Friday, July 13, 2012

Alamat ng Amats!

pangatlong alamat: CRAP


Aba, siyempre, ang lalong naglulok sa kin sa paginom dati eh ang mismong CRAP! hehe Well, kakahiya nga lalo na sa bahay nila Chef, dati, panay pagtawag ko ng uwak ang ginawa ko. hehe

Anyway, ang pinakamalakas uminom sa min.. Siyempre, yun Chef! =) Dati, eh di lang masarap magluto si Igz, kundi aba magaling at masarap magpainom si Igz. Siya nagintroduce ng pinakatrip kong gin, Tanqueray tapos may halo pa siyang ginagawa.. Actually, ang usual halo lang naman eh sprite at Tanqueray.. Grabeng gin, yun ata ang gin na pabango. hehe

At, siya din nagintroduce ng German beer na matagal ko na namiss!! hehe Galing germany talaga at grabe pag may uwi si Achi at sakto may German beer, ayun lagok agad namin apat! hehe May time din na grabe, usual na inom eh san mig light tapos may chivas regal on the side.. Wasak ako nun after ng isang shot ng Chivas. hehe Damn I miss those college booze nights.. Parang 7 days a week may inom, lalo na nung precom pa ko.. Naalala ko pa ata, one time, galing ako kay Igz tapos next day ROTC, mabuti na lang silent drill ako, so pag punta lasing tapos magcounterstrike.. hehe

Next eh si Sir Rheg.. Ehem.. Yes.. One of the factors kaya naman siya naging ganyan at inamin naman ni Sir.. Eh grabe naman kasi, DLSU days pa lang, halos kasabay namin.. Party there, party dun.. Tapos paguwi niya, at may nagyaya na kamag anak niya, aba, shot shot lang din.. Napatunayan na talagang mas malakas siya sa min dati lalo na sa beer. Talagang siya tagaubos eh. hehe Lalo na yun isang birthday party niya, which dun ko nakita si number 8.. Aba San Mig Light, may Red horse tapos may lason pa na J&B. hehe Kaya yun, pagkatapos nung, interview ko ng umaga.. Bagsak! Wasak kasi from last night! hehe

Si Doc, eh tahimik din paguminom pero grabe, malakas din, lalo na sa hard.. Kaya eh.. Pano ba naman, eh kung kami sa commerce masaya na pag may hard drinks kasi lagi short sa budget.. Ok na pag gin or beer.. Sa college ni Doc, aba mahina ata johnny walker. hehe Pang mayaman talaga! Kaya yun, mahina sa beer pero sa hard.. Hard si Doc, sila na lang ni Igz ang maginuman. hehe

Ako naman, sabi nila malakas pero ang totoo.. Everytime na uminom ako, lagi ko lang iniisip eh malunok ko to ok na! hehe I don't care magkalat, which in the end nahiya na din ako. Saka siyempre, ako naman si oo kaya yun.. Shot dito, inom doon at kwentuhan lang. Habol ko naman sa inuman dalawang bagay lang, kulitan at inuman mismo. hehe Pagtahimik na ko, yun na, simula na ng amats ko.. Medyo inom inom ng tubig at todo kain sa pulutan para mawala yun pait ng inom.. Kaya yun, uwak talaga minsan or worse, gising na ko nagkalat na.. hehe Ah may isa pa pala kaming kasama, si Mark.. Eh yun talaga nakakahiya, bagong palit ng carpet, grabe ako agad nagkalat!

Pano naman kasi, pesteng ponkana gin yan. hehe Kwatro kantos pa!

Anyway, now.. Yeah occassionally na lang kami uminom. Actually, di na halos.. Igz bawal na due to health.. Same goes with Sir Rheg na lalong kailangan niya. Si Doc, umiiwas na din although well umiinom na din. Me? Last Friday lang pero isang Super Dry at isang shot ng walker na binabad sa ginseng. hehe Pero yun eh bago nun, aba parang 2 months pa ko ang huling inom.

Sa CRAP of course, namiss din ang inom days.. Wag lang yun Tanduay Rhum. hehe Alam niyo na kung bakit.

Eh sa CRAP naman, magkasama lang kami ok na at magpakalasing dahil sa..

Ice Tea.

No comments: