Tuesday, July 30, 2013

flashbacks: HWK

Siyempre kung may seatwork, may Homework! Actually sa lahat ng pinagagawa from skul, eto ang pinakakakatamad gawin. hehe Kasi naman uuwi ka na lang, may papagawa pa sayo! Bad trip.. Pero for me, eto yun maraming ako natutunan at diskarte sa pagaaral. Bakit marami? Una sa lahat, dito mo malalaman kung masipag ka or hindi. Kasi dito mo makikita kung talagang kaya mo gumawa sa sarili mo, lalo na sa assignment. Pwede din humingi ng tulong like sa family or friends pero iba yun aasa ka sa kanila para gumawa ng homework! hahaha

Well, siguro dito nadevelop yun pagiging pala aral ko, I still remember nung may tutor pa ko, si Tidad, naku kahit brownout at kandila lang ang ilaw namin, ginagawa namin yun assignment at di lang yun, may kasamang palo pa! hehe Old skul teaching yet it worked for me. Yun takot siguro sa palo eh nagpaintindi sa kin na magaral ng mabuti.

Isa pang natutunan ko sa HWK eh resourcefulness.. Bakit? Well, back in those days na dial up ang internet, actually di pa sikat ang internet.. Library lang ang sandigan for answers! Bago ako umuwi, tatakbo ako sa library to find answers sa HWK, at paxerox na din. We did have yun encyclopedia but antique collection na lang siya. hehe Actually malaking tulong yun dati lalo na pag sa science homeworks, yun na. Kaya siguro ngayon, matiyaga ako magbasa kasi dati pa lang, naku kailangan magbasa at maghanap ng tamang answer sa libro. 

HWK also does help with your creativity. May mga HWK that entails you to be creative lalo na kung english or pilipino subjects.. Yun gagawa ka ng mga tula, essay, research paper, at magpractice ka ng speech, magtula, even acting or worse singing and dancing. Siyempre ayaw mo magpahuli sa recitation bukas kaya todo practice kahit mapahiya, at least may assignment di ba? Naku ayoko yun bring this and that for tomorrow tapos ang hirap naman hanapin. Pagagalitan ka pa pag late mo na nasabi sa family kasi sarado na yun tindahan o palengke para doon. Naku yun ang ayokong task or homework. Dapat ang deadline kasi di agad agad bukas! Tignan mo ngayon, ganun na halos sa lahat ng skuls. Buenas ng mga bata. hehe

Isa pa at eto yun nagbibigay saya pag gumagawa ng homework eh ang pinaka malaking natutulong sa lahat.. Katamaran! Cramming! Ningas Kugon at ang famous phrase na tsaka na yan, matagal pa yan.. Pagdating ng pasahan, feel the rush! hehe Naku, it's a must not only in GS or HS but also in your whole skul life. Ang sarap ng cramming kahit nga sa work, ugali din kaya yan. Yun na ang tinatawag na pumepetiks.. hehe Well ang attribute na to, thanks sa HWK at nadevelop. Paano naman kasi, kung di naman advance yun homework, lahat naman ng subject sabay sabay magassignment, kaya ba gawin agad agad? hehe Hay..

At ang pinakafave ko natutunan sa HWK. At ang pinaka effective way lalo na pag all else fails matapos ang assignment, or HWK at minsan pero delikado sa mga project. Kopyahan bago ang pasahan.. Mainit init pa talaga!!! Last time ko nakakita niyan, ehem great example, tax assignment, nakalimutan may assignment, humingi lang ng yellow pad, humiram na ng assignment ko.. Kumopya, at pagdating ng prof, sakto ha.. Tapos na! hehe Abogado na siya ngayon. hehe Grabe at marami din instances, noong HS lalo na sa math.. Mahahalata mo nagkokopyahan na eh masyado maaga ang mga classmates mo lalo na yun notorious sa late.. Akalain mo nauna pa sayo pumasok! Yun pala, kokopya lang kasi. Walang mga sagot. hehe Well nung college mas organized, grupo grupo ang kopyahan, pag medyo mali yun sagot, kuha sa iba. Mantakin mo pumasa kami ng accounting ng ganun? hehe Pero infairness without this technique, I've known more yun mga kaklase ko, at most of my close friends. Kilala na nila kung sino sila. =)

Well, HWK activities indeed develop students, through skills, strategy, creativity and social aspect. Really, it's evident as it was shown above.

Right? 

No comments: