Wednesday, February 13, 2013

broken lines (collection 31)


Pag-ibig, kay sarap kumabig!
Laging hinahanap, inaasam..
Labis ang aking pagiisa,
nawa'y mahanap ko ang pag-ibig.
 
Pag-ibig ay sadyang mailap.
Bagama't ako'y nagsisikap,
sadyang mapait ang kapalaran..
Pag-asa, di kailan mawala.
 
Pag-ibig, kay tamis mahagkan!
Gising sa umaga, ika'y tuwina..
Babaeng nagbibigay mukha,
puso ng tunay na pag-ibig.
 
Ang iyong mga nakakatunaw na titig,
Ang iyong mga magaan na haplos,
Ang iyong mga salita na nagbibigay liwanag,
Ang iyong mga nakakabighani na kilos..
Lahat na ito, pakiramdam ko'y buhay ay langit na.
Walang ikakatakot pa, kahit ano pa man, walang hanggan!
 
Pag-ibig na ikaw matamo.
Pangako'y magmamahal ng labis,
di magaalingangan wagas.
Bawa't sandali, dapat punuin!
Pangalawa sa Maykapal, gaya niya..
Ibigay ang lubos na Pag-ibig!

No comments: