Showing posts with label ayos. Show all posts
Showing posts with label ayos. Show all posts

Tuesday, February 3, 2015

Kung ako’y isang..

(son of the famous!)

Hmmmm kung anak ako ng politiko.. Siguro.. Kung talagang baliw ako o masama, tatayo ako ng private army. Get the most number of guns, kung baga armory na. hahaha Siyempre para maprotektahan sarili. Tapos kung nasa province pa yun teritoryo niyo, aba medyo matapang ka dapat. Takutin yun mga kalaban o mag siga na para matinag sila.

Mabuti pa kung may pinagkukunan yun lalawigan na pagkakitaan, like quarrying, or palayan or sakahan, siyempre pwede ka pa kickback na malaki tapos bili bili na lang din mga lupain na malawak, tayuan ng mansyon, secret hide out. O kung iba trip ko, maraming kotse, tupadahan o kahit ano pa yan. Maraming kabit, siyempre chickboy mode na to. Hahaha 

Kung sa manila naman nakabase ang political power, aba siyempre iba naman ang diskarte. Money Laundering tactics, the usual! Deposit account na iba pangalan. Bili bili lang ng stocks. Dummy NGO’s. Invest sa mga negosyo kahit conflict of interest pa yan basta yumaman. Walang problema! Hehe

Siyempre, magpapalaki ka na ng network, kung pwede lang kahit mga kalaban mo sa pulitika para alam mo galaw.  Hahaha O sa huli para mag nadali ka o nahuli, proteksyon siyempre. Ako, dapat yun mga ex general o mga chief dapat ang malakas ang backer!
Oh eto, paano pag anak ako ng sikat na artista or artista/politiko pa! Siyempre kahit di marunong or panget umarte,  kapal na mukha to, magaartista ka dahil kilala naman ang pamilya mo. Kung ako yun, siyempre dahil kilala naman ang pamilya mo at kung buenas sa manager mo na puro magaganda ang mga talent aba makakapili ako na yayariin este didiskartehan.. Kung talagang buenas pa eh naanakan pa. hahaha Tapos iiwan din. Good job!

Siyempre dahil anak ka ng ganito, matapang, ok lang mapasama sa trouble o gulo, pero wag naman lagi. Masisira ang image ng family. Hehe Oh kaya paspecial sa network, or sa mga pelikula. Special treatment kahit wala naman talent. O kung mayroon lang, paporma lang, ok na ko. Hehe Kapalan na talaga ng mukha. At kung talagang makapal ang mukha ko pag medyo nalaos o nawawalan ng project baka pwede na din takbo sa politika. Ganun lang naman dito, basta sumikat ka lang sandali o pakitang gilas ka, makikilala naman ako, boto na agad! Oh for sure, panalo na. Wag lang siyempre tatakbo agad sa mataas na posisyon, simula lang muna sa mababa hanggang sa maging gahaman pataas!

Sarap naman ng ganun, madali lang lahat, mayaman pa at malakas pa ang kapit. Grabe, parang ang sarap nun. Kung nagkaproblema, may kakapitan ka agad at walang hirap, ok lang basta wag kalimutan ang utang na loob..

Kaso parang di ko kaya. Hahaha Nahirapan ako magsulat, parang di ko kasi naisip sa sarili ko maging ganun. May kaunti hiya naman ako lalo na kung sikat ang mga magulang mo at may mabuting pangalan talaga. Bakit ko pa sisirain yun di ba?

Pero may iba talaga.. Grabeh!!!!!

Wag tularan!

Monday, February 24, 2014

Napulot!

Habang pumipila kami ni Igz sa KFC, kung buenas nga naman, nakakita ako ng 20 pesos! At least yun chicken fillet meal 30 pesos lang. hahaha 

I thought I'm not lucky but sometimes, especially may mga ganitong pagkakataon, eh I feel lucky. 

With a knack of details at medyo curious sa paligid, kahit simpleng lingon or tingin sa baba eh minsan nakakabuenas. Sa jeep, marami na ko nakuhang kahit 25cents, hanggang piso.. At minsan, nakabuenas ako na di ko alam kung ano ginawa pero nakapulot ako ng celphone! Kahit D88 lang yun na myphone, eh pwede na. 800 that time, libre! hahaha Walang charger pero madali lang kumuha ng charger, battery ok pa tapos may libre pang sim na tinapon ko agad. 

I was able to use it sometime pero di matagal sa dami ng cellphone ko dati. hehe In the end, nagloko na din kasi di nag-on na. Di na ginamit na matagal. 

MInsan payong, or dati sa shop naiwan na gamit ng mga  customer pero di na binalikan! hehe Tapos iba pa.. Pero minsan ako din nakakaiwan ng gamit, usually payong sa bahay ng mga friends ko. Kalat kasi nagsuka! hahaha Tapos ilan gamit, pero di naman mamahalin. Kaya parang kwits lang.

However, one Sunday, habang papunta sa PICC na sakay ng FX.. Bumaba isang pasahero tapos pagtingin ko sa baba, may nakarolyo na headset.. Sumigaw ako kung sa kanya daw, sabi niya hindi. Aba ayos! Naghahanap ako ng isa pang headset, just for backup kasi malamang this year may bibigay na isa sa mga headset ko. 

It looks like parang di maganda ang tunog, loops style kasi na ayoko, walang label at sabi ko parang di din tatagal to.. Kaso after putting in ear pads at checking it, aba eto yun pinakamalakas na headset na nakuha ko! Mas malakas sa Pioneer na nabili ko and Ministry of Sound, sobrang lakas, half lang ng volume sa phone gamit ko. Pag tinodo baka bingi na ko. hahaha Clear, rich bass, grabe.. Sobrang buenas at sulit! Kahit bilin ko ito, malamang sulit na din. Panget lang, until now, di ko pa din mahanap ang pangalan! Anyway, I don't care, sobrang sulit. 

Well, very grateful ako sa mga napupulot ko, whether maliit, mura, mahal or tingin ko walang kwenta, kunin pa din! 

Wala siya value today, baka along the road, it has the value the most!

I thought that God just leave some things that reminds what you need it most. Metaphorically..

All you need to do is pick it up and grateful for it. =)

Gaya na lang nung headset, I can't still believe I'm hearing it great. Damn great..

Kaya ako, mabuti yun naglalakad ka lang kasi sa daan.. 

Baka makapulot ulit!