso.. ok lang.. sobrang sulit na kasi ang haba nung mga kanta nila tapos ang kulit pa nung vocalist.. hehe galing, grabe.. wala na ko masabi!! sarap manood ulit ng razorback!! hehe

Chico Sci.. well, kala namin pangalawa sila pero nung natapos ang Razorback, biglang kumaunti yung tao.. so ibig sabihin, Razorback lang pinunta nung mga tao.. so nakaupo na kami.. ganun kakaunti ang tao.. kumuha na din ako nung libreng california drink handog ng cosack vodka.. ika nung vocalist ng Razorback, sobrang ibang lipad to pare.. hehe kaya pala, un si Raims.. inubos ung isang pitchel ng cosack.. patay na!! hehe wala na ko tiwala sa Cossack.. bakit naman napunta sa Cossack un usapan.. kasi wala naman talaga kuwenta un Chico Sci.. sabi ko pa naman kay Raims bago kami pumunta.. ok un band list kasi sa Sandwich, Chico Sci at Razorback.. pero kung tutuusin, mas nasiyahan pa ko sa Urbandub kaysa sa Chico Sci.. walang kakwenta kwenta.. sobrang nagkalat.. pati un bizarre love triangle, binastos pa.. buti di na nanood un New Order sa harap nila, kundi nabugbog sila. what a bloody mess.. hehe kinanta nga nila un paris, sa dulo naman wala na ko maintindihan.. hehe so pagkatapos ng gig na masasabing kong sulit eh naglalakad kami ni Raims.. medyo may tama ata.. hehe pero seriously, naguusap kami since 1 year na kami di nagkita.. tapos alam ko na medyo hirap din siya sa sitwasyon niya.. letche kasi un friend niya, magulo.. hehe

kumain kami sa Cab.. 10 inches lang na NY finest.. hehe pero un na.. talagang seryosong usapan nangyari kasi tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at nang iba diyan.. hehe di ko na ilalagay kung anu man yun.. basta nakakatuwa at sana natulungan ko siya sa mga sinabi ko.. Raims, kaya mo yan!!! nood tayo ulit ng gig.. hehe pero may nalaman ako na matindi talaga.. grabe, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko.. ayoko ko na nga sabihin pa.. basta.. hay, ayoko ko pa magtago na maiitim na sekreto ha.. hehe tama na.. may iba diyan, basta.. hay, responsibilidad na huwag itago..

at, siyempre, 4am na kami nakauwi.. wala naman ako tama, ewan ko kay Raims.. hehe sorry dude.. sana ok ka.. Sabado? eto lang masasabi ko, malakas ang mga nabuo kong deck.. sulit.. hehe pano pa kaya pag nakumpleto ko pa? hehe pero di pa rin ako nakakalaro sa labas.. gusto ko na isabak un type 2 ko!!! hehe sorry kina Nick and Ron.. hehe

Linggo.. eto, umuulan.. bad trip, di ako makapunta kay Dad.. di ko akalain ganito lalakas ang ulan.. eto.. mukhang ang Uste, matatalo lang sa ADU.. bahala nga sila sa buhay nila.. hehe oo nga pala.. happy birthday kay Kuya Alpro.. kaya napahaba un blog ko kasi nagdown download ng mga fave MTV niya.. mga hip hop video.. hehe sana magustuhan niya.. at sana, tuloy tuloy na to.. ung sa trabaho, kailangan makabawi at sa pagbisita ko.. sana maulit muli.. haha sige, hanggang dito na lang muna ko.. magandang linggo!!