Showing posts with label now. Show all posts
Showing posts with label now. Show all posts

Sunday, October 4, 2015

broken lines (collection 56)

Gaano na ba ako katanda?
Di na makasabay sa mga uso ngayon..
Huli na sa mga musika pinatututog!
Nagugulat na lang na ganito na pala ang ginagawa..

Gaano na ba ako katanda?
Kaliwa't kanan ang mga nagpapakasal at nagkakapamilya,
samantala ako eh talagang buhay binata pa..
Mga nakakagulat na pagbabago sa mga taong di mo inakala.

Gaano na ba ako katanda?
Parang kailan lang, kaedad ko lang ang katrabaho ko..
Ngayon, may kuya na tawag sa kin, at malayo na agwat ng edad ko.
Talagang masasabi ko na tumanda na ko.

Gaano na ba  ako katanda?
Dati lang iniisip ko ang kapakanan ko, at hinaharap..
Pero dahil sa mga pagkakataon na di ko akalain, nagiba na lahat.
Iniisip ko na di lang sarili ko, kung hindi ang mga aalagaan ko pa.

Gaano na ba  ako katanda? 
Dati nagaalala ako kung anong araw na.
Sa ngayon, gusto ko lang matapos ang bawat araw na maayos at masaya.
Natanto ko na importante ang buhay na ibinigay niya.

Gaano na ba ako katanda?
Pag may dekadang pinaguusapan na di nila alam, ako taga kwento..
Pag may mga pangyayari sadyang nilimot na, ako taga pagpaalala..
Sadyang maraming na ko pinagdaanan, kahit gusto ko limutin, biglang aalahanin!

Gaano na ba ako katanda?
Kung dati'y di lintana ang hirap na darating,
pero dahil sa pagtagal ng panahon..
Mas mabuti pagisipan mabuti ang mga desisyon na tatahakin.

Gaano na ba ako katanda?
Sa daming tama at mali nangyari sa kin, dati'y ako'y palaging nangangamba..
Samantala ngayon, sa mga darating na pagsubok o  problema..
Dapat maging matatag ang aking pananampalataya sa Kanya.

Gaano na ba ako katanda?
Sa dami ko nasabing mga talata, 
pakiramdam ko di naman ako matanda na.
Tumatanda pa lang. 
Papunta pa lang ako!

Gaano na ba ko katanda?
Isang dekada ay parang kahapon lang..
Lahat ng hirap o sarap, sadyang..
Lumipas lang sabay sa aking pagtanda.

Tuesday, July 28, 2015

Tomasino noon, Tomasino ngayon, Sino?

Unang talata

Noon..

Ang uniform namin sa commerce pag lalaki, parang sekyu lang or PSG, nakabarong. hehe Pag babae naman, ang mga uniform ng science, commerce, o kahit Med, nakakalito, sama mo pa ang pharma, halos pareho.. Pag may naspot ka chicks, hahanapin mo sa college mo, wala pala.. Nasa ibang college pala!

Ngayon..

Ah, masasabi ko mas gusto ko yun uniform namin noon, madaling isuot, at pag nagmamadali, di malate at may pormang panglabas. Ibig ko sabihin, tanggalin lang yun polo, white shirt at pants ok na! Eh ang commerce na lalaki ngayon, kala ko nagbebenta ng electrolux. hahaha Bwisit.. Ah, masarap mag site seeing ngayon, yun mga girls, iba iba na ang uniform!!!! At last!

Noon..

Dinaanan namin ang pesteng 2 years na ROTC na yan. Nadale pa ko ng isang sem! Bwisit talaga. hehe Pero di ibig sabihin, di masaya.. May mga linggo masaya, lalo na pag mga MP at team leader niyo kasama sa counterstrike bago magpirmahan ng attendance! hehe

Ngayon..

Medyo kasama ako sa buenas. hahaha Ginawa one year na lang yun ROTC at naging NSTP, di ko na make up yun bagsak ko sem. Buenas yun mga batch na sumunod sa amin, napakabuenas!

Noon..

Di namin naabutan ang malakas na UST tigers team. Naabutan namin, malakas magbuwakaw na mga player!!! Ang gagaling pa kumopya sa section namin! At dagdag mo pa yun palamura na coach! hahaha Nakakabwisit pa, may isang game against DLSU, lamang na ng 20, natalo pa, si Cortez pa ang best player, akalain mo! Kaya nung mga panahon na yun, walang kwenta mag cheer.

Ngayon..

Kung di ka naman malas, pag alis namin, nawala yun mga bwisit na player at coach, bigla nagchampion nung 2006! hehehe At yun mga susunod na team steady na lagi sa final four at dalawa sa finals. Sarap magcheer at mangalaska sa mga kalaban na schools!! 
Yun nga lang, ewan ko lang this year. hehe Balik kangkungan ulit, parang dati lang sa batch namin. hahahaha

Sa susunod na kabanata.