Showing posts with label dota. Show all posts
Showing posts with label dota. Show all posts

Friday, July 25, 2014

flashbacks: CRAP DOTA nights!

Kala ko mamaya mayroon pero mukhang busy ang tatlo. hehe Itong si Igz, nanisi pa na ako daw dahilan kung bakit naaddict sa DOTA. hahaha Inaalala ko nga yun. Well, ok lang. Instead kasi na kain, or asaran lang or magtsismisan kina Igz, aba ngayon, basta si Doc may dalang dalawang laptop tapos yun laptop ni Igz at ako sa desktop na, ayun sugod sugod na sa base ng scourge! hahaha

Pati si Rheg eh naaddict, si Doc, eh pangtanggal stress ang DOTA. hahaha Eh ako? Naku, addict, kahit minsan dalawa lang kami ni Igz, sige, pwede na! hehehe Sa sobrang addict ko, 22 characters out of 110 something eh alam ko lang. Mas maganda itest ang galing pag sa labas o sa pustahan pero malabo na ko sa ganun. Or lalo kami. Iba yun mga nasa computer shop, all random ang mga skill nun. hehe Pero dahil dito, ang talagang nadedevelop eh team work. Oh, kala niyo laro laro lang ha. Minsan kasi pag kanya kanya eh kahit madali lang yun insane na kabilang team, natatalo kami. Mali kasi ang diskarte or worse, walang coordination yun mga hero. 

Saka dito nakikita yun ugali ng bawat isa sa min. Nakita nila ako na maingay at bwakaw, matapang. hahahaha Si Doc, nagagalit na, sa DOTA, lalo pag patalo na kami. hahahaha Si Igz, lumalabas din ang init ng ulo saka sarcasm sa sarili lalo pag panget na hero ang ginagamit. hahaha Si Rheg, well, traxex lang naman ang gamit at makita namin na kailangan ng practice. Kaya sa likod lang namin siya lagi. hehe 

Dahil din sa DOTA, eh napapadalas yun kitaan namin. Eh minsan parang every week, pwede na. hahaha Or every other week. Eh ako naman, since medyo limited yun gamit ng ibang kasama ko, ako eh kailangan yun ibang hero alamin ko, from agi to int at siyempre yun melee types na kailangan sa team play kilalanin ko na. hehe Kasi minsan kahit alam namin yun gamit, eh di effective sa ibang hero. Kaya yun, napadami ata ako alam na hero. haha 
Kailangan din magpahinga sa practice kasi dami ko din gagawin. Kaya tama na yun 22 plus na yun. 

Dahil din dito, ah after DOTA naguusap kami about sa mga buhay buhay, chismax and stuff. Saka minsan napapatipid na kami ha. Di na kami kumakain. hahaha Tubig na lang ok na!

Only disadvantage, eh madaling araw na ang uwi! Lalo pag mga talo laro namin, eh si Doc di papayag sa ganun, kailangan makabawi hanggang maka isa! haha Minsan 4am na kami natapos, eh ayun, kung ano mga lakad ko next day, sira. hehe Ok lang naman, kaso kulang tulog next day. Grabe.. hehe 

Minsan pumasok ako office, isang oras lang tulog ko, deretcho na office, ayun auto pilot sa office. hehe Lalo na yun counselor diyan, may office na matutulugan! Bwahahaha May isa pa pala, siyempre dahil kulang sa tulog, di healthy yun. =(

Pero yun lang.. I always miss this and its a new way na magbond kami.. We will try other ways to bond, healthy ways kung baga. 

For now, OWNING!!! =)


Monday, March 31, 2014

Kung Ako'y Isang..

(DOTA hero)

Kakalaro ko lang ng DOTA, apatan na to. hahaha 

Naisip ko, well sa mga di alam ang DOTA. Defense of the Ancients. Isang mod sa warcraft 3 na puro hero lang. Actually nakakaadik kasi sa daming hero at siyempre team play. Dinaig pa ang counter, battle realms, kahit Ragna. Kahit ngayon ata, may mga MMORPG, at diablo III or kahit ano pa, eto na ang panalo. 
Naisip ko paano kung nasa DOTA talaga ako? Sinong hero ako! hahaha Or pwedeng gumawa ng isa.
Sa dami ng gusto kong hero, or yun nagamit ko na, kulang ang isang post na to. 
Deretcho na nga, siyempre ang pinakagusto ko na gagamitin.. Although mas marami pang malakas dito, eh nasanay na ko at kampante na ko eh.

Terrorblade! Bulag kasi siya, parang ako. hahaha

Hindi dun, gusto ko kasi sa abilities niya. May zeal na self healing at higit sa lahat since gusto ko nagmamadali, increased attack speed din.. Tapos metamorphosis, kasi kala mo mahina, pagnatransform eh lintek napakalakas! Kahit sandali. Deceptive kung baga. One of my hmmmm personalities. hehe Refraction, parang may pampagulo lagi na mga shadows. Ako hmmmm pampagulo lang naman ako lagi. hahaha 

At higit sa lahat, pinakamadaya na level 6, sunder, pagmatetegi na, lapit sa kalaban, palit tayo life! hehe Siya ang talo, ako buhay na buhay. Sa real life, hmmmm parang kabaligtaran. hehe Nanghihina ako eh.

Siyempre sugod ako lagi as usual tapos pag medyo alanganin, edi siya din mabilis tumakbo, minsan medya medya din. hahaha Minsan pwede din maduwag. Takbo, palakas, sugod ulit at may mga items na pampalakas. Kung pwede Sange and Yasha, tapos basher na agad, at ang fave ko, manta style! Para kahit 3 pang kalaban sumugod, kaya ko. 5 shadow ako eh. hehe No match! Bad trip, peste kasi ang liit ng buhay kaya sa una, medyo suntok sabay takbo muna! hahaha

Saka gusto ko yun mga dialogue niya, isa dun eh "No challenge" "How Dare to face me?" Kung tama rinig ko. hehe

Gusto ko din yun sa pagkabilis niya, nakakahabol din. Parang ako, gusto ko habulin yun mga gusto ko. Kaso minsan nakatakas pa ang kalaban. hahaha

Sa daming hero na gusto ko gamitin. 

Dito na sa favorite ko. Astig pa naman yun dating niya, long wings tapos weird dangerous blades.

Pero mas gusto ko pag nag metamorphosis pa. Black, dark, deadly!

"I'm blind not deaf.."