Monday, November 25, 2013

broken lines (collection 40)

Bagyo umalis,
ngunit hindi pa tapos,
pinsala dito.

Hangin kalmado,
pero bakas ng bagyo,
di pa naalis.

Sikat ng araw,
natanaw, sakit dulot,
di man mawala.

Nawala lahat,
gamit, tirahan, buhay.
Parang tagtuyot.

Lahat balisa,
hanap ng tulong, lingap.
Para sumibol.

Iniisip na,
ito'y parusa, ganti.
Sa atin mali.

Nawa'y dumako
tayo sa pagbangon, at
simula ulit.

Bigay pag-asa,
magmahal, bayanihan.
Huwag sumuko.

Bagama't hirap,
pagsubok nangyari.
Tatag ng lahi.

Magsimula na,
kung lahat magkaisa..
Tungo sa matatag na bansa.

Na kahit ano,
dating mga bagyo o unos...
Dasal lang sa Maykapal!

Tikas ng Pinas,
Ating ipamamalas!

No comments: