Wednesday, October 21, 2015

Jdorama: Dragonzakura

May lawyer na hinahanap na skul, tapos ayun, parang liquidation lawyer para siya. Nananakot na ipapasara yun skul pag walang nagbago! Paano naman magbabago yun skul, puro tapunan ng mga magugulo, pasaway na estudyante! 

Well not all hope lost naman, nagsuggest si lawyer na pagnakapasa na student sa Todai (parang UP sa japan) malamang di daw mapapasara ang skul! Dun na nagsimula ang story.. At paano niya sisimulan kung walang gusto na estudyante sumali sa special remidial class niya. hehe

Siyempre, di naman ako mahilig sa jdrama high school shows. Eh, ang alam ko lang GTO and Gokusen. Other shows eh para naman puro pacute and like the other formats ng korean or chinese.. Kakaumay pero nagiba yun nung napanood ko to.

 Una nagustuhan ko dito, eh unlike other high school shows, na puro cute or love story... Eto may love story pero hanggang date lang. hehe I mean mas focus sila sa life lesson and goal setting. Kaya yun GTO and Gakusen maganda kasi iba focus eh. More about enjoying skul with sensei.. Eto naman, kahit pariwara ang buhay mo, basta may goal ka, aayos din yun ang buhay high school. Galing na motivation ginamit dito ni Kenji sensei, kahit harsh at sarcastic eh tumino yun mga nasa review class niya!

Second, maganda yun mga episodes, lahat ng episodes may saysay. Bihira lang yun series na lahat ng episodes maayos. Usually, in a series, may 1 or 2 episodes parang sayang lang. Iba na siyempre pag lahat ng episodes sa series walang kwenta. Wag mo na lang panoorin di ba? hehe Dito, from one to 11, ok yun episodes, walang dull moment or episode at balanced yun drama at masaya. Kahit imposible yun goal, aba pinakita kung paano pwede mangyari. Nakakatawa yun development nung storya saka paano yung  methods para gumaling yun mga estudyante. Hanggang sa last episode, may suspense saka galing nung ending! Well, kahit di masyado masaya, tama lang at panalo!

Saka yun huling favorite ko part.. Grabe ang cast! Parang all star cast.. hehe Well, kahit di star yun mga guests, pero grabe naman yun main cast.. Abe Hiroshi, tapos Gakky, at siyempre ang pinaka favorite ko, Nagasawa Masami! Hay, minsan, basta may scene si Masami san, focused ako. haha Edi lalo na this series.. Panay rewind ko basta scene ni Masami san! Ah, don't forget si Yamashita Tomohisa, Saeko (ex ni Darvish Yu) at Hasegawa Kyoko, another, ehem.. Beauty!

Abe Hiroshi, grabe galing niya dito, nakakabwisit siyang lead character pero sa huli, mapapabilib ka niya. Sakto talaga sa kanya yun character. Yun dating niya perfect para kay Kenji. 

Sa sobrang panalo ng cast, pag pinanood mo sila today, parang kaya pa din nila yun role na yun. Paano ba naman, eh mukhang di naman sila tumanda eh! After what, 9 years? hahaha Kahit si Gakky ata, kaya para rin yun role niya dito. Saka special mention yun filipina bar part. hahaha Nagtatagalog talaga di ba. Well, di naman  nakakaoffend pero at least, sikat tayo. hehe

Ah, the only flaw lang, sana naisingit nila yun love story ni Yusuke at Naomi, (Tomohisa at Masami).. Kahit ayoko, pero parang mas gaganda yun series kung napasok yun kaunti love story. Kaso wala eh, bitin.. Ganda sana yun love team na yun. Kahit may mga hints na gusto nila isa't isa, sana naman tinuloy na sa series. Kaso ganun talaga, kulang ang 11 episodes. haha
Ah bakit Dragonzakura? Astig ng title noh? 

Pangalan ng sakura tree tinanim nila sa labas ng campus. Yun lang. Pero malaking bagay yun sa kanila, symbol kung baga. haha 

Better watch it na lang! 

Di ko pinapansin si Masami dati, pero dito na ata nagstart... Parang siya yun 

Dragonzakura!

broken lines (collection 57)

Future!
As I finished my lunch, I'm now seeing the future..
Two persons that I might need to look after.
Two persons I'll spend my days staring..
A very optimistic role!

Future?
I realized such event, my spirit sat down and sigh..
I felt this will be difficult and insurmountable high..
I ended up staring in the middle space of these people.
A situation that has all the odds. 

Future.
I'm sort of lost as I plan or look ahead of this,
I don't know where to start or how can I live from here..
My stare became bigger and pulls me back in my chair!
A bleak one ahead.

Future..
I thought of giving up now and not looking forward.
I see that it's not worth to do it.
But on the second stare, I felt love from these two people..
A dark road with a light at the end of it. 

Saturday, October 10, 2015

unplanned 66

Hay, sana may replay yun Amachan pag weekend. Para makita nga kung may effort yun pagdub nila. Parang di naman nila tinutupad yun usapan ng TV5 sa NHK, na dapat may replay everyday! hehe Tuloy, tiyaga na lang ako sa stock ko.

Matagal na ko di nagmamadali ng sulat. Yun feel the rush kung baga! hahaha Parang college ba, pag may project na kailangan tapusin, yun tipong next day na ang submission! hehe Pero ayun, di ko na nararanasan yun. Wala na kasi pesteng prof!

Ayos, walang topak ang computer ko! For the past days, di na nagloloko at nakuha ko na din yun mga programs na di magpapaloko ng computer. Kaso siyempre, iba din ang orig.

Sayang talaga yun Gilas! Letche China to, gusto lahat na sa kanila! Kala nila madali olympics, gusto ko makita tambak ng 50 sa isang game niyan. hahaha Ok na si Tab, gusto kun style niya. Dapat bigyan siya ng magandang lineup! Di gaya nung ibang coach diyan. hahaha

UST!! Second round na, well, pagbigyan nga yun DLSU bukas! hehe Anak ng tinapa, malapit na yun NBA! Napanood ko kanina yun preview ng Clippers, letche napakalakas na team. Pinaka wild card na magchampion sila, lalo pag ok ang chemistry nila.. Pag hindi, naku walang kwenta!

Hay, tapos na ang medyo panget na season for jdrama. Ayos, mukhang maganda ang mga shows for this coming season, lalo na may Prison School live action!!! Mamouru Asana!!!! Nyak!!! hahaha Perfect role!!!!

Bad trip, dami ko namiss na lakad last week.. Iba talaga pag nagaayos ng computer ng matagal. First time to, grabe... Dahil walang pera at other tutor or help, self fix na lang!!! hahaha Trial and error at kaunti dasal, eto na.. Ok na ang computer ko. hehe Kaya I'm very optimistic about purchasing orig.
Work? Hmmmm basta masasabi ko, mabuti na lang at malapit, not bad to start over, pero di din magtatagal, lalo pag bad tripan na... Alam na. Honestly, it was hard to do all in a flash. Sacrifices, sadness or even despair. Well, for this year, as they said about that those who born in the year of the boar have the best luck. Or better year than other chinese zodiac.

After fruitless months and felt I'm still here..

That prophecy is becoming true... I'm kinda lucky!

Heneral Luna

Tamang tama pala ang naisulat ko sa ibang pahina.. Bago pala tayo sakupin ng mga Amerikano eh, may isang Heneral ang di pumayag nang pananakop. Ito'y si Heneral Luna! Sa mga klase sa Sibika o Hekasi, naalala ko, di siya masyado kilala. Parang sinasama lang sa listahan ng mga bayani.

Itong pelikula na to ang magbibigay ng ibang storya at mukha sa kanya. Magbabago ang pananaw mo sa kanya.

Grabe, bihira ako manood ng tagalog film na talagang pagkatapos eh pumapalakpak talaga ang tao.. Ganun pala siya kaganda! Napakagaling ng pagkagawa.. At eto yun masasabi kong, Pilipinong historical na pelikula. 
Siyempre di naman perpekto ang pelikula, anu pa man, eh isang klasiko eto at sana standard na din sa mga susunod na historical film. 

Mungkahi ko sana, kung may eksena sana na pinakita kung paano naging makabayan si Heneral Luna. Kahit pinakita yun pagkabata niya ng kaunti, kaso walang isa eksena na para nagmulat sa kanya para maging Heneral para sa bayan.. Kahit pala eh doctor na siya. At isa pang maliit na mungkahi, sana may mga eksena o pinahaba na eksena na labanan talaga (kaso gagawin ata nila yun kay Goyong). Kahit tama lang yun haba at maaksyon digmaan, aba mas maganda kung mahaba at bakbakan talaga! hehe

Maraming mga sangkap ang pelikulang ito kung bakit napakaganda at napakasulit panoorin.. At klasiko din. Una! Sa wakas, ngayon lang ako nakakita na madugong labanan ng 1898! Grabe, kahit di siya detalyado, eh kung ganun ba naman ang pinapakita, edi mas maganda! Alam ko na violente o madugo, kakadiri din, pero ganun talaga sa labanan.. Giyera to! Kaya nagtataka ako sa ibang nagawa na labanan ng mga ganun panahon na pelikula, di nila magawa ng tama. Siyempre, wag yun Rizal kasi tama lang yun. At tandaan, di ata 100milyones na ginastos, mas mababa pa at mukhang mas mahal di ba? Nakakatuwa yun habang naggiyera, nagkakagulo, nagtatawanan, nagaalisan at higit sa lahat, duguan talaga! Ang di ko makalimutan yun sumabog sa mukha ng character ni Archie. hahaha

Pangalawa, yung musika ginamit, akala ko nung una may maganda tapos may ibang part, ayun tama lang... Pero nung parte pumikit yun mata ni Luna, ayun na.. Ang galing nun musical score, at dapat bigyan puri yun director. Grabe, siya na ang direktor, siya pa gumawa ng music. Galing ng gamit niya ng moonlight sonata! Saka yun mga huling minuto, grabe, napaka epiko. Nagsimula din dun sa parte na nagusap sila ng nanay niya. Sana may pelikula yun pamilya nila.

Pangatlo, magaling yun mga taong likod sa camera. Sa screenplay writer, sa design, producer at siyempre ang direkor! Salamat at may isa pang historical film na pwede nating pakita sa mundo. Saka yun script talaga, tama yun balance na kung baga may mga dialogo na makaluma at yun simpleng dialogo din. At yun nagustuhan ko eh balanse yun sobrang saya at sobrang dramatiko na dialogo. Saka yun pagkaprangka ni Luna, napakalakas ng dating! Dapat may ganun tayong mga naglilingkod na tao. Sana. hehe Unang eksena agad, maganda yun palitan ng salita. Di masyado magulo at nakakaenganyo. At dun ka na makakasunod at matutuwa sa pelikula. 

Pangapat! Siyempre, ang mga artista nakalagay dito. Tama yun ginawa nila, basta di kilala or magandang tignan, basta marunong umarte.. Dapat ilagay sa pelikula! Si John Arcilla na Heneral Luna parang Cesar Montano na Rizal. Yun ang tatak niyang role, eto na yun! Magaganda yun role ni John sa mga nakaraan na taon ha. Gaya ng Metro Manila, kahit sandali lang siya dun, may dating yun ginawa niya. Aba lalo eto, walang katapat sa taon na to o sa susunod pa! Lalo na sa kasaysayan.. Iba yun ginawa niya dito. Inangkin niya si Heneral Luna.. Magaling yun mga iba pang artista, gaya ni Nonong Buencamino, Mon Confiado, Joem Bascon, Mylene Dizon, Archie Alemania, Ketchup at marami pang iba. Akalain mo si Bing Pimentel eh nagkaedad na, at yun iba gaya ni Leo Martinez at Epy, lalo na si Epy, kuhang kuha bilang Mabini!
Aabangan mo yun Gregorio Del Pilar na gagampanan ni Paulo Avelino. Kung matutuloy. hehe 

Panghuli, yun pagkapresenta ng tema ng pelikula! At eto ang pagkukulang ng ibang pelikula na ganito din ang tema. Dapat simple lang kasi ang pagpupuntahan ng storya. Gaya ng ginawa nila, walang masyadong pag balik tanaw. Kung mayrun man, sinasabi na lang. At deretso na lang sa mga nangyayari sa panahon na yun.. Tuloy tuloy lang ang story at binibigyan importansya ang dapat gawin para sa bayan.. Importante din yun pinapakita ugali ng mga lider noon na napakaparehas sa mga panahon natin. 

Tama rin sinabi ng Heneral, masyado pa tayo bata o di pa handa para magpalakad habang may mahigpit na pamumuno. Walang kompromiso o dapat para lagi sa bayan ang ating gagawin kung sa iunlad ng bayan. Sa mga panahon ngayon, parehas na parehas lang pinakikita ng gobyerno natin. Dapat talaga panoorin nila ito kasi para matauhan sila. Wag sila gagaya kay Aguinaldo. hahaha Dalawang karakter ang akin kinaiinisan.. Una si Buencamino na grabe sa mga palusot. Dapat parangalan si Nonong dun di dahil sa ginawa niya, nakayanan niya gawin yun karakter kahit parang malayong kamag anak niya yun mismong role. Ang hirap nun.. Saka si Aguinaldo na talagang di mo alam kung nauto o talagang sinasalba yun sarili niya. Dapat talaga bawal ang batang presidente! hehe 

Sana talaga ituloy yun iniisip nilang tatlong parte, pangalawa si Gregorio at yun huli, si Quezon na sundalo pala ng panahon na yun. Si Aguinaldo ang lalabas sa lahat na pelikula na yun. Marami na galit sa kanya dahil sa pelikulang ito. Grabe, di lang isang magaling na bayani pinapatay niya, dalawa pa! Gusto ko si Mabini gawan ng pelikula kasi interesado ako sa istorya niya at dapat si Epy yun. Kahit malamang puro daldalan, may paraan sila para gawin interesado yun pelikula. May mga kakayanan na kung baga.

Nakakaawa yun pagkamatay ni Luna, parehas sila ni Bonifacio. Eh parehas lang naman ang ginagawa nila.. Ang labanan ang mananakop sa dahas dahil yun lang ang tanging paraan..

Grabe, nakakaawa kung paano napatay si Heneral. At sabi nila, medyo binawasan nila yun pagkadetalye paano siya pinatay. PInakita lang nila yun tama, lumaban siya hanggang sa huli. 

Maraming pa ring traidor, at mga duwag!

"Bayan o Sarili? Pumili ka!"

Boruto: Naruto the movie

I haven't watched a naruto episode after well, naruto shippudden, so many years ago. I like the series but what turned me off at that time was the long battle sequences and it's turning like DBZ syndrome. Too long and exhausting. Except for one piece! hehehe

However, years later and after that news finally the series has ended. I kinda decided to look back and see what happened to this series. Most surprisingly, it released two more anime films! I saw the Naruto the last movie, but only some snippets. I can say, that's the Naruto I want to be, more serious and light fun and also, direct to the point story.

Now at this new movie, I gave this a chance for two reasons alone. First, half the price discount! I love the epass movie card. hehe Another thing, I'm interested in the new story, like the new generation of ninjas in the story like the titular character above. 

Four things I love this anime, first the film was made for the fans. I was kinda surprised with the reception of the fans roaring, especially at those big fight scenes of Naruto and Sasuke. That reaction alone shows how they love the film. I also like they simplify the story, although I want to see what happened to other characters.. The film moved forward and focus in the new blood. 

Second thing, I loved how the older characters matured like Naruto and others. I'm surprised that the love teams from the start of Naruto really end up as couples. I am smiling at Naruto's character that he's serious than ever and of course stronger. Sasuke despite that cool one handed ninja stance, he kept that personality and became of course friends and becoming a teacher now. Other characters, got older but likeable. I wish the other characters showed up like the old Hokages. I love the new characters, and they are scary stronger. I know Boruto is really strong, especially on what he shown here but I'm interested with Sarada. She is smarter and thinks ahead plus the combination of her parents skills. Damn.. That's one of hell lady! 

Third thing, the animation here although not very detailed but it was clean and not rushed. It's consistent all through out the film and the big fight scenes, rocks! Damn because of those fight scenes, I want to start and finish Naruto. hehe 

Last thing, the future of the story. I mean, with the great kids shown up in this film, the creator can easily think of great stories about it moving forward! He can do a love story between Sarada and Boruto in the future or how Boruto grows to be like his father. I can say that Boruto will be stronger but he'll not be like a hokage because simply he doesn't want to. This storyline has a lot of great potential to be a hit again but since the creator wants to take a rest.. Then, he needs to rest. hehe

Two minor flaws, one is the villain which I hope they created a different villain. Absorbing the techniques and just throwing back? I think the creator kinda rushed creating the villains for this film. 

One more thing, I hope it shows more screen time how Naruto taking care his family until Boruto grows up in this film. I know that gap can be skipped but if they inserted that part in a gist or alot some time to it, then this film will be memorable. I mean it's a waste that Hinata speak less in this film as a great mom. She's known to be quiet and in this film, spoke some lines so it's sad and it's interesting how Naruto's own family to become like that. 

I hope that gap have added in this film, at least 15-20 mins. 

This film serves a great foundation for future series or films on what they are planning. It's evident that if they push through with this arc, then it's a great start to have Naruto's presence and story end.

His story ends and a great story starts, that will be under Boruto.

Another flaw, Boruto sounds like food. Burrito! hehe Damn, he should have a different name!

Hmmmm like Danda Rin! hahaha Kidding. Sorry, I just watched that insane jdrama. I can't stop thinking that series, don't know why. Anyway.. 

Boruto is both nice and scary name.  

Eye of the Beholder

Hay sarap ng Purefoods corned beef with rice na pang lunch! Tapos may libreng DQ. Kala ko blizzard kaso, dilly bar lang! hehe Sarap humiga sa lazy boy in this sleeping quarters. Sana may wifi naman.. Naka angat pala yun blinds, sarap titigan yun labas. EDSA, walang trapik ng lunch time. Sabagay pag trapik pa yun, iba na to!

Mabuti na lang iba na yun sked ko. Tama na yun 4:45am, ang hirap gumising ng umaga. Iba pala pag 7am na pasok tapos malapit sa bahay, at pag lunch, eto, maluwag ang sleeping quarters. Yun MRT, wala na pag asa, mabagal at maraming tao sa tren.

Pag tinignan ko yun ibaba, daming kotse nakapark, yun tao wala masyado. Pero naisip ko sa likod na building, maraming tao sa yosihan. Lunch time pa. Gusto ko matulog kahit 15 mins lang.. Kahit gusto ko lang magisip at makahiga lang, talagang nakakatulog ako sa lazy boy chair na to. Sarap kasi. Tanggal stress at pampalakas para sa mga nalalabing oras na shift. Sarap siguro pag may ganito ka silya tapos may projector ka sa kwarto at nanood ng film sa pader!!! Hay!!! Wala nang labasan ng kwarto yun, popcorn na lang! hahaha Nood na lang ng Realm in the Senses in big screen! hehe Sorry, 2001 pala dapat.

Habang nakatitig ako sa gilid ko sa kaliwa, parang napapapikit na ko. Lalo kung malamig at nakakaantok na.. Yun mga ibang iniisip ko, nawawala unti unti. Biglang tulog!

Nagulat na lang ako nagvibrate yun alarm ko. Angat ng kaunti, pagtingin ko sa bintana, aba, umuulan na. Angat muna ng kaunti para iwas hilo..

Tayo na ko, isip na lang ako kung kailangan yun payong ko mamaya paguwi!

Hay, habang nagsusulat ako nito, ganda tignan ni Kurashina Kana sa Welkame! Magandang pampatulog mamaya.

Wednesday, October 7, 2015

Tomasino Noon, Tomasino Ngayon, Sino?

Noon..

Koboy lahat ng estudyante, walang paclass at nakikisama sa gulo, tawanan at lokohan. At siyempre sa hirap din lalo na sa mga assignments. hehe Magugulat ka na lang, big time na pala ng kaklase mo. haha

Ngayon..

Sa suot pa lang saka mga dating ng mga estudyante ngayon, parang may mga maarte na at choosy. Baka mali ako pero sa ilang beses na ko dumaan ng USTe, parang feeling conio na. Iba talaga.. Parang kanya kanya na. It's sad.. =(

Noon..

Mabubuhay ka na pag budget ang baon mo. 100 a day, may pang laro ka ng bilyar at computer! hehehe O minsan, baka umabot pa sa pang inom! haha Saka dahil sama sama kayo, minsan malayo naabot ng baon mo! 

Ngayon..

Kung malapit bahay mo, 100 na baon mo, malamang kulang! hahaha Inflation naman kasi saka grabe yun mga tambayan sa Dapitan, parang ang mura na lang ata yun tindahan ng mani, at yosi! hehe Nawala pa yun coop canteen! Bwisit!

Noon..
Inaabangan yun paskuhan! Saka siyempre after ng paskuhan, kanyang kanya gimik na! Sa min naman, nagbenta kasi kami para sa class corpo. hehe Pero naenjoy naman ang paskuhan sa 4 na taon.. 
Ngayon..
Parang wala na ingay yun Paskuhan, saka wala lang.. Huli punta ko na grand event eh 400 years celebration ng USTe. Yun lang. hahaha

Noon..

Sa BA pa lang, napakaraming subject ang di masaya, at dagdagan mo  pa ng mga prof na pahirap ang pinapagawa! Bwisit talaga. haha Sa other courses, parang siniksik nila yun ibang subject para sa isang course, gaya ng COA di ba? Parang mas mahirap ata mag aral nun, siyempre ang mahal ng internet. hehe
Ngayon..

Buenas ng mga BA students, may pagpipilian na sila ng specialization, at yun ibang courses marami na din sa ibang colleges. Saka siyempre, mas madali ngayon magresearch, mura net eh.. Di kagaya dati, pipila pa ko sa library para sa internet! 

Noon..

Tutuusin, simple lang ang dating ng USTe pero nostalgic.. Kung baga, kaunti buildings tapos lalabas ka ng campus para sa bisyo mo or ibang trip, ehem gaya ng Tapsi! hehe Pero marami ka mapupuntahan na open spaces at kaunti lang ang building. 

Ngayon..

Parang football field na lang ang open space ha. Yun tinoko park binago parang pinaliit pa. Yun coop tinanggal at well naging open space for sculptures. Ah, isama pa yun harap ng main building, dating europe! hahaha Pero matindi sa lahat, yun hospital! Grabe, parang di mo na kailangan lumabas ng USTe, except kung kailangan mo magyosi. hehe Pero infairness ang walkway, maganda na, saka nagmukhang class na ang USTe. Isama mo pa ang malaking sports center ng UST!
Maraming commercial spaces.. Where is the humility there? Don't tell me they need to earn a lot.. huh?

Kahit sa pagdaan ng panahon, noon at ngayon, kahit may nagbago sa pagugali ng mga tao nasa USTe, eh naniwala pa din ako na eto pa din ang UST na kinalakihan ko. Kahit marami nagbago, may mga bagay na di nagbago, gaya na lang yun post office sa Main building. O kahit yun Main Building mismo, ganun pa din. Oh paano naman yun commerce building, aba parang kahapon lang, sa 3rd floor ako pumapasok..

Kahit yun mga estudyante, kahit medyo conio ang dating, aba masaya pa din sila nagaaral sa USTe, gaya dati. Kahit kamote na kami sa subject, isang session lang yan, tapos na! hahaha
Kahit ano mangyari, basta nandiyan pa din yun pagiging magaling, mapagkumbaba at masayahin na Tomasino, mananatili pa din UST ang nandiyan. 
Noon at ngayon, Tomasino pa din ako! =)

Noon..
Ang baha eh matindi na, lalo na yun mga 3-7pm pasok ko, grabe, walang uwian at siyempre may inuman sa loob ng classroom with regular yum at coke galing sa student council! hahaha Paano ka uuwi eh kung ang entrance ng building may tubig na. Lubog na ang buong UST basta umulan.. Kahit lahat ata ng magaling namin engineer at alumni, di masolve yan! hahaha

Ngayon..

Copy paste. =)