Monday, September 1, 2008

available

well, it was a great party at burgoo for Kathryn yesterday.. so much food and the time with my family spent well I guess.. that's why I really don't like working at night.. hehe except when we went home.. the rain poured so hard that we got stuck in Quiapo for almost an hour.. luckily, EspaƱa was not flooded.. hehe by the way, this coming Sunday, it will be the start of the dreaded bar exams.. so good luck to Leonid, JP Dino and the great Al Paglinawan.. hehe mga ungas dapat pumasa kayo!!! nothing's new except what I encountered yesterday.. I was able to talk with Joanne at morning and we talked some serious things right away.. actually my initial talk to her is if I can apply to her sister's company, which is a bank.. but she told me, it's not advisable to apply to that company because it's so hard to work there.. well, in life, there is no easy shortcuts.. but i'll take her advise momentarily.. hehe

good luck to Villa and her wish.. I hope her wish will be granted.. hehe hmmm anyway, after that serious talk with Joanne and I hope she will able to cope up whatever problems she is facing.. I told her that we are almost in the same state of problematic figure.. hehe but anyway, I know she can surpass this and move on to a different and bright direction in life.. by the way, she can just rest in Tagaytay for sometime.. hehe so after that talk.. I slept around 2pm and all of the sudden, Jo Ivan just came to my room!! ruined my healthy sleep.. hehe but that's fine dude, good thing, he is able to return the DVD's and talked the usual gossip.. no shocking news or chismax from Ivan.. hehe but well, he just told me about his plans and I hope he can reach for it!!!

there are many ways to achieve the things you want in this so called life.. I was able to realize that when these "past" things happened to me.. many things happened.. many plans failed.. but I want to make up for those things, those mistakes.. so, if I have plans.. a short term plan, that will be to make up and get the work I want, at a daytime pace.. hehe

so, like I said, there are many ways to achieve the things you want.. I thought, going someplace will help me, but when I thought of my family and my situation.. I can't just leave them alone.. to escape them to be exact.. I can just face them here, right here, right now and see what will happen to me.. hehe but I am glad that I never give up.. give up that hope, faith, love and humility that I cherish in my life.. I will just give up, if I'll meet Ian Curtis face to face.. hehe

available is the title of my blog today because heller, today is an US holiday!! happy labor day!! so the remaining days to work for this week is only 3 days left!! hahaha then at the last day, it's my final VL.. yes!! on Friday.. it's also payday!! hehe it means by the way, no calls for today.. actually, very few calls.. I only received 4 calls as of the moment.. hehe

by the way, I am looking for new computers, for the future, like next year.. and the cost of the quad core computer packages gone lower.. damn!!! but let's see what will be the prices of these packages next year.. coz I don't have any funds yet to buy a new one.. hehe but if I have right now, I will buy one anyway..

I was able to watch the PBA rookie draft and I can say that my teams were able to get at least some good players.. hehe what else? UST is out of contention and I believe, it's time to get Pido sacked!!! hehe well, I hope UST will make up at the cheerdance at least this coming Sunday..

what else.. hmmm what will I do in my final VL? hahaha let's see.. but of course, I will go to loyola and that's for sure.. I have nothing else to say.. it's so boring today, but that's fine, it's better than getting so many confusing calls.. hehe

Saturday, August 30, 2008

wala

wala naman.. hehe walang bago.. wala naman bagong balita.. walang mangyayari sa UST mamaya.. pupunta ako sa birthday ni Kathryn sa MOA, burgoo.. hehe tapos nun.. wala na.. wala na ko masulat.. hehe wala na ko maisip.. bukas pala, sana petiks to the max!!! hehe kasi wala naman tawag at magpahinga naman sila noh.. sige.. eto na lang mailalagay ko ngayon.. tignan ko kung may maidagdag pa ko mamaya.. hahaha

aysus!!!

hay naku.. ungas si Reggie.. hehe pero ano ba magagawa ko.. wala naman bago.. paguwi ko eh nakatulog na ko.. di na ko masyado nagreply.. mamaya pala birthday ni Kathryn.. pupunta ako malamang.. ang bilis ng araw.. hehehe.. nasermunan pa ko ng aking friend.. hay.. wala na bang katapusan ito!!! hehe

pagdasal pala natin si Ely Buendia, mukhang di kinaya ang mga nangyari sa kanya.. pagkatapos lamang ng isang oras sa concert, sinugod agad sa Makati Med.. at mukhang itriple bypass na agad? grabe, ang bata pa lang niya.. para sa ganun?

wala naman bago sa kin.. nagpost lang ako kasi wala lang.. hahaha nanalo na pala ang ADMU, so sure na number one sila kahit magpabenta sila sa DLSU.. yun ay kung magpapabenta ba.. hehe pero kung hindi, sorry na lang sila.. USTe? naku, wala na kapagasa na talaga.. hehe kamote na, at kankungan pa.. hehe pero may consulation prize naman sila eh, maaga ang sembreak nila!!! hahaha

ano pa pala.. hmmmm wala na siguro.. eto nanonood ako ng Macross frontier.. at siyempre, nagpost ako ng eraserheads songs.. the best band in OPM.. ever!!!

Friday, August 29, 2008

biyernes

hay, biyernes na pala.. hehe ang bilis ng araw.. day off ko na mamaya.. nakakatamad na nga pumasok ngayon.. hehe sa Lunes pala, US labor day, sobrang petiks na ba ito sa araw na iyon? hehe September pala sila noh.. ano pa pala.. hmmm wala naman bago.. nanalo pala un Mapua.. kawawang Letran.. hehe grabe un Baste, sila naman ngayon ang walong sunod na panalo..

di naman ako nahirapan matulog kanina.. kasi di naman mainit.. hmmm nabati ko pala si Walter, confirm na manganganak na si Jack!! naks, parang maramin na nanganganak sa section namin ha.. hehe kudos to the couple, mabuti at sila din nagkatuluyan, habang buhay!! hehe ang sweet..

ano nga pala.. hmmm matatapos na ang linggo, ibig sabihin, baka matapos na rin ang pagsusulat ng tagalog ng isang buong linggo.. medyo mahirap din pala ha.. pero masaya.. hehe malay mo sa mga susunod na araw o buwan, mabalik ito, lalo na pag nasawa ako sa Ingles version.. hehe hay.. malapit na pala ang huling VL ko ng taon.. kasi naman, 5 VL lang ang binigay sa min kasi bago lang kami dito sa Dell.. ang huling VL ko ay sa susunod na linggo.. biyernes.. Sept. 5.. hehe malamang pupunta ako loyola tapos, matutulog, tapos buhay wasak o bahala na.. date? hehe

hmmm.. ano pa pala.. hay, wala na talagang pagasa ang USTe.. parang ang tanging paraan para makabawi eh palitan si Pido.. hehe narealize ko na dahil sa blog sa ubelt.com.. may point siya talaga.. kung tutuusin.. kayang kaya ang UST ang lahat ng teams.. kahit mainjure pa un iba, basta nandyan si Jervy at Dylan.. napapansin ko na ha.. parang may mali sa mga ginawa niya, lalo na un mga rookie ang binababad mo sa crunch time tapos mali naman gagawin.. wala na.. hehehe di mo naman masisi un player kasi wala ka rin naman magagawa.. naprepressure ka eh, malamang magkakamali ka.. injury pwedeng factor yun, pero sa lahat na laban napanood ko sa UST, may mali talaga sa style ni Pido, lalo ngayon year.. kung tutuusin, mas malakas un team ngayon kaysa last year.. tapos next year mawawala naman sila Dylan and Jervy.. pano na ang UST? kangkungan na ba ito? hehe pero yung nga.. sino coach naman papalit kay Pido? si Aric na naman na puro mura aabutin ng mga player? si Bal David kaya.. hehe basta.. mukhang wala na silang pagasa.. grabe..

ano plano ko ngayong sabado at linggo.. magbabad sa computer.. malilinis ng kwarto at gamit.. at sa Linggo.. pupunta sa birthday ni Kathyrn.. pamangkin ko kay Ate Aila.. happy birthday nga pala!! 4 years old na ata siya.. hehe ingat ka lagi!! kainan na naman ito.. hehe

medyo, nareresearch na din ako sa V for Vendetta.. marami palang naiba mula sa graphic novel at un pelikula.. kaya pala ayaw ilagay ni Alan Moore un pangalan niya sa credits kasi na bad trip.. kahit sa Watchmen, ayaw din niya ilagay un pangalan niya.. natutukso tuloy ako bumili ng mga graphic novel niya.. mukhang interesting kaso mahal malamang yun.. hehe

medyo inggit ako sa mga manonood mamaya ng reunion ng Eheads.. hehe pero ok lang, sana lang, ipalabas siya sa DVD at ako'y magpapahinga na lang sa bahay at magbabad sa computer.. hehe pero astig un reunion na yun lalo na pag puro hits nila ang kinanta nila, walang b sides..

hmmm.. ano ba.. wala na akong malagay.. sige eto na lang muna

Thursday, August 28, 2008

ang mga tanong na may sagot

ok, ito na ang mga tanong!! sa totoo lang, masarap siyang sagutin.. hehe

1. "Musta ang iyong ex?"
sagot: sana alam ko, pero matagal na kami di naguusap.. wala talagang kaming contact at hanggang tingin na lang ako sa profile niya.. pero alam ko na masaya na siya at nasa mabuting kalagayan.. hehe

2. "Kamusta ka naman pagkatapos ng hiwalayan, naka move on ka na ba?"
sagot: siyempre, mga unang buwan di ko matanggap.. parang gusto ko na magisa lagi.. hehe pero salamat sa trabaho ko, pamilya, barkada, God, at iba kong espesyal na kaibagan na kahit papano nawala ang sakit.. hehe malaki ang tulong nila sa kin kung ano man ako ngayon.. maraming salamat.. mag wawalong buwan na nakaraan at ok na ko.. siguro kailangan lang lumabas labas at magdate.. pero baka saka na lang, medyo gipit kasi ako.. hehe

3. "Are you seeing anybody right now?"
sagot: meron, pero di ko na ineexpect na maging kami.. pero kagaya ng nilagay ko sa blog nakaraan na biglang bumalik ang feeling na kala ko hindi.. hehe ewan ko, pero nalaman ko na medyo maghihintay ko at depende sa kanya talaga.. hehe ang labo noh? pero ganun talaga ang pag ibig, kailangan pareho kayo na nararamdaman.. hehe pero dapat may iba akong gustong kilalanin, nasa opisina, hehe pero bad trip, nagresign bigla.. peste naman.. pero good luck na lang sa kanya.. hehe may nirefer naman sa kin si Reggie, pero matagal na "getting to know each other" ito kasi pareho kaming busy.. hehe di kagaya ng college, medyo mabilis..

4. "So bakit di pa maging kayo?"
sagot: hmmmmmm, magandang tanong yan.. siya ang tanungin niyo, wag ako.. hehe

5."May iba na ba siya?"
sagot: wala pa naman, pero siyempre iba gusto niya at hindi ako.. hehe yung a rason kaya bakit di pa maging kami.. pero di ko na ipipilit, depende na lang sa sitwasyon, at alam naman niya ang nararamdaman ko.. naks.. pero totoo.. seryoso.. akalain mo, nagbibigay ako ng advise sa kanya para dumiskarte sa lalaki.. hehe pero ano pa ba magagawa, magkaibigan naman kami at kailangan niya ng tulong.. nandito lang naman ako sa kanya..

6. "What are your plans?"
sagot: ang plano ko eh siyempre, matapos lang to mga problema ko sa pera eh maghahanap ako ng work na normal naman ang schedule.. pero siyempre, habang wala pa, eh dito muna ko sa Dell.. masaya naman ako, pero kung may pagkakataon na makuha ko ang ganun trabaho, na medyo mataas din ang pay.. hehe edi go tayo dun!! hinihintay ko lang, sana nga tumawag na eh, pero kung wala dito muna ako.. kaya ko pa naman dito eh, basta masaya pa ako dito.. sayang naman kasi kung may pagkakataon na maging normal naman ang buhay.. yun ang numerong uno kong pangarap, or short term goal.. hehe

7. "Anu ba yung in-apply-an mo?"
sagot: basta, day job na iba sa usual na ginagawa ko.. backoffice naman.. hehe but di ko pa masyado nag aaply kasi isa lang naman ang pinasahan ko.. hehe bahala ka na Merlyn!! pero next year, pag ok na ko sa sitwasyon ko sa pera at iba pang bagay, eh mag aaply na ko.. lalo na pag pang gabi pa rin ako ha..

8. "Do you have any alternative plans just in case?"
sagot: hmmm pag di natuloy, titingin pa ko ng ibang trabaho na talagang matuto ako or madevelop pa ang skills ko.. maraming pa ko room for improvement.. sa mga nababasa kong libro, di ko pa rin tapos ang Art of War.. hehe eh nainspire ako na gawin ang tama di lang para sa kin, kundi para sa taong nasa paligid ko..mga umaasa sa kin.. kahit mahirap, pero ano pa ba magagawa ko, nasa gitna naman ako lagi ng gulo.. kahit tahimik na nga ko eh.. hehe pero siyempre, pag kaya ko na, magtatayo na talaga ako ng negosyo ko, dun ko makikita ang hirap at ginhawa na hawak mo ang iyong kapalaran.. hehe kaysa magpakahirap ako sa trabaho noh.. saka para na rin sa kinabukasan ko, lalo na kung magkakapamilya ko ng sarili.. Abroad? napagisipan ko na yan, pero ayoko ng middle east, sobrang init dun saka, baka di kayanan ng family ko sa pag-aalala.. siguro sa Singapore lang masaya na ko.. lalo na pag UK.. hehe kahit mataas cost of living dun, pero sa UK, lahat ng music na trip ko nandun.. panalo!! saka mataas ang UK pounds.. hehe

oo nga pala, apply kaya ako dun? hehe bahala na si God dun.. pero yung lang ang plano ko for short and long term, pero kung may mabago, di ko pa rin babaguhin lahat..

9. "Balik tayo sa lovelife mo, Pano na nga ba ang set up?"
sagot: hahahahahaha wala akong set up.. at walang kaming set up.. basta kung libre siya lumabas, go!! pag niyaya niya go din!!! basta ang feeling ko, eh between love and friendship.. gulo noh? love ko siya pero best friend niya ko.. ika nga ni Reggie, spark spark spark erghhhhhh.. hehe pero ok lang.. di pa naman huli ang lahat.. pero kung di talaga.. marami naman diyan..

10. "Hmmm... Pero is there someone, one particular person lang na you want to be with sana?"
sagot: oo naman, dati un ex ko sana.. hehe kaso siyempre natapos na.. particular, un ibang nakakilala sa kin, mga best friends ko.. hehe kilala kung sino yun.. buti na lang, wala siya multiply account.. hehe

11. "Mahal mo ba siya?"
sagot: oo..

12. "Ok. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makausap siya, anu ang sasabihin mo?"
sagot: alam ko na mararating na position na gusto mo at mukhang masaya ka na sa trabaho mo, at least di ka na ngarag.. hehe malaking pagkakaiba sa trabaho mo last time.. pero I am proud of you.. you have grown to a person that I did not expect.. yes, english na to.. hehe but anyway, seriously.. I am happy that you're ok and doing good.. nothing is easy in this life.. like me.. but in the end, if you want to get it, you will get it.. about what I feel.. hmmmm you know it already, and like I said, I am always here for you.. basta kung kailangan mo lang ng tulong or something, except pera.. hehe I am always here.. by your side.. the lucky guy that you really like and love.. well, he is lucky.. hehehe but sometimes feeling the love needs time to blossom.. like I said, give the guy a break, maybe he's busy or what.. or nadedesyon para sa inyo.. naks.. pero kung kailangan mo ng advise about that, ok lang sa kin.. basta, like I said before, love works in both ways.. kaya mo yan.. kaw pa.. hehe basta ingat ka lagi.. God bless, good luck and tama na ang inom.. hehe

hay, ewan ko.. ewan ko kung bakit ganito ang pag-ibig, at buhay.. di mo alam kung ano mangyayari.. may mga nangyari na di maganda pero kahit papano, natuto naman ako.. kahit minsan, nakakapagod na.. kayod pa rin.. at hindi ako manonood ng April Boys reunion concert Ivan!! hayop ka!! gawa gawa lang yun, para tapatan lang yung hype ng Eheads reunion.. haha sayang nga di ako makakapanood, sana mayrun sa DVD.. hehe panalo, one night only Eheads reunion concert.. paborito kong kanta nila? marami eh.. pero un laging nasa playlist ko eh ang kantang "torpedo" hehe pero di ako torpe.. sorry.. dati lang yun.. haha

kahapon pala, na addict ako sa kakabasa tungkol sa graphic novel na the Watchmen.. mukhang maganda nga siya.. grabe, parang naisip ko talaga, na mas sulit magbasa ng graphic novel kaysa sa comics.. hehe sino kaya matiyaga magbasa ng dalawang mahabang blog sa isang araw? sino?! maiksi lang pala yung una.. hehe bukas na lang ulit..

elitista dos

oo nga pala, kaso wala pa ko pic kasi di ko mahanap un unang kong plaque.. hehe dell elite.. kala ko di ko na makukuha ulit, pero yun, nabigay na sa kin un plaque.. un pera, nung biyernes pa pero nagastos ko na pambayad sa bahay at iba pa.. hehe kaya nalaman ko na.. pero ang masarap, ang buwan na naging dell elite ulit ako, eh buwan ng birthday ko.. ang bigayan kasi ng award sa dell elite eh delay ng 2 months kasi mahirap gumawa ng report ng stack rank noh.. di biro.. mausisa kung baga.. hehe pero ok lang!! siyempre, pasasalamat ko ng marami sa team ko, kay TM, coach at team mates ko din.. kung wala sila, siyempre, walang akong award.. pasensya na kung walang libre ngayon kasi kailangan ko ng cash.. tamang tama nga un dating ng pera, kala ko, manghihiram na naman ako.. hehe thanks team love a lot and our God above..

pag nakuha ko yung una, ilalagay ko agad dito sa multiply at friendster.. hehe hay naku UST, gusto na magsembreak!!!! hehe talo sa DLSU, 2 points!! peste.. dapat sa cheering manalo na sila ha!! yung FEU mukhang magnunumber 2 pa ata!!! hehe pinalaro na si Mac Mac.. aba aba, bakit?! basta may alam ako, at para sa kaligtasan niya? dapat wag muna siya pinalaro.. wanted na siya malamang.. hehe

si Villa ay nagkaproblema sa kanyang skin, pero sabi ng derma niya, wala naman daw serious o kahit anong problema.. may skin asthma pala siya.. ako din meron, nalaman ko lang nung napaopera ako nung 2003 sa ulo.. sabi nung surgeon ko, eh nung nakita un skin ko eh sabi baka may skin asthma daw ako.. pacheck up o exam daw ako para malaman kung san ako allergic o anu man yun.. dapat pala, un na ginamit ko sa ePLDT habang libre.. hehe pero subukan ko nga din sa Medicard..

si Pacman!! lalaban kay Dela Hoya? anak ng tokwa, kaya na niya bilhin un barrio niya!! hehe pero ano naman makukuha niya dun? pera lang naman.. pero kung galing talaga at kung gusto niya maging Filipino all time great, eh dapat kunin niya lahat ng belt sa division niya, kagaya nung kay Campbell, 2 belt ata hawak niya sa division niya.. dapat ganun.. masyado naman ata siya magpapayaman tapos gagawa ng walang kakwenta kwentang pelikula kagaya ng anak ni kumander!! hehe o tatakbo na naman siya.. walang magawa sa pera talaga.. hehe hay naku, kung ako ganun? magbabaksyon ako at mag papalakas na lang para lahat ng magaling sa division kalabanin ko.. hehe kanyang kanya diskarte talaga..

ok, at ngayon, siyempre eto ay galing kay Villa na blog.. pero salamat na din, masagot nga at may nadagdag.. hehe malamang for fun at siyempre, may mga makukulit na kaibigan na laging tinatanong to.. hehe tignan ang susunod na blog..

Wednesday, August 27, 2008

miyerkules

ngayon araw, ay miyerkules.. naks, hirap pala ispelling nito.. hehe pero mamaya ay huwebes na.. wala naman bago, pero siyempre nagbertday si Kuya Allan at nagpakain ng pizza!! ibig sabihin, hindi ako gutom ng pumasok ako ngayon araw!! hehe buti na lang.. pero ano pala bago.. oo nga pala Villa, wag kang magalala, lagi kitang pinapalangin sa iyong mga pangarap.. hehe galingan mo na lang ha.. hay, wala naman bago ngayon.. mukhang nakakabawi na ang San Beda ha.. dapat lang no, nakakahiya pag nasibak sila.. hehe Baste din umaariba..

bukas nga pala, UST vs. DLSU, tignan natin kung sembreak ang habol ng Tigers o Final Four talaga.. sa DLSU, tignan natin kung may nagbebenta na talaga na player bukas.. hehe may nakakapansin na parang may bumebenta ng laro.. hay, mukhang nasa kultura na ata nila ang ganun.. grabe naman.. napanood na daw ni Reggie ang for the first time ni KC at Richard.. olats daw, pang date lang talaga or may GF.. kaso ang kasama niya ermat niya, so malamang di niya feel!! hehe pero kahit ako, parang masyado lang nahype un pelikula.. kasi big time children ang starring dito.. so parang di ko talaga feel manood.. depende kung gusto ng date ko noh!! kaso hindi rin.. hehe ayoko magsayang ng 150php..

medyo masakit pa rin balikat ko.. peste.. hehe mamaya nga paguwi ko, lalagyan ko nga to ng paw.. nakita ko na un bagong website ng magic the gathering.. astig ha.. pero tignan natin kung tatakbo un sa PC ko sa bahay.. hehe nakakapanibago pero magandang tignan talaga, magaling un web designer and developer nila ha.. di madali yun.. ano pa pala..

ewan ko.. hehe pero may nabasa ako sa internet, kasi alam mo naman, na bihira lang ako manood ng TV.. gumagawa ng batas ang mga congressman tungkol sa mga professionals na magsilbi muna sa bansa ng 2 taon bago sila tumanggap ng trabaho abroad.. hehe mga licensed professional ata target nito.. kahit di sang ayon ang mga OFW kasi pinipigilan ng batas ang freedom to travel na nakalagay sa constitution, eh sa tingin ko yung batas eh makakatulong kahit papano sa bansa para sa supply ng mga professional na ito.. tandaan na ang sukatan ng magaling na bansa eh sa GDP.. o Gross Domestic Product.. kung tatandaan, tayo eh mababa ang GDP.. para tumaas ang GDP natin, kailangan maraming nagtratrabaho sa isang bansa o may negosyo sa tin.. kung maraming ganun, maraming pundo ang gobyerno para sa serbisyo.. o kurakot.. haha kung ganun mangyari edi uunlad ang bansa natin!! kaso di na ata mangyayari yun.. depende na lang kung magbago ugali ng gobyerno natin.. so naiintindihan ko din ang mga OFW.. lalo na un laging nababasa dito.. hehe ang unang magandang hakbang para kaunti lang lumabas na OFW mula sa bansa natin eh kailangan itaas ang sahod na mga manggawa, sa lahat ng rehiyon.. tapos, mula sa gobyerno, wala nang magnanakaw o kurakot at magsilbi sa bayan ng tama.. dapat sa lahat ng opisina ng gobyerno ganito, kahit barangay lang yan or LTO or kahit anong ahensiya.. tapat na serbisyo publiko kung baga..

pabor ako dun sa batas para lang sa short term solusyon kaso siyempre, mas pabor ako kung itataas muna sahod ng sahod para walang umalis na professional dito.. kung lahat aalis, tayo din ang kawawa sa ating kinabukasan.. hehe

hay, eto, dalawang oras na naman bago maglunch.. hehe pero eto galing lang ko sa isang parangal na dati kala ko di ko na makukuha ulit.. dell elite na naman!! part 2.. hehe bukas na lang ulit.. bahala na.. salamat sa parangal, pero siyempre mas masarap kung ang team ko eh number 1.. hehe