Tuesday, March 31, 2015

broken lines (collection 51)

Ang Lourdesian (LSQC batch 00)

Ikaw ay isang Lourdesian..
Pag kaw kumakain sa Aling Lourdes kahit may baon at oorder ng porkchopsilog.
Kabatch ka namin pag nakakain na Mang John’s burger!
Pag recess, kakain sa canteen at isang order ng siomai na apat na kanin! haha

Ikaw ay isang Lourdesian..
Kahit isang beses ay nakapunta ka na sa APSA!
Bihira pumunta sa guidance office except pag entrance exam na. hehe
Tatambay sa library para magpalamig, at minsa’y matulog din! Haha

Ikaw ay isang Lourdesian..
Walang dala masyadong gamit sa bag, kung di filler, notebook at ballpen.
Kapag magtetest na hahanap na may papel, mapa 1/4 , ½ o pad paper! Kahit may bayad pa!
Ang unang mo matutunan, ay hindi aralin, kung hindi paano kopyahin! Hehe

Ikaw ay isang Lourdesian..
Sa pag gawa ng excuse letter, sa umaga bago pumasok gagawin..
Sa pagtapos ng project, isang araw bago pagpasa, dun lang aayusin.
Sa pag aaral para sa mga quizzes, sa gabi bago mag test, dun lang iisipin!

Ikaw ay isang Lourdesian..
Pag test na, hindi ang review ang iniisip, kung ang diskarte para sa kopyahan!
Pag gagawa ng project, hindi paano tatapusin, kung sino ang dapat kasama!
Pag gagawa mag isa ang presentation, hindi ang paano aayusin, kung paano magiging huli!

Ikaw ay isang Lourdesian..
Family day ay takas day! Alam na saan ang lusot para makatakas! Hahaha
Intrams day ay araw ng pride ng section! Angas ng bawat section na ito, talunin ang cream! Hehe
School Fair day ay para sa mga manyak, este conio pala at mga gwapo. Hehe

Ikaw ay isang Lourdesian..
Alam lahat ng all girls school kasi para mang raid at mag date. Hehe
Todo preparado sa interaction kasi sa ibang partner didiskarte. Hahaha
Todo porma sa Prom para masulit ang gabi!

Ikaw ay isang Lourdesian..
May tawag sayo kahit wala ka naman palayaw.. hehe
Na bully ka o inaasar ka pag pasok mo sa umaga.
Mabilis kumalat ang chismis kala mo all girls school. Hahaha

Ikaw ay isang Lourdesian..
Lahat ng kalokohan, nalalaman, ituturo at alam mo. Hehe
Napapaiyak ang mga titser dahil sa kalokohan ng section! Hahaha
Napapawalk out ang mga titser dahil sa ganun din. Hehe

Itutuloy… =)

No comments: