Saturday, October 16, 2010

Worst Week

As I look to myself this morning, I hoped, and hoped that this will be a great start.. Overcoming what happened this last week.. Well, everything has a bad start..

For me, it was worst... Oh crap. =(

I woke up late, kasi sa mga ginagawa ko kagabi. Well, ayun nagmadali ako pumasok. Cab na. Tapos ayun, nakarating naman sa work. Kaso ayun, maraming nakaabang na work. Crap.

Then, as usual, may palpak pa ko nagawa sa shop. So ayun sabon at plano ulit. Crap.

And well, I thought of going to check chick boy for my lunch. Ayun, pagdating sa makati ave, trapik!! Kailangan tumakbo na! Oh crap..

Siyempre, I ordered my usual meal, di pa kaya magexperiment kasi I'm running out of time for lunch tapos may problema na naman! Grabe... Arrgh... =(

I rushed back to work and it was a high queue.. I'm running out of breath.. Crap.. I just want to end this freaking bad day..

Naghanap ako na kahit papano magpapasaya sa kin for a moment. Well, mayrun naman pero hanggang dun lang yun. Looking through it but nothing will happen..

I thought watching after work pero naisip ko, parang after watching the review and my feeling ngayon araw parang tinatamad na ko.. Bukas na lang siguro.

Pero napakaswerter ko talaga, paguwi, wow ang lakas ng ulan. Mukhang tumama ata yun pagasa ha. Parang ondoyna ulan from Juan. Oh crap... Buti na lang, naku pagdating sa Quezon Ave station ng MRT, maayos na. Wala naman baha or whatever, biglang tigil yun ulan.

I ate again because bitin naman ako sa kinain ko sa chick boy. Gusto ko sana bumalik pero dahil sa lintik na ulan yun, next time na lang siguro..

I went home, frustrated, unsatisfied, tired, exhausted and alone.. Geez, I never thought na at the start of the week, for my shop calendar or my last day of the workweek, kasi nakipagswap pa ko.. Eh ganito pa ang simula. Nakaswerte ko naman!

Mabuti na lang I haven't done my early ritual, which is to pray and read. Kasi I do that everyday, except for Sunday.. Eh kanina, di na ko aabot kasi baka malate ako. I know everything is possible with him, pero kanina sabi ko, bawi na lang ako pag uwi ko..

I did, at least easy my disappointment for the day, but the bad vibes just getting in my nerves until now.

While I'm writing, while I'm doing download order.. While I'm looking at my pathetic self..

Sa totoo lang, ayoko talaga gumawa for today, pero mabuti talaga may blog, at least, I have an avenue for self pity or whatever you call it. Quite lucky as well, I still have control to myself.. Damn, sana, ang streak na malas, or bad trip or other factors that make my dear life sad further, please.. Put an end of it.. I may not take it anymore.. Absent na ko from everything for days. hehe

Pero di na siguro, I'll just do my job, and daan na lang sa smile. =) Prayer and some silence even I'm already damn silent..

I'm so drained when I realized that my stylus for the shockwave is gone.. Geez, well it's better to have my shockwave for now than what happened last week..

Gone, my blue ruin.. I thought, baka maphase out na yun.. Kaso di bale na.. Sana maglabas na lang sila na ganun ulit.. Mura at maasahan.. Masaya pa. =)

Will I write next week?

We'll see if it will be the same ol' crap here again..

Of course, marami naman ako worst week, but this is worse in my recent memory.. Great!

Friday, October 15, 2010

flashbacks: MIRC

3 out of 8 of them, I met them here..

Dati, well, before graduating HS until college na, I was an addict at this Internet Relay Chat. That time nga eh, marami pa chatters there na akalain mo nag MIRC pala. May class ha, di kagaya ngayon or as time goes by that time, medyo may squating na. hahaha

Actually, naisip ko din, yun jejemon, dito na din nagstart yun kasi dati, sobrang text talaga yun chat dun which I don't know why. Wala naman limit yun characters dun. hehe

Naaddict ako dun kasi with Nick eh, siya yun unang nakagamit nun tapos sino sino daw nakilala niya dun, edi join na ko. hehe Pero naisip ko ngayon, sino kaya nakilala niya dun? hahaha

Ako naman, well at that time, siyempre mahiyain pa, pero since di naman ako nakikita, ayun naaddict na din. I must say, buenas ko ata. hehe I mean, yun mga nakilala ko, mga panalo talaga. Di ko akalain na whoa. hehe Puro malayo nga lang, parang isa lang sa kanila yun malapit sa kin na location eh, pero malayo pa din. hehe

I mean, I met someone from ADMU, twice! Yun isa nameet ko sa Eastwood, nanood pa ng Saw II.. Yun isa, sayang wala na. hehe Sandali lang yun pero grabe.. Hmmm ah, may nameet ako, higher year ko lang sa UST! At BA1 din, akalain mo yun? hahaha

May nameet din ako na ayun, nag MIRC di para magchat kundi trivia!!! Kakaaddict kasi trivia dun eh. =) Tapos, may nameet ako, from north, land of pines, na ayun, I don't know what happened to her now. Tapos, may isa na galing south, na di ko man lang nameet kasi ang layo, that time ha. College, wala pa ko alam sa LP. hehe

May nameet ako na aba, nagsinungaling, alam mo yun trick na ganun sa MIRC, magkukunwari na ganun pero di pala!!! Pero ok lang, mas maganda naman siya kasi yun pinadala niyang pic. Nahiya lang. hehehe

May nameet din ako sobrang bubbly pero ayun, bihira lang magkita. hehe Ewan ko din kung ano na nangyari. =)

At may nameet ako na talagang na surprise ako.. Sister siya nun isang kilala dude sa Eco, sabi ko.. Di nga?! Nung nakita ko sa Eco, sabi ko, lintek ka, may tinatago kang hot sis ha! hehe Strict daw kasi si kuya, sabi ko naman, sayang!!!!! Nawala ako ng contact. hehe Pero matagal na yun..

Well, that's one way to find a chick no, tsambahan na lang o malas mo lang. But for me, it was worth while, eh ngayon, parang di na ata uso yun, and besides, baka bot na kausap mo. May ganun na eh! hehe

Saka yun nga, mga squating o worse, manloloko pala!!! Kaya ingat sa mga users ngayon ha. hehe Di kagaya dati, grabe, may matino ka kausap saka kung buenas ka. Yun na! hehe Chick pala yun.. Parang yun film ni bossing na love online ata yun, yun chick si Paula Taylor tapos yun imeet niya dapat si Jose, pero naloko siya ni Vic. hehe

I never thought na yun nga, kasi that time naman, you'll never have friends or whatever kasi online at di naman kayo nagkikita, magkakafriend talaga ako until today..

Tagal na nun.. I was really smiling that time really fast, and I'm now using FB and Multiply, friendster? thing of the past, check na lang ng profile.. mIRC indeed, kinda help me sort of.. Kasi kung wala siya, siyempre, wala yun iba nakilala ko na malaki naman natulong sa kin. =)

Friendships as well.. Love? Hmmmm no comment. hahahaha

Yes, wala naman siya sa computer ko kasi well, tama na siguro yun mga nakilala ko at makikilala ko pa in life. Iba na kasi yun confidence ko saka yun diskarte kahit medyo shy type pa din.

Yun mga referral nga ni Rheg ok na ok na eh. hehe

Honestly, I can't imagine, I met those people at mIRC.. I'm quite lucky.

CTC?

unplanned 18

Bago ako matulog ngayon eh, naramdaman ko yun pagod, sakit at bad trip. Grabe, at yes, may pasok pa ko ng Sabado!! Good job. hehe

Pero siyempre, di lang naman lahat ng araw ay down. May days naman na Up ako. =) Dalawang beses nag reunion ang Counsel! Akalain mo yun. hehe

Masaya yun reunion, saka kahit kaunti lang pumunta, pwede na! Sana marami sa susunod. Maraming laglagan at kalokohan! hehe Anyway...

Ah yes, matatapos ko na yun 1st module, at wala pa ko practice! hehe Pero ok naman, kaso medyo sabaw pa utak ko, di ako makafocus sa training. Mabuti hindi pa graded! Excited na nga ako sa hands on eh. hehe

But all of that, well, before that I mean, I am so tired.. Sleepy, pressured and I just want to get away! Pero wala eh, nandito na.. Nagdasal na lang ako na sana, tapos na lang tong linggo na ito kasi sobrang nahirapan ako. Sobrang napagod ako, and yes I got mad..

You'll rarely see that word in my blogs, but yes I got mad.. Hay, ibang tao talaga hirap pagsabihan.. Mabuti na lang nandiyan si Kuya Allan, kaso ayun nasabon din ako. hehe O kahit si Kuya Alpro.. Pero ganun talaga ang buhay.. Tuloy pa din.. =(

I have plans already for Saturday and mukhang October will be a busy month for movies!! =) I hope I could watch them all..

Malapit na ang bakasyon at ako naman, todo plano na lalo next week, kung ano gagawin.. Gusto ko magpaturo ng drive kaso, mukhang pagaralan ko muna tong computer program na train ko.. Ang ayoko ko lang sa training, may accounting! hehe I mean di ko naman talaga hate accounting kaso basic lang alam ko eh.. Pano ba naman yun prof ko dun..

Kape at dyaryo lang ang dala lagi. Nakaabang kami for 2 hours.. Parang suspense lagi lalo na sa recitation. Prelims grade mo 40 or 50 kung buenas ka! Pano ka matuto niyan? hehe

Basta, trust my eagerness to learn those things again. hehe Use my instincts na din.

I just hope makabawi ako next week, lalo na sa VOC, hay.. Kabad trip, maganda nga verbatim, 8 lang ang bigay, aba parang di ata tama yun! =( excellent pero 8 lang. good job!

Important, nandito pa ko until December. hehe Or January.. Wag muna magliguak! hehe

Hay, naiisip ko pa yun mga dapat ko gagawin, diyos ko, parang ang dami pa! I want to stop for a while and take a long slumber hibernating sleep.. Crap..

But oh well, I know I'm unlucky for this past week, but it seems pain is already in my veins.. It is indeed painful or should I say, hurt or pain means to absorb through me and move on..

Maybe I'm like spongebob, still smiling at the end and do his job at crabby patty (kung tama name. hehe) or spread fun to the people around him. =)

grrrh.. I tried to install this program ha, may error.. Loss never ends this week..

Counsel Reunion 2!?

"Wala na bang iba makikkita." =)


Then so it was.. Part 2 came..

After a long day on Wednesday, starting my new learning, well, umuwi muna ako sandali. Grabe, sobrang napagod ako, paano ba naman, sabaw na utak ko sa training. hehe At siyempre, install ko pa yun program na yun dito sa computer ko.

Then after fixing or checking some things and got a simple rest, well, nagtext ang counselor sabi ako na lang hinihintay. Wala pa ko 30 mins nakakapahinga, alis na naman ako. Bad trip! hehe

Pero, ayun, tumuloy na ko.. I thought of not wearing glasses kasi sobrang nasasawa na ko sa kakasuot ng salamin. Bad trip ako that day. hehe Unfortunately, when I'm walking, geez I thought I'm blind. I think of having a eye check up for next year, parang lalo ata tumaas ang grado ko.

Grabe talaga, kala ko sobrang fog or wala na ko makita from a far, even yun dadaan ko, di ko na makita. Bad trip.. Again.. Pero tuloy pa din ang paglakad.

Well, dumaan muna ako sa shop, at check yun shop at kung nandun si Kuya Allan. Nakita ko siya when I'm going kina Bobcy. hehe

Bobcy's home is actually just minutes away sa shop. Actucally, malapit lang siya sa zagu. hehe But I was kinda reminiscing kasi sa HS, tambayan yun talaga. Bahay ata ng buong LSQC eh. Kasi naman, pag team mate mo siya, sigurado, ang gawain ng project, sa kanila. Pwede pa matulog! hehe

Kala naman gawaan talaga ng project yun. hehe

Let's go back, so nakapasok naman ako, at bago lahat. After 10 years, even na malapit lang ako ha, ngayon lang ulit ako nakapunta sa kanila. hehe New paint saka ayos ng bahay.

Eh, pagdating, ayun sila Bobcy, Igz at Mark Manahan pa lang nandun. Sabi ko na ba eh, wala pa si Counselor. Ayun highblood. hahaha

Siyempre, kwentuhan kami nila Mark, and Bobcy of course kasi nun Sunday sandali lang naman siya. Mark, thanks sa tip for the odds at san pupunta. hehe Pero ayos naman sila kasama. Kakatawa nga eh.. Lalo na pag kwentong HS na. hehe

Actuallly, ang tagal nun ibang dumating, nauna si Father, then Bry, Francis, sila Mark Bautista, Sonny, tapos, nahuli si Rheg. Good job! hehe Mabuti at nakarecover naman siya from Highblood..

Masarap ang handa namin, pesto from Igz tapos dagdag ng manok. Then porkchop, ice cream from Father tapos at eto na, nagdagdag pa ng yellow cab. At record ito, parang one minute to win it eh, naubos in 1 minute. hehe Sabagay, marami naman kami. Thanks Adrian, for the treat!!! You indeed took your talent here at Manila. hehe

Well, tama nga si Francis, sana yun iba nakarating naman. Kami kami lang din nagkita pero mabuti naman may naiba na pumunta. Salamat mga pre!!

Pero sana marami at ayun, libre for reunion. Kasi naman, bihira na tayo magkikita eh, once in lang to, alam ko marami pa pero, sayang eh.. Mas masaya siguro kung medyo marami tayo IV-Counsel!

Ah yun pinagusapan, dun na lang sa bahay ni Bobcy. hehe Siyempre parehas din nun Sunday pero mas nadagdagan pa. hehe

Well, naisip nga namin nila Igz na medyo may time allotted na for reunion and besides, yun iba nandito pa naman saka willing to spend time naman. Yun iba kasi abroad na.. Oi, paguwi niyo, wanted na kayo ha!!! hehe

It was fun and great company, I don't care that after 4 hours later, punta na ko training ulit. Wasak na wasak. =)

Grabe, yun 23 na bote ng tanduay ice pala, wala na.. Malamang yun ibang isa lang iinumin, naging dalawa. hahaha

It was a long tiring day..

It was a long fun filled night..

Good luck to Counsel!!

Pax et Bonum!

Tuesday, October 12, 2010

Counsel Reunion?!

Kumakain na kami sa Mister Kabab, we wonder, wow, 7 hours tayo sa Dencios na puro kalokohan ang usapan, usapan HS!!! hehe

Well, after a worse day in my life, comes Sunday.. I like the Gospel on that day na 1 out of 10 na pinagaling niya eh isa lang ang nag thank you. =) Siguro that's why I always say thanks to him. Ang di ko lang nalagay na thank you eh sa broken lines 12 eh. hehe

Pero ayun after that wonderful mass, eh akalain mo makita mo pa ang magaling na counselor! hehe Nagtext daw siya which I was not able to read right away kasi deliryo pa ko, or stunned from yesterday. Whatever. Anyway, tuloy daw sa trinoma for the reunion!

Eh ako naman, ayun, as usual routine, punta shop, ayos ng gamit tapos uwi muna. Confused pa din pero trying to cope up naman. Hay..

Well, after some trouble and di ko alam ang gagawin eh tuloy na daw sa Trinoma, eh ang alis daw is 1:30pm, so punta na ko Mini Stop sa Mayon-Suki branch then met Rheg. Ah may familiar pala ako nakita.. Hmmmmm. hehe

Anyway, we went to Igz and prepare muna lalo na si Igz na sobrang wasak due to Marathon with Piolo, este run for Ilog pasig. hehe Doc may lagnat kaya mukhang di makapunta. Napagod sa medical mission.

Siyempre habang naiintay kay Igz, siyempre kwentuhan saka asaran na!! Siyempre like I said before, maloko at masaya yun HS ko eh. Yun nga lang loser ako. hehe

At isa sa mga matinding bully ay si!!!! hehe Ni sila nga di makapaniwala. hahahaha

Ayun, punta na kami ng Trinoma and while driving, nagdrool na si Rheg sa D90, oi bibili na!!! =) Medyo trapik due to La Naval and maybe Adam Lambert. hehe What a day, 10.10.10 indeed..

We arrived tapos ang nakita namin agad eh si Father, tapos may kasama, cuz niya. Then, nakita na namin yun ibang salarin, este yun mga classmates!!! Corps Commander, Bry, Francis, and Joseph.

Ang mga banat, parang nasa counsel lang! hehe We don't know that time san ba kami tatambay pero well, wala na maisip so we went to Dencio's.

Kala mo kakabukas lang ng Dencio's kasi walang tao at 3pm. Hahaha Pero ayun, kahit medyo mabagal sila at feeling busy kahit wala naman customer, nakakuha kami ng magandang spot.

Then, bago umorder, siyempre asaran na saka laglagan. Parang naglabas muna ng sama ng loob sa CAT eh. hehe Kahit boy scout ako, at least officer ako dun! haha

Kamustahan kaliwa't kanan.. Sayang nga kung marami kami, or at least yun iba na magkakakasundo. May susunod pa pala sa min. Akalain mo yun. hehe

Ah yes, may sumunod naman, siyempre sila Neil and Bobcy later. Pero grabe, ang saya ng kwentuhan lalo na yun mga events nangyari sa Counsel. Kakaiba talaga yun kwento, ako naman tawa lang tawa. hehe Kasi siyempre iba yun experience ko nun nasa Counsel, sabi ko nga dati, sa last 2 quarters ko lang siguro naenjoy yun Counsel. Pero masaya naman talaga.

Lalo na yun tinatanda namin GS pa all the way hanggang Counsel. May dagdag chismax pa! hehe

Nagmature na nga lahat kahit well, medyo ilangan pa kasi naman yun iba dun, ngayon lang nakita! hehe Kahit yun iba naman dun, nakita ko lang, pero di masyado nagkwentuhan. Ngayon lang.

To cap the night off, well, ayun biglang nagsara yun dencio at namalayan namin na 10pm na! After around 4 buckets of beer? =)

We end up eating at Mister Kabab na nagtaas na naman!!! Anak ng tokwa!!!!! hehe

Wow, amazing, it is indeed a reunion of sorts. We went home and well, suprise!!!!

There is part 2...

LQS

Yes, at October.. Eto, mukhang kamote! Yehey! Lost my phone at mukhang yun ulit ang kukunin ko pero wag muna ngayon. Just saw my new 2 VOC surveys, kamote na naman!! Hmmmm sa shop, well improvement sa sales at sana maging stable lang. At yes, well, I'm not surprised if Zen Hernandez is there again! hehe Love? we'll see... =) And yes, it's been a while, I'll be a student again.. For a short course.. Parang wala naman at bagyo unlike last year, pero ok lang, it's better than last year. Good thing is, well, I have a long vacation!!! Yehey, kaso di na naman natuloy ang adventure...

November.. still a student for a short course.. I hope I'm still at work even I have a low gridd due to damn VOC from last month. Shop? Dapat medyo tumaas na because of the holiday season at bagong tarpaulin! hehe Ah yes, well another visit from Zen.. Geez.. hehe Love? Pag wala ng October, malamang, November din. =( Dapat may phone na matino at sana maayos lang ang lahat. Less problems.. Less worries. More work! Bawi sa gridd! hehe

December.. Holiday of cheers and Christmas. Sana todo ang sales ng shop and another thing, first xmas at 247. Magcaliraya kaya kami? hehe Stable na dapat ang stats ko at lalo na less VTO since November at lalo this month. Malamang ang queue nasa 100 calls waiting. hehe Reason: it's xmas!! Yehey, template na malamang to sa notes! hehe Naku, ilan beses na naman namin makikita ang Zen and yeah, madefine na ang goals and plans for 2011. Love? Hmmmm forget this month.. =( Especially the almost last day of the month and year.. I hate that day. hehe

A quarter of suspense and thrills.. I don't know what to expect even I already planned some of it.

I just hope at the end of the year, something will change for the good.

Not only for me, but for all of us...

For the better and not for worse..

Ah yes, it will be nice if no storm will come..

Naku, wag lang yun storm na alam ko.. Naman.

Tahimik na eh. hehe

Monday, October 11, 2010

nawala sa isip

When I saw my avaya and it's 3 minutes before 3 pm, I thought where to go later.. Ongke, Hmmm pahinga or visit my Dad.

May nagtext sa kin, saan na daw ako, sabi ko sa work, lintek, yun 09/10 pala sabado! Kala ko linggo. Bad trip.. Hay, namiss ko yun birthday ng inaanak ko.. Well, katanga ko naman. Sabi ko sa sarili ko, na mismanage ko yun sked ko. Nun last week pala, dapat nasabi ko kana kina Magzi na may shift pala ako ng Sabado. Arrgh.. naman!

Well, tuloy na lang ako kay Dad, pamasahe kay Gerro tapos kamustahin si Dad.. Siyempre nung nagbibiyahe ako, parang wala lang, pero naisip ko pa din, mali talaga ako tingin ng calendar. Siguro kala ko PTP pa din yun 9 ng October.. hehe Pero ang tanga ko talaga. Sobrang busy ko siguro or nawala lang sa isip ko. Sobrang naset ko siguro na ayan sa Sunday ng hapon tuloy na ko ng South. Kaya laking panghihinayan ko naman...

Anyway, as I drop at the Quezon Ave station MRT, siyempre dadaan ng ETON centris. Tingin doon, tapos tignan kung buhay pa yun cellphone tiangge dun. hehe Tapos pasok sa SM Hypermarket na maluwag then daan ng Quantum. Siyempre, mahilig ako sa old skul arcade games, laro na ko ng Street Fighter 3, 3rd strike!

Subukan si Ryu, shin souryuken special pinili ko, may fave super niya. Lumayo naman ako, kaso as usual, at lahat ata ng arcade, may sira na yun joystick. Sobrang di nagreresponse si Ryu na gusto ko. Nilaro ko na lang, talo kay Hugo.. Naman..

Laro naman ako sa kabila.. Mas malala pala yun joystick dun, 3rd stage lang ako sa Ryu. Lalong parang wala lang. Pindot dun, wala ginagawa si Ryu. Bugbog ako.. =(

Sakay na ko sa FX na sobrang mahal. Don Antonio lang, 35 pesos na! Grabe. I arrived there and saw Gerro, well, he's still the same but friendly. =)

Simple lang naman sa masahe niya, pero at least, masarap naman at nakakaginhawa. Siyempre kuwento naman si Gerro and I just nod but I am just happy, because after that event before, it seems I'm getting his trust back. It's just, well, di naman pwede na yun unang goal to get him back to the doctor, which is ayoko ko na ipilit. For now.. Important is approachable siya and happy.

After a long hour of massage, dapat alis na ko, pero kumain na muna ako, since I haven't not eaten after my early lunch at 10am. or 11am.

Then 2nd attempt to go home, pero well, kamustahin ko na lang muna si Dad. Same sermon este talk pala. hehe Pero naiba naman sa huli at tama naman siya, gusto ko sana sabihin para nagawa ko naman lahat eh. Like sacrifices. But well, respect na lang sa kanya and besides, he's right..

I just hope na sana if there is another operation to him, maayos na siya.. =)

After some advices and directions.. I went home na, same route, then sakay sa may shopwise.. Since I always like riding FX on the way home, eh mukhang matagal. May nakita na ko dalawa kaso I'm late to ride on it...

I thought magbus na lang. May nakita ako maluwag na Bus, dun na ko sumakay! Kaso na paakyat na ko at nakaupo, ayun... Kinapa ko na yun shorts ko sa right, my wallet is there, but my blue ruin.. Is nowhere.. Gone.. Lost.. Stolen?

I don't know. Crap. F*ck!!! As I sit sa bus.. Wala na.. Bagal ng response ko talaga. Well, I thought of going back pero wala na, malayo na ko.. I called my phone, it's ringing pero di sinasagot. Kung nasnatch yun dapat wala ng ring but nagring pa din siya..

I dropped na sa speaker perez and I thought taking a cab and going back there! Kaso I'm just tired na. Saka naisip ko baka snatch na din yun, kung nagring baka bait na din mas malala pa mangyari sa kin.. I went home, hopelessly.. Desperate to just lay down and rest, thinking sayang.. Sayang talaga! What a jackass I am..

I know well, yes medyo mahal siya pero like I said about blue ruin, ok siya for me. Music talaga panalo then lalo ngayon, pati notes and memory ng phone ko nun, the quotes, messages whether it's bad or good.. Namiss ko na. Yun hirap na pinagdaanan ko to buy that phone na din, grabe.. Lalo ako nanghina =( Isip na ko ng paraan agad about my sim, so I thought, yun sim na lang na retailer. At least may free text. Kaso sayang yun immortal ko dun sa dati kong sim. hehe

But, overall, I'm just dissappointed.. It's replacable but yun mga pinagdaanan nun, it's priceless..

I texted Dad and ayun sinabon na ko. At ayun, text all the people close to me, from my family, to friends, until sa work and now sa FB.. Sabi nga ni Joanne, talaga ayaw mo na iretrieve. Or others say, what happen, sayang, sagot ko naman, ayun template. hehe Pero ayun, I'm just tired na. Move on na lang asap and well, nah, saka na lang ako magpapalit ng phone. Wag muna today, isip muna ako ang tamang diskarte para di naman maulit yun..

Kung ano pa yun first time mawalan ako phone, yun medyo bago pa.. Grabe pre!

Naisip ko nga magtiyaga na lang ako sa china phone then zune 16gb na lang. Kaso wala naman zune dito. =(

Hay, dami ko na iniisip just to avoid that from happening again. But it was too late. Too late to return that one phone that keeps me going everyday.. Every moment..

At yes, dagdag pa yun gloom ng di pagattend ng party.. Oh crap.. Oh sh*t... Bloody Hell.. Why is like this?

I'm so sad, especially when I'm walking home, no atmosphere of sounds that at least, addicting yet giving me life. Day in day out..

Well, good thing I was able to keep the headset.. There is some memorable part of it..

Bad trip talaga, pag nakikita ko yun displya namin, natanto ko na kung kukuha ako ulit nun, wag yun ganun kulay. Iba na lang.. hehe

Mag ingat na lang at sana wala ng ganun..

Sana naging handa ang isip ko at di nawala =(

Tiis muna kay Shockwave at extra very whatever careful I can be..

I don't want to just stare again at a blank state. =(

It was a very long day for me, a very sad long day..