Saturday, August 31, 2013

ReView

Masasabi ko lang itong agosto eh napakalungkot, sa mga unang linggo maayos na eh, kaso nung dumating ang kalahating buwan eh kulang na lang mamatay sa pagod. hehe Pero ganun talaga ang buhay, di naman laging masaya o matiwasay. 

Salamat naman sa Diyos kahit papano, makahinga naman ako sa lahat ng pagod at pagod talaga nangyari sa kin. Di ko na lang isiwalat at gusto ko makausad na lang kaysa pagdiinan o masamain pa kasi wala naman mangyayari. =( Tuloy na lang kung ano pa magandang gawin sa buhay.

Congrats kay Doc Tin, at mukhang kampana na lang hinihintay ng CRAP! hehe At ano pa, pagkatapos ng tagumpay ng Gilas Pilipinas eh balik basketball lahat ng liga! Siyempre talunan na ang USTe, milagro na lang kung papasok ng final four! bwahahaha Doon na lang ako sa team B ng USTe, CSJL!! Arriba Letran! hehe Hindi naman, USTe pa din pero mukhang magkakatotoo ang hula ko, di na aabot ng final four.. Pero USTe eto, may milagro pa kahit mainjure na lahat ng player! hehe

Simula sa susunod na linggo, napakaraming pagbabago sa opisina.. At ako'y di naman nangamba, siguro sa queue na gagawin ko pero gusto ko lang bumawi sa Setyembre. Napakaalat ng Agosto pati yun trabaho ko medyo inaalat. hehe Pero bawi na lang talaga, mabuti na lang.. Di ako babalik sa dati na walang aasahan tao, at alam niyo kung sino yun! 

Hay, di naman masama o kahit malapit sa otsenta porsiyentong kapalpakan eh lahat masamang balita. May mga maganda din naman nangyari. Gaya na ano ba? Nakalimutan ko na. hehe Pero siguro una eh kaya ko magbawas na kinakain karne at mukhang matutuloy na yun pag ehersisyo ko, hehe Sa wakas!! Kailangan na kasi pumayat. Pero di agad agad, kasi iplaplano ko pa yun oras kung kailan pwede. 

Isama pa pala sa mga problema ko tong kompyuter ko. Aba eh mabuti di na maingay pero yun HDD naman, nagloloko.. Ika nga ng isang katrabaho ko, sabi pang server na ginamit na memory dito. Mukha nga! Kaya kailangan paayos muna.

Napakabilis ng panahon, walong buwan na nakalipas..

Sobrang pinagpala pa din ako kasi sa daming nangyari sa amin, sa akin eh marami pa ring bagay na ako'y pinagbigyan. Sana'y siya nawa eh di tumigil di lang sa pagbigay ng biyaya kung di sa pagmamahal sa min.. At tulungan mabago ng aming mga pagkakamali. 

Ako'y umaasa na di lang makalimutan yun mga nangyari pagkaraan ng walong buwan, mabuti eh magsikap ako na mapabuti di lang sarili ko, kung hindi, at maging bigay todo ang dapat kong gawin at mahalin ang ibang taong malapit sa kin. At siyempre, Siya din na nasa itaas. =)

Bad trip, napakahirap mag vernacular!!! Bwahahaha 

Buwan ng wika nga talaga Alfredo.. Hay....

Eiga Sai 2013

(pangalawang Parte.)

Kasamaang palad, di ako pinalad manood sa UP dahil kay Maring at isama pa ang mga inutos sa kin at kailangan gawin, at mga OT.. Di ako nakasunod sa UP film institute edisyon ng Eiga Sai. 

Bagama't sa ganitong pangyayari eh siyempre, may isa pang paraan, edi hanapin na lang dito sa internet! hehe

Always Sunset on Third Street part 2 - Habang iniscreen ko yun film, nahuli agad ako ng ganda ng cinematograpiya at 60's film setting na sobrang kuhang kuha, hanggang sa mga kotse.. Yun lang drama at maraming mga tauhan na kailangan sundan, pero mukhang maayos naman. Kailangan ko na lang siyang panoorin sa mga susunod na araw. Pero mukhang maganda naman at di sayang pag pinanood sa sine, kahit may bayad pa. hehe Ang tanong ba, kailangan ko ba panoorin yun part 1 at part 3? Ano to, Godfather? hehehe

Confessions - Nagulat ako na sa lahat ng film naka line up, eh eto yun stand out. Ibig ko sabihin dapat siya ang main feature ng festival. Nung subukan ko panoorin sa Shang, akalain mo sa sobrang haba ng pila, di ko na naabutan yun libreng ticket! hehe Mabuti, tama ang hula ko na masasama siya sa Eiga Sai pagkatapos ko siyang panoorin dito sa bahay. May suspense, high school drama at may pagkaduguan. hehe At magaling yun storya at may twist pa din hanggang huli. Hanggang ngayon iniisip ko, kung talagang pinatay ni Teacher ang nanay ng kanyang estudyante dahil sa paghihiganti? Mahirap sagutin pero masarap ulitin na panoorin. Kahit gusto ko yun Departures kasi sobrang dramatic at may puso.. Eto, iba yun thrill at shock value kung baga.. Mas gusto ko ito. hehe

Sana sa susunod na taon, alam ko ng advance yun schedule at wala sana aberya pagmanood na ko ulit. Sana Thermae Romae na palabas nila! hehe Or kung kaya, Saint young men, Ace Attorney, or yun mga bago ni Haruka Ayase. =) Key of Life din!!!

broken lines (collection 38)

Walang katabi sa jeep papuntang trabaho,
tumitingin sa labas para lahat ay maglaho..
Ako'y nag-iisa.

Ako lang ang kumakain, malayo sa iba.
Sa dako roon tumitingin nawa'y masaya sila..
Ako'y nag-iisa.

Habang naglalakad sa mataong lugar, 
iba'y masaya, iba naman nagmamadali o balisa, habang ako'y tulala.
Ako'y nag-iisa.

Sa aking mesa ako'y nagtratrabaho ng mabuti,
samantala ang mga katabi ko ay nag-uusap, kwentuhan, intrigahan, at kaguluhan walang katapusan hanggang uwian..
Ako'y nag-iisa.

Nang ako'y nawalan, nasaktan o kahit simpleng kahinaan,
mahirap humagilap ng tulong galing sa taong malapit sa 'yo. Dahil kanya kanya na ang kinagigiliwan.
Ako'y nag-iisa.

Kuwarto'y tahimik, kay sarap ipikit ang mata at maging malaya..
Walang gulo, problema at kahit delubyo, dahil ako'y tahimik, at nagpakalma.
Ako'y nag-iisa.

Nais ko man di mag-isa sa buhay, mailap na mahanap ang pag-ibig,
bagama't ako'y di nawawalan ng pag-asa, ngunit pansamantala, kailangan maging masaya nang walang kasama..
Ako'y nag-iisa.

Kung dumating ang panahon kahit ako'y may pamilya na, at naging matagumpay sa buhay,
Lahat ng ito, kung di ngayon o bukas, pwede maglaho, sa pagharap sa maykapal, nawa'y ako mas maligaya na nagawa ko lahat ng tama sa tulong niya kahit..
Ako'y nag-iisa.

unplanned 49

Kailan mapupuno ang salop?

Yan ang aking nararamdaman. Ngayon..

Mas nakakapanghina ang sitwasyon sa bahay, kaysa sa trabaho na padating pa lang ang hirap o istress.. Baligtad no? Kahit ako ay medyo nagagalit o gusto ko kahit papano umalis at gusto magisa pero mukhang kailangan isang tabi ang aking nararamdaman. Lalo sa panahon na ito..

Samantala, ako'y nagagalak na ang ating pangkat para sa FIBA-ASIA na Gilas Pilipinas ay nakausad na!!! Dalawang panalo na lang at sigurado na an pwesto natin sa Espanya world championships sa susunod na taon! Alam natin mahirap ang mga makakalaban natin, kaya kailangan nila at ang ating supporta!! Kaya, isigaw ang Gilas!!! Gilas!!! Gilas!!! hehe

Sapagkat iba na ang aming assignatura sa trabaho, kailangan ko maging maingat at mapanuri kasi sa hirap at medyo mapalinlang ang trabaho sapagkat akala mo ay madali, yun pala, eto ang ikakabagsak mo!! hehe Kaya kaunti ingat lang at, supporta sa buong pangkat mo. Kasama siyempre ang iyong masayang lider.

Marami pala akong nabasa na mga kakaintrigang balita. Mula sa pulitika at tsika. hehe Sa showbiz ano pa ba.. Ako'y naging mapagmatyag, at nag hihintay ng susunod na kabanata. Ang hinihintay ko eh, kung totoo na nanganak na ang isang aktres na kuno umalis para magaral, pero hindi pala!! Istayl niya bulok. eh gumawa niya nung HS ko, hindi sa US ang bagsak, angelicum pala!! hehe Eto naman eh nagabroad pero mukhang may tinatago.

naku naman bakit dun tayo napunta. hehe Ok naman dapat ako, kaso may mga bagay na kahit di mo problema or karga, sama ka. Pwedeng pahinga pahinga muna.. Kaso iniisip ko na lang, pag natapos ito, pwedeng na makahinga ng maluwag.. oh makapahinga at makalayo sa mga problema. Kahit ilang sandali lang.. Kung sabagay mayroon naman ako karapatan. Sana naman.. Hay Diyos ko.

Pagod at gutom ako sa mga sandaling ito.

Ay sayang, ni hindi naman ako nakapanood ng cinemalaya! Kakaasar, at sa tingin ko, kailangan nila na mas mahabang panahon para sa pistang ito at maraming lugar na pwede ipalabas nito. Yun ang naging problema kaya ayun, ang hirap manood, lalo na sa CCP.

Marami pa talaga ako iniisip, sobrang naguguluhan, di ko alam king ano uunahin.. Sila ba o ako?

Sarap ng libreng ticket sa eastwood, sana maulit ulit. Kakatawa, ang huling panood ko pa dun, parang The Dark Knight at sa Dell pa yun, matagal na kung baga. Ako po ay nabigyan ng ibreng ticket at nagamit ko naman sa tama, Red 2.. Sarap ng libre. hehe

Ngayon, ako ay masaya dahil natapos ang linggo yun na matino. Kaso, panandalian
lang yun kasi marami pa dapat gawin. Una eh naisipan ni Gerro na tumira sandali dito, pangalawa eh sa trabaho, kinakabahan pa ko kasi sa bagong trabaho inatasan sa min. Medyo di ko pa gamay ang trabahong ito, pero awa ng Diyos, wala pang bagsak sa QA. hehe

At ang huli ay pagsubok na darating sa amin na hanggang ngayon, hindi ko pa alam ang solusyon. Wala na ko maisip at wala nang paraan. Sana ay mayroong solusyon sa problemang iyon.

Umaasa naman ako na makapagpahinga kahit sandali.. Umalis sa mga araw araw na pagsubok, at pangyayari. Makahinga mula sa tensyon sa buhay.. Makapagisa kahit papano para may oras sa kin at di lagi sa iba.

Mabuti naman, nanalo ang Gilas!!! Kahit papano, napagaan nila ang problema ng ating bansa!!! Puso!! hahaha Saludo sa kanilang pinakitang Gilas. Kahit di malayo marating natin sa Spain World Cup, pinakita natin na isa tayo magagaling sa mundo at sana maging ganito sa matagal na panahon. =) Mabuti ang basketball, nakakaworld cup tayo. Di kaya ng ibang sport diyan, mukhang matagal ang usad papunta sa world cup. hehe

Sa bagyong darating, sana kami ay handa.. Ibang hangin at kulog ang dala nito..


Nawa'y magkaisa kami. Kahit isang beses lang. Kahit anong mangyari.. 

Professionalism

Not only siyempre sa BPO, siguro sa lahat ng aspect lalo na sa work eh you need this trait. It is hard to learn this especially when you're getting older. 

As you get old, the more you'll be stubborn. Ah like my parents. hehe Kidding.. But anyhow, being professional eh di lang maganda sa pangalan.. Gaya ng professional basketball player, professional bowler, teacher, banker, director, actress/actor, writer and etc. How about professional garbage collector or cleaner, or conman, and better yet, politician. Any job indeed needs to be living like a pro. Maganda nga siyang pakinggan pero how to become like one? Nah, it's really not good to one's ear.

Follow your boss, most of the time.. Laking bagay niya para maging professional ka, kasi meaning may respeto ka sa ibang tao. Kahit ang boss eh medyo incapable. I met some of them in my career, yun iba, lagi.. Or masama, buong career nila eh terror ang boss. Well ang way naman diyan it's either makisama ka sa boss mo or earn your boss attention sayo through performance. I mean honest working performance. hehe

Respect to others, especially your co-workers.. Naku lalo na sa industriyang ito, kailangan mo talagang makisama sa mga team mate kasi kung hindi, di ka tatagal. O kahit di na dito, kahit anong trabaho.. Maski iba trip nila or ayaw mo yun ugali, makisama ka na lang kasi para naman sa ikakabuti ng lahat. At least di ba may nakikilala kang bago o kung maganda, eh magiging kaibigan mo pa. Kung ayaw niya or nila, eh di leave them alone, not the job.. Just move on and do your thing. Don't feel nagiisa ka lang sa work. At never, make an event na ikakagulo ng work, kasi baka ikaw ang mawalan ng work at mahirap maghanap ng work ha. 

Follow companies policies/rules/steps basta whatever procedures they have. Importante ito lalo na if the company has a zero tolerance policy.. Meaning walang awa awa pag dun ka nahuli. It's either di ka magpahuli or mabuti eh sumunod na lang. Gaya na lang example, wag ma-late sa work. Yun iba grabe, maraming palusot or style, hanggang sa makadaya sa login. hehe Pero in the end, walang epek, love letter lang naman ang katapat or worse, medyo maghanap ka na ng work. Kahit anong trabaho naman may ganito. Kahit ako dati sa shop, pag late lagi, ah magpahinga ka muna sabi ko sa saleslady  or worse, may kukuha ako bago kaya next week ka na lang. Sad but well, somewhat true.

Be, at all times, accept consequences in a honorable way. Do whatever you can to contribute to others at your most capacity. Hirap pero ibig sabihin kahit medyo di ka na masaya o nagkataon di maganda pakiramdam mo magtrabaho, isipin mo yun mga ibang nagtratrabaho na mas malalala ang situasyon pero pasok pa din. Siyempre kasama na dun ang pareresign ng tama. hahaha Nah other examples na gaya pag bagsak stats, wag na kasi magdahilan, accept na lang na may pagkukulang ka unless eh.. Ehem yun TL or boss mo may malaking pagkukulang eh dapat umayos din siya. Accept mo yun shortcomings at be a sponge from feedback. Kung ano sinabi sayo baguhin mo, gawin mo para sa ikakabuti din. No matter how it was said,kahit masakit o minsan kakabad trip.. Tanggapin mo na lang at harapin ng tama. Wag na din umiyak, or magalit sa iba, o kahit sisihin mo yun boss.. Walang mangyayari kung ganun lang. Mabuti na magmove on, improve at enjoy. hehe Mahirap pero sa tagal ko sa trabaho, it works at magiging less stress ang work load mo araw araw. Kahit anong mangyari na panahon, o kahit may iniinda ka or may sakit, kahit may dinadamdam ka like nagaaway kayo ng GF/BF, tapos ang saya mo sa phone, pero after that, iiyak ka... So normal sa work. hehe Gaya ko minsan may lagnat basta may boses pa, pasok pa din ako! hahahaha 

Give always your best, kahit di mo kaya minsan. Ibigay mo yun lahat kasi dun ka kinuha or binabayaran dahil alam mo yun trabaho. Yun iba, petiks petiks matagal bago magtrabaho samantala yun iba nagpapakahirap. Excellence in work gives a long way towards success, kasi todo bigay in a smart/efficient way. Siyempre di lang yun todo sa trabaho,minsan isip din ng paraan paano mo mapapagaan yun trabaho mo. 

Higit sa lahat, sa dami pang traits na kailangan para maging professional.. Eto yun nakita kong kailangan sa lahat, lalo na sa mga nasa poder..Ehem.. Humble. Hindi feeling humble o low profile.. Iba yun! hehe Humble meaning di nagmamayabang. Kung ano ginagawa ng isa, gagawin din niya para sa pakikisama. Pag bagsak ang team, hihingi ng tawad ang TL dahil mali siya kahit di naman. Di pinagyayabang ang pwesto niya, kung hindi, lalo siya level sa mga mababang rank. Nakikisama sa hirap at tagumpay. Pag nacompliment, ang thank you di sa kanya, nagpapasalamat siya sa ibang tao agad na tumulong o tinuran siya. Or better yet para sa team or sa pangkat na katrabaho niya. Madaling lapitan hindi yun iwas ng iwas at nakasimangot pag kausap or ituturo ka sa iba para sa tulong, ayaw sa mga di kauri kung baga. Saka di nagmamarunong o mataas maski alam niya o talagang mataas ang posisyon niya. 

Eto lang yun mga usual traits para maging professional. Ako, well nagagawa ko lahat at kahit ilang work na ko or napasukan ko, tumatagal naman ako kasi eto yun ginagawa ko. Walang kaaway o heavy heart everyday siguro stress sa work load but not relationship to others..

I value having good relationship with other people because in the end.. Confident na sila to deal with you and have a lasting relationship with you. Being professional creates great relationships..

What's your profession? 

Tuesday, August 13, 2013

Almost gone: Radio

It was gone noong dumating na mga novelty radio stations. Yun mga stasyon na walang ginawa kung mangokray, mangtsimax at ang matindi sa lahat magbigay lang mga payong pagibig na minsan kulang na lang eh magmarunong eh DJ. Geez.. Sama mo pa ang sakit sa tenga na mga kanta! hehehe

Well, that's Radio for you these days. May mga pang high end pa din na radio, the usual English speaking DJ's but well, they are just numbered. Sad to hear that, unlike in my days before, eh may DMZ, Nu 107! RT then Campus Radio na naging tugs tugan na! Ewww.. hahaha Easy Rock is still here. Thank God! 

Kahit ang lahat ng mga cellphone ngayon eh may radio, I don't tune in. One eh bawal makinig sa work ng radio, lalo na sa BPO. Confiscate ang cellphone. Two, kung anong uso, yun na.. Ayun, yun mga maiingay at weird, or badet na pangalan na mga DJ eh sobrang sumisikat na.. I don't know where they get that energy. hehe Yeah, it's just well di ko trip. Marami naman ganun sa work ko. hehehe or some friends are like that na.. Why listen to it? At ang huli, eh yun mga fave ko type ng radio stations, unfortunately, they are gone. May magic at hit ata yun or monster but as much I want to listen to them.. Well, nah I still miss those cool radio stations. Cool DJ, cool topics and damn great music!!

Great thing, and ironically, isa sa mga naging trainer ko, actually my first trainer sa BPO eh dating DJ, at dating Ang TV star pa! hahaha Damn, dun ko sa kanya ata nakuha yun rhythm ng voice ko. Quite bass yet kinda midwestern. Siya eh kano talaga style. Pero dito naman siya nakatira. 

Damn how cool was that, learning english and the same time, dun ko sa kanya nakuha yun JD box set copy! Damn I miss that dude. I heard he's now a band manager.. That was years ago. Meaning those kind of DJ's na sobrang kano magsalita pero pinoy pa din ang dating.. These days, jologs na pero pag nagenglish yun mga DJ's fairness magaling eh. That's market wants these days. Hay..

Despite the dawn ng net, Radio did not really go down. Kasi mas lumawak yun audience, even around the globe pero sa advertising prospect, di naman siya priority kasi yun.. Di naman lahat may trip makinig. As we, according sa research eh more visual than hearing. Of course maraming nakikinig pero mas marami maattract pag may nakikita, which goes to TV or print Media. Kaya well, di ganun kalakas impact ng Radio. 

Of course, di naman mamamatay ang Radio especially if the end nears. hehe Kasi radio frequency is let's say kahit mabulok ang lahat eh may radio frequency na mas madali makuha. I mean, if apocalyptic days are come and gone, unang may signal is radio. Kidding, I mean di naman mawawala ang radio, it's part of our lives. Im still listening to it, I love listening to public service programs, kasi maririnig mo yun galit na nagrereklamo at yun galit ni host. hehe Or yeah may FM na news station which quite new. AM yeah, minsan I can't believe radio drama still running.. Kudos to those people who do it. And classical music.. Especially on Sundays. 

It won't be gone, it will be there forever. It's a matter of us appreciating it..

Listening to it perhaps. 

Yeah, video killed the radio star.. 

Twitter

@v_concepcion
:) :) :) Naks! Ang sweet naman..ΓΌ Thank you!!! ;) RT @blackswordsmann: Ang ganda ni @v_concepcion sa personal! =) damn beautiful..

I rarely use this social crap. hehe I mean, wala naman kasi akong smartphone na lagi on ang app na to or I don't stay that much home very much in front sa computer ko the whole day. Nakablock naman yun twitter sa office, I mean sa station. hehe Damn, I just use twitter for updates, follow some stars, real stars and see above? Wow, I can't believe Valerie will reply to me.  Take it from me, she's way damn beautiful sa personal, I forgot she has a kid nga. hahaha

Anyway, sa twitter pala may mga shout outs ako na wala sa FB or even sa blog. That's the main purpose sa kin ng twitter. Besides, kaunti pa lang nakakafollow sa kin so yun mga ibang secret nandito. Meaning add me up. hehe
Pero dahil sa twitter ha, ang talagang nagspark dito eh chismax.. Mapa showbiz or kahit sa bahay lang.. Grabe, lalong napabalis yun pagkalat ng chismax sa ibang tao. Kahit yun iba di naman nakatwitter or internet. Paano naman kasi yun iba di mo lam kung nagpapansin lang o nagkakalat lang. hehe
Pero nakakatuwa yun iba as in share ng pics, some great quotes din.. Sagot ng tweets like yun ginawa ni Valerie above. Ah news din minsan mas nauna pa sa twitter kaysa sa news online sites. At yun nga, stars are using this to connect with the fans.. Like me? kahit tignan ko lang yun tweet at di na sumagot, at least alam ko ang happening. hehe 

Anyhow, I'm almost going for the 1000th tweet, quite a milestone compare to others na thousands or baka millions, which impossible.hehe Unless bawat galaw eh tweet mo na. Adik! hehe 
Tweet, tweet.. Hmmmmm I don't know why twitter but not bad for a catch name for a company valued around $8 billion. Good tweet! 

@blackswordsmann